KABANATA 5.

1.4K 107 3
                                    

Sa loob ng pitong buwan na pagsasama namin ni Jace laging kaming nagbabangayan gaya ng dati. Pero na ngingibabaw ang kulitan at lambingan.

Dahil sa pagsama ko sa kanya nalimutan ko na kung anong buhay ang naka abang sa'kin kung sakaling bumalik kami sa Manila.

I'm willing to give up everything just to be with him kahit mali, kahit hindi pwede.

Natutuwa akong pinagmasdan ang litrato naming dalawa na nakatago sa'king pitaka. He look pissed, while I smile widely like a child given a candy.

Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito—nadarating ang araw na ito, malaya kong maipahayag sa kanya ang pag-ibig ko. Malaya kaming gawin ang gusto namin—ang mahalin ang isa't-isa.

Hanggang sa nakontento na akong tignan ang larawan naming dalawa, ibinalik ko na ito sa aking pitaka saka tumayo at dumeritso sa banyo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako para puntahan si Jace. Usually kasi nasa likod bahay siya para tulungan sa pagdidilig ng halaman si Manang Elzie.

"Jace!" tawag ko sa kanya nakatalikod kasi siya nakapagtataka naman at wala si Manang Elzie.

Wait—his smell... It's not Jace!

I approached him at akmang hahawakan ko na ang likuran niya nang bigla siyang humarap sa akin.

Shit! This is not happening...

"M-mariano? Anong ginagawa mo rito?!" halos lumuwa ang mata at dibdib ko sa kaba no'ng makita ko siya, "Paano mo natunton ang lugar na 'to?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

I know for sure na imposible matunton ang lugar na ito, or so I thought...

"Maliit lang ang mundo my love... Nandito ako para sunduin ka, did you have a good time?" tanong niya sabay ngiting may dalang panunuya.

"Don't call me love! Ayokong sumama sayo! Umuwi ka na!" this time umiiyak na ako.

Ayokong mawalay kay Jace! Hindi pwede! Ayoko!

Bumaling siya ng tingin sa likuran ko, "isakay niyo na siya." Utos ni Mariano sa mga bodyguards ko?! Shit! Si Daddy, kakuntyaba niya si Daddy!

"Hindi!" hinawakan ng dalawa kong guards ang dalawa kong braso "Ano ba! Ako dapat sundin niyo kasi guards ko kayo! Bitiwan niyo ko!" pagpupumiglas ko saka pinipilit na makatakas sa pagkakahawak nila, pero sadyang malalakas ang mga bodyguards ko.

"Pasensya na po young lady, napag-utusan lang po kami ng Daddy niyo." Turan ng isang guards.

"Jace tulong! Manang Elzie! Jace!" histerikal kong sigaw pero bakit wala parin si Jace?!

"Ano bang nangyayari rito? Diyos ko! Anong ginagawa niyo kay Lailanie? Bitawan nyo sya nasasaktan ang bata." Sabi ni Manang Elzie.

"Wag na ho kayong makialam pa rito. Nga pala asa'n si Miyoko?" tanong ni Mariano kay Manang Elzie.

"Sino ka ba? Ba't niyo ginagawa sa alaga ko 'yan?" pabalang na sagot ni Manang Elzie.

"Mind your own business pwede? Ang tanong ko sagutin mo." Sabi ni Mariano na lalong nagpagalit sakin.

"Aba bastos kang bata ka ah!" akmang susugod na si Manang kay Mariano pinigilan naman ito ng iba ko pang guards.

"'Wag niyo siyang sasaktan! Kundi papatayin ko kayo!" sigaw ko sa guards ko saka kay Mariano.

"Sabihin mo na kasi kung nasaan iyong magaling mong alaga." Aniya sabay hawak sa balikat ni Manang Elzie. Bwesit!

"Na-Nasa ibabang bayan may binili lang. Papauwi na 'yon rito sigurado lagot kayo!" sabi ni Manang Elzie, please Jace... Bilisan mo!

"Bitiwan mo na siya. Umalis na tayo." sabi ni Mariano binitiwan na nila si Manang ngunit ako hindi, ta's pinepwersa nila akong pasakayin sa helicopter.

"Manang! Jace! Mariano mamatay ka na! Ayokong sumama—ano ba!" sigaw ko ngunit tila 'di naman nila ako naririnig.

"Sige na, i-uwi nyo na siya may aantayin pa ako." Narinig kong sabi ni Mariano sa guard tapos nagsimula ng umandar ang helicopter!

"Hindi! Jace! Hindi! ahhhh! Ibaba niyo ko! I need to see him! Jace!" habang papataas na kami ng papataas saka ko pa nakita ang sasakyan ni Jace na paparating sa rest house.

"Jace..." I whisper, still crying.

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon