KABANATA 14.

1K 94 1
                                    

Miyoko Jace's POV

"Hayop ka talaga Mariano!" sugod ko sa kanya at sabay na pina-ulanan ng suntok sa mukha, gusto ko siyang bugbugin hanggang sa malumpo ang gagong ‘to.

"Tama na! Miyoko!" Awat sa’kin ni Steffi.

"Isa ka pa!" ‘di ko mapigilang bulyaw sa kanya. Plano nilang lahat ng ‘to kaya ‘di ko maiwasang magalit. Nakakagago!

Nandito kami ngayon sa Hospital at hindi pa rin nagigising si Laila.

Hindi na rin ako mapakali, natatakot ako na baka hindi na siya gumising pa.

Diyos ko, h’wag naman sana…

Sinabi na rin sa’kin ni Mariano ang tunay kalagayan ni Laila. Napasabunot ako sa galit. Bakit ba kami nagkakaganito? 

Kasalanan ko ‘to… kung sana hindi ko itinigil ang paglaban para makapiling siya. Sana hindi kami nagkawalay, sana hindi siya naaksidente. Pero, hanggang sana nalang ang lahat dahil masyado akong nabulag sa galit.

"Miyoko, magigising rin siya… ‘di ba sabi mo sa’kin matapang siya? Kaya h’wag ka nang mag-alala magigising siya. Ipagpanalangin nalang natin sa Diyos ang mabilis niyang paggaling." Saad sa’kin ni Steffi.

Sana nga…

"Miyoko..." tawag bigla ni Mariano na agad ko namang nilingon.

"Ano?!" inis kong baling sa kanya.

"I'll be going to San Francisco this day, ayokong makita ako ni Laila pag-alis ko, Pero itong tatandaan mo Vulneria, ‘pag sinaktan mo si Laila babalik ako para kunin siya sayo at sisiguraduhin kong sa akin lang siya." Turan niya.

Ang lakas ng loob niyang pagbantaan ako. Ngunit, napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"It needs time to heal all wounds… ayoko nang ipilit ang sarili ko kay Laila dahil sa simulat sapol wala na akong laban sayo. I just want to make her happy kahit pa ‘di ako ang kasama niya. I'll just accept the fact the talo na ako and we’re not really meant to be. Just make sure to make her happy, give her the best that she deserves, ‘pag hindi mo ‘yon ginawa, mag-aaral ako ng boxing at gugulpihin kita hanggang sa malumpo ka." Pagkasabi niya no’n agad na siyang umalis. Kung magpapatalo ako sa kanya. Gago siya!

I saw Steffi crying out loud in the corner…

"Steff..." kahit galit ako sa kanya na-awa pa rin ako sa kalagayan niya... bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya may sinabi siya.

"Ang sakit pala Miyoko ‘pag galing na sa taong mahal mo ang mga salitang ‘yon… tama siya, hindi niya man sinasadya pero lahat ng ‘yon patama sa’kin. Siguro kailangan ko na ring sumuko." Nakayukong turan niya sabay punas ng mga luha niyang patuloy lang sa kakapatak.

"H’wag mong sabihin ‘yan. Susuko ka na lang agad ng hindi lumalaban? Ano? Magmumukmok ka nalang diyan? Anong magagawa ng pag-iyak mo diyan? Ang magkaiba sa inyong dalawa, si Mariano sinubukan niya… ikaw sinubukan mo ba? Malay mo mag-work out ang effort mo kung susubukan mo? H’wag mo akong gayahin na sumuko at nagsisisi na ngayon… H’wag ka na magdrama diyan palaban ka din ‘di ba? Sundan mo na siya." Hindi ko alam kung makakatulong ba ang mga sinabi ko sa kanya. Pero, sinasabi ko lang ang totoo. 

"Miyoko…" nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa’kin at bigla niya akong niyakap, “salamat at sorry talaga sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko... ipagdarasal kong magiging okay rin ang lahat. Sana this time h’wag mo na siyang pakawalan ha." Bulong niya.

"Tss… drama mo. Umalis ka na nga, baka magising pa si Laila magselos pa na yakap-yakap mo ako." Biro ko.

"Oo na! sungit talaga nito. Bye Miyoko ‘till next time." Saad niya. This time she’s no longer crying at nakangiti na siya.

Tumango lang ako at lumabas na siya ng silid ni Laila.

Agad kong tinabihan si Laila…

Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok at hinalikan ang kanyang noo, “paki-usap, gumising ka na mahal ko.”

----

Lailanie's POV

Nagising ako na nasa tabi ko si Jace na mahimbing na natutulog.

God, I missed him so much…

hahawakan ko na sana ang kamay niya kaso nagising siya.

"Laila! Salamat naman at gising ka na alang-ala ako sa ‘yo. kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa’yo? Sandali lang tatawagin ko muna ang doctor." Sunod-sunod na tanong niya bago paman siya makaalis, I grab his wrist.

"Jace, ayos lang ako." Saad ko.

Bumuntong hininga muna siya bago sinabing, "galit ka pa rin ba sa’kin?"

Umiwas ako ng tingin.

"Princess, I'm sorry kung naging mahina ako… pinaglaban kita pero ‘di pa pala sapat ‘yon dahil sumuko ako agad---Nagpaloko ako. Pero, pinapangako ko sa ‘yong hinding-hindi na ma-uulit pa ‘yon. Kung pagbibigyan mo lang sana ako ng isa pang pagkakataon." Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Hindi ko alam Jace…" totoo hindi ko alam kung anong pumipigil sa’kin mahal ko siya pero hindi gano’n kadali ang magpatawad.

"It’s alright, I’ll give you time para makapag-isip-isip ka… pero asahan mong ‘di na ako lalayo sa tabi mo lalo na't magkaka-anak na tayo. Kahit pa haharapin kong muli ang Daddy mo." Aniya.

"Anak…"

Natigilan kami pareho nang pumasok si Dad.

"S-sir…" alangang utal ni Jace.

"Mr. Vulneria pwede ko ba munang mahiram ang anak ko?" tanong ni Dad na nagpalaki ng mga mata namin ni Jace.

Kasi dapat sa mga oras na ‘to nagsisigaw na si Dad at pinapalayas na niya si Jace, but this time malumay.

Tumingin si Jace sa’kin kaya tinanguan ko lang siya at lumabas na siya ng silid, leaving us alone.

"Dad… hindi ka na ba talaga galit kay Jace?" tanong ko.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, " anak, matanda na ako. Na-realize ko na walang saysay ang magalit sa magiging ama ng apo ko. Hindi ba sabi ko sa’yo kung sa’n ka masaya dapat do’n rin ako.  Patawad hija, kasalanan ko ‘to… ‘di sana mangyayari lahat ng ‘to kung ‘di ko kayo pinigilan---"

"Dad... napag-usapan na natin ‘to ‘di ba? Napatawad ko na kayo." Pagputol ko sa kanya.

"Salamat hija." Sabi niya sabay halik sa noo ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Okay lang ako Dad, siguro iwasan ko lang mai-stress."

"Mabuti naman kung gano’n. Eh, kayo ni Miyoko?" tanong ni Dad.

"Ewan ko Dad." Sabi ko sabay yuko.

"Mahal mo pa ba siya?"

"Sobra, Dad."

"Eh. kung gano’n ano pang pumipigil sa’yo? Pangako ‘di na ako manggugulo sa inyong dalawa."

"S-si Kent Dad?" pang-iiba ko ng usapan.

"Umalis na siya a few minutes ago, nagdecide na siya na pumunta ng San Francisco… sinabi na niya sakin lahat and he was so sorry, dahil tulad ko naging mapanggulo kami sa relasyon niyo ni Miyoko. Matagal na siyang sumuko sayo anak bago ka man makaalala ulit… Sana mapatawad mo rin siya anak."

"Hindi man siguro ngayon Dad, pero baka balang araw matutunan kong patawarin siya." Turan ko.

"Sana magka-ayos na rin kayo ni Miyoko anak."

Tumango lang ako.

“Balang araw, Dad.” Turan ko sabay ngumiti ng mapakla.

~~
Singkit's note- Guys, don’t forget to add Throwback Lovers on your reading list. It's another Vulneria series. Sana po suportahan niyo rin ‘yon gaya ng pagsuporta ninyo sa storya kong ‘to.

Enjoy reading this revised version guys!

VOTE AND COMMENT ^^

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon