KABANATA 17.

1K 93 2
                                    

Lailanie’s POV

"Viola! Tapos na!" excited na sigaw ng bading at iniharap niya ako kay Thea.

"Grabe… ganda mo talaga Bestie! Nako, siguradong talbog mga campus beauties mamaya!" turan naman ng Bestie ko, sabay thumbs up.

"Ikaw rin naman Bestie. Magkasing ganda tayo, we’re sisters right?" sabi ko sabay ngiti.

Lumapad naman ang ngiti niya sabay lapit at yakap sa’kin. Today is the day of my most awaited day---My wedding day!

This time I’m no longer sad nor confused dahil bukal sa puso na itong pagpapakasal ko, I never thought na magyayari talaga ang araw na ‘to, ang ikasal sa taong mahal na mahal ko. After all the struggles we’ve been through alam kong malalampasan ko ang lahat ng ito basta nandiyan si Jace sa tabi ko.

"Ayan Madame, dapat naka-smile ka! Hindi gaya no’ng una mong kasal sana ay nakabusangot ka! Sana naman this time hindi na maudlot yan!  Napakaswerte niyo po Ma’am pinag-aawagan kayo ng mga fafabels, share mo naman sa’kin nalang ‘yong isa!" sabay beautiful eyes ng bading.

"Excuse me bakla, naka-reserved na ‘yon para sa’kin. So don’t you dare, makakalbo talaga iyang panot mong buhok." Singit naman ni Thea.

Sabay na nag-irapan ang dalawa pero agad naman kaming nagtawanan.

Pagkatapos ng paghahanda, sumakay na ako sa sasakyan kasama si Thea. Tinulungan niya rin akong i-angat ang mahaba kong gown upang hindi ito masayad sa lupa kanina.

Nakatanggap ako ng text mula sa kapatid ni Jace, nando’n na daw ang lahat at  kami nalang ni Thea ang kulang.

"Best, para kang baliw diyan… nakakatakot ang mga ngiti mong ‘yan." Biglang sabi ni Thea kaya nabalik ako sa diwa ko.

"Natutuwa lang ako Bestiee, dahil sa wakas tapos na paghihirap namin ni Jace." sabi ko.

"Nako! truelalo ka diyan Best at excited na ako sa kissing scene niyo mamaya!" bulalas niya kaya pabiro ko siyang hinampas. Sa lahat ba naman ng aabangan iyon pa! Pilya talaga.

"Loka ka talaga!" natatawang sabi ko.

Makaraan ang ilang minuto nakarating na’rin kami sa wakas sa simbahan…

Ito na nga talaga! Wala nang atrasan ‘to Laila!

"You look stunning mi unica hija! Tara na? Nag-aantay na sila sa loob." Bungad ni Dad paglabas ko ng sasakyan.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang humakbang papalayo sa sasakyan at papasok sa simbahan.

Pagkapasok ko, lahat sila nakatingin sa’kin. Ang daming tao na dumalo, buong campus na yata ang nandito. Maliban lang kay Kent at Steffi, until now wala pa rin akong balita sa kanila…

As I walk in the aisle nakatuon lang ang mga mata ko sa lalaking nag-aantay sa’kin sa altar.

"Kinakabahan ka, anak?" tanong ni dad.

Tumango lang ako, “I’m also excited, Daddy.”

Ngumisi lang si Daddy saka sinabing, "ganyan din ako noon habang hinihintay ko Mommy mo sa altar… kung nandito sana siya, tiyak na may kasama na akong umiiyak ngayon." Turan ni Dad sabay tawa pero bakas ang kalungkutan sa mga mata niya.

Hinigpitan ko ang hawak kay Dad "Miss ko na rin po siya Dad." Utal ko.

Namalayan ko na lang na malapit na pala kami sa altar.

Nilingon ko agad ang lalaking papakasalan ko, Jace is smiling brightly nang magtama ang mga tinginan naming dalawa.

"Mr. Vulneria, alagaan mo ang anak ko ha." Sabi ni dad sabay pasa ng kamay ko kay Jace.

"Opo Dad." Tugon naman ni Jace na malapad na nakangisi.

Umiling lang si Daddy, pero ngumiti rin siya at pumwesto na sa upuan niya.

Pumunta na kami ni Jace sa gitna. Tinignan ko si Thea, na ginawa kong bridesmaid, kinindatan ako at nag-cheer pa ang gaga ng go! Kaya ‘di ko maiwasang mapatawa.

Nagpatuloy ang seremonya hanggang sa umabot na ang pinakainaabangan ng lahat.

"I now pronounce you as husband and wife… You may now kiss the bride." Buong lakas na turan ng pari.

Dahilan upang naghiyawan ang lahat.

Tumingin ako kay Dad at natawa ako dahil nakasimangot siya, ngunit kalaunay nag-thumbs-up rin siya bilang pagsang-ayon.

Then, binaling ko na ang atensyon ko kay Jace and then…

We kiss.

Sobrang saya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil sa wakas, nakarating na rin kami ni Jace sa simbahan at nag-isang dibdib. Ang saya na sana ng mga pangyayari, akala ko tapos na ang problema, pero pansamantala ko lang palang nakalimutan ang totoong problema…

Nakalimutan ko na sana… Ngunit, biglang sumakit ang ulo ko parang mabibiyak na naman ito, awtomatiko akong napahawak ng mahigpit kay Jace.

"Princess, namumutla ka! Ayos ka lang ba?" Natatarantang tanong ni Jace.

Pero hindi ako makasagot dahil sobrang sakit na talaga ng ulo ko… Diyos ko, h’wag naman sana… h’wag muna ngayon paki-usap, gusto ko pa makasama si Jace at ang magiging anak namin.

Natataranta na rin ang lahat. Naramdaman kong binubuhat na ako ni Jace… hilong-hilo na ako sa tindi ng sakit ng ulo ko kaya hindi ko na maiintindihan ang mga sinasabi niya’t nanlalabo na ang paningin ko.

"Jace..." huling sambit ko, bago nagdilim ang paligid.

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon