KABANATA 18.

1K 92 3
                                    


Miyoko Jace's POV

Kanina pa kami ng Daddy ni Laila paikot-ikot sa labas ng kwarto kung saan naka-confine si Laila.

Gusto kong wasakin ang pintuan… Tangina! Isang oras na kaming naghihintay rito sa labas, ngunit wala pa rin kaming balita sa nangyayari sa mag-ina ko sa loob.

"Sino sa inyo kaanak ni Lailanie Brat?" tanong ng doctor na nagpatigil sa’min.

"Asawa po niya ko./Anak ko po siya." sabay naming sabi ng Daddy ni Laila kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Ah, O-okay… so, I’m sorry to announce this but this is an emergency. Nasa alanganin na ang mag-ina… We have to take the baby out, to operate Laila as soon as possible. Right now maaaring comatose si Laila, lumala na ang brain tumor niya. In order to save them both, we have to C.S the mother. But it needs permission to the relatives, it's up to you… You have to make decisions now and sign the waiver,"  paliwanag ng Doctor.

"Pero dok, sa susunod na buwan pa ang kabuwanan ni Laila." Alalang tanong ko, eight months pa kasi ang dinadala niya.

"Yes sir, magiging pre-mature ang anak niyo. But don't worry, maraming cases na nakaka-survive ang mga pre-mature babies and besides one month lang naman ang kulang na buwan. Our concern here is your wife, she's in danger right now palala ng palala ang brain tumor niya at kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Saad ng doktor.

Hindi... hindi pwedeng magdusa ang mag-ina ko. Bakit kailangan pang mangyari ‘to? Kung kailan maayos na ang lahat ng sa’min ni Laila.

"Gawin niyo lahat! Wala akong paki-alam kung maubos lahat ng pera ko mailigtas ko lang ang anak ko’t apo ko! Paki-usap Doc, Iligtas niyo ang anak at ang apo ko." Umiiyak na paki-usap ng Daddy ni Laila. Walang tigasin na ama ang hindi bibigay ‘pag nasa alanganin na ang kanyang anak. Unti-unti ko nang na-iintindihan ang ama ni Laila kung bakit gano’n nalang ang pagpoprotekta niya rito dahil nag-iisang anak niya lang ito’t wala na rin siyang ibang kasama sa buhay kundi si Laila lang.

Nilapitan ko siya at agad na inakay nag-alala na rin ako sa kalagayan niya dahil matanda na rin siya.

"Miyoko iligtas mo ang anak ko..." utal niya.

Pinilit kong magpakatatag pero ‘di nagpapigil ang mga luha ko. Kailangan ako ng asawa ko...

"Sige Doc, papayag na po kami... pero, paki-usap po gawin niyo po lahat! Iligtas niyo po mag-ina ko," sabi ko.

"We'll do our best Sir,  ipagdasal niyo nalang po ang kaligtasan ng mag-ina niyo." Sabi ng Doctor.

Pagkasabi no’n umalis at bumalik na sa Emergency Room ang Doctor.

Agad naman akong nagtungo sa mini Chapel ng Hospital upang magdasal.

"Diyos ko, alam ko po marami akong nagawang kasalanan sa buhay ko, pero sana naman po huwag ninyong gawing kabayaran ang mag-ina ko... Nagsusumamo po ako sayo. Wala man akong karapatang humingi ng pabor sa inyo, dahil nakalimutan ko kayo. Paki-usap iligtas niyo po sila. Kahit ito lang po ang sagutin niyo. Magbabago na po ako, " panalangin ko. Labis na akong nag-alala sa mag-ina ko kung pwede lang sana ako na lang ang dumanas no’n, h’wag lang sila.

"Miyoko…" pinunasan ko muna luha ko bago ko hinarap ang tumawag sa’kin.

"Mr. Brat..." Nilapitan ko siya at agad na humingi ng tawad. "Alam ko pong ‘di niyo pa rin ako tanggap hanggang ngayon. Patawarin niyo po ako kung wala ako magawa para sa anak niyo… Patawad---"

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa’kin Miyoko, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito… kung ‘di lang sana ako naging mapilit noon edi sana ‘di nangyari ‘to sa anak ko." Saad niya habang umiiyak.

Parehas kami ng nararamdaman kaya napatawad na namin ang isa’t-isa. Kailangan naming magka-ayos alang-alang kay Laila. Mahina kong tinapik ang balikat niya.

"Mali ka sa iniisip mo Miyoko, matagal na kitang tinanggap dahil alam kong ikaw lang ang magpapasaya sa anak ko. Anak na rin turing ko sayo simula no’ng napatunayan ko kung gaano mo kamahal si Laila. Kailangan niya tayo ngayon… Kaya halika na, puntahan na natin siya." Sabi niya at agad naming nilisan ang Chapel, Diyos ko h’wag niyo munang kunin sa’min si Laila at ang anak ko.

"Ah, n-nurse! May balita na ba? Ano na ang nagyayari sa loob?" alalang tanong ko.

“Matagumpay po na nailabas yung bata... pero ‘yong ina niya po---"

"Anong nangyari sa asawa ko?!" agad kong tanong sa kanya bakit may ‘pero’? Kailangan ligtas ang asawa ko!

"Miyoko huminahon ka lang... pasensya ka na nurse ah, ano na ba talaga  ang nangyari sa bestfriend ko? Is she going to be fine? Please gawin niyong lahat upang mailigtas lang siya.” Awat sa’kin nang umiiiyak na si Thea.

"So far po, lumalaban naman ang pasyente kaso po nag-aagaw buhay po siya. Excuse me, may iba pa po akong aasikasuhin, " saad no’ng nurse saka nagmamadaling umalis.

Bulllshit! Sa galit ko sa sarili ko, nasuntok ko ang pader. Princess, paki-usap h’wag mo akong iwan...

Napansin kong maraming pumapasok na nurse sa loob at may dalawang Doctor kaya  mas lalo akong kinakabahan.

Kailangan kong makita si Laila.

Agad kong binuksan at pinilit na makapasok sa loob. Kailangan ako ng asawa ko! Kailangan ko makapasok! Kailangan ko siyang makita!

"Sir! Bawal po kayo pumasok! Hindi po pwede pumasok sa loob." Turan ng nurse sabay akay sakin palabas. Ngunit, nanlaban ako…

"Kailangan ko makita ang asawa ko! Kailangan ako ni Laila! Paki-usap papasukin niyo ko!" Ngunit tinutulak pa rin nila ako palabas.

Natigilan ako sa kakapumiglas nang makarinig ako ng pamilyar na tunog, agad akong napatingin sa heart rate machine at biglang sumigaw ang isang nurse malapit do’n.

"Doc, bumibilis po ang heart beat ng pasyente."

"Laila! Paki-usap papasukin niyo ako!" sabi ko sa mga nurse... "Princess, paki-usap h’wag kang sumuko... Laila!"

Tangina sana ako nalang ang nakaratay diyan! Diyos ko! Huwag niyo muna siyang kunin, paki-usap.

Nanlalabo na paningin ko sa mga luhang lumalabas mula rito…  Ang asawa ko. Kailangan ko siyang makita!

Mas lalong lumakas ang tunog ng heart rate machine, kaya halos nawalan na ako ng lakas nang makitang flat rate na ito at pinagtutulungan na nilang i-pump ang dibdib ni Laila!

'Hindi! Laila! Lumaban ka!" huling sigaw ko nang wala na akong lakas na pumiglas pa sa tumutulak sa akin palabas.

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon