Lailanie’s POV
After that day no’ng pag-uusap namin ni Kent naging okay na ang pakiramdam ko.
Siguro dapat na akong mag-move on at tanggapin ang taong nandiyan para sa’kin."Ma’am here's the result." Saad ng doktora sabay abot sa’kin ng test result.
Nakahinga ako ng maluwag dahil healthy ang baby ko. Iyon nga lang nalulungkot parin ako dahil napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko.
I can’t go through a therapy dahil makasasama raw sa baby. Kent told me malala na ang sakit ko sa ulo because of the damages no’ng accident. Ayokong maniwala at positibo akong mabubuhay pa ako ng matagal, alang -alang sa baby ko.
Biglang tumunog ang telepono ko , si Mariano pala tumatawag…
“Excuse for a while Doc, I have to take this call.” Saad ko kay doktora.
“Yeah, sure.” Sagot niya at agad ko nang sinagot ang tawag ni Mariano.
"Hello?" bungad ko.
"Love kamusta ? tapos kana ba diyan? Sunduin na kita," turan niya sa kabilang linya.
"No Kent, it’s alright. Dala ko naman ang kotse ko, don't worry ‘di ko na ibabangga ‘to." Biro ko. I heard him chuckle on the other line.
"Alright, basta tumawag ka kaagad sa’kin kapag sumakit na naman ang ulo mo." He respond.
"Okay." Sagot ko naman sa kanya.
"Take care Love." Huling turan niya bago ko pinatay ang tawag, I can’t respond to his I love yous kasi hindi pa akong handang mahalin siya lalo pa’t hindi pa nawawala sa puso ko ang lalaking magiging ama nitong dinadala ko.Nagpaalam naman ako kay doktora at tuluyang nilisan ang clinic.
"Hi." Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin.
Agad na kumunot ang noo ko no’ng makilala ko kung sino ang bumati sa’kin.
"Anong kailangan mo?" kunot-noo paring tanong ko sa kanya.
"I’m Steffi. Laila right?" Sabi nya ignoring my question.
Tinabig ko naman ang kamay niyang umaalok ng pagkilala, "ano bang kailangan mo? busy ako at wala akong balak makipagkilala sa mga mang-aagaw na tulad mo." Turan ko at agad siyang nilampasan, I don’t wanna hear her thoughts baka ipamukha lang niya sa akin kung paano niya ninakaw si Jace sa akin.
I immediately find my car at sumakay na.
[A/N: finally malalaman niyo na ang side ng kina-iinisan niyo]
Steffi's POV
Ang hirap magpanggap.
Ang hirap maipit sa sitwasyon hindi mo naman ginusto.I didn’t mean to be rude and bitchy pero iyon ang role ko ditto, ang magkasiraan sina Laila at Miyoko.
Pero ang sakit pala. Naiinis ako sa kanya dahil mahal siya ng taong mahal ko; Si Mariano Kent Huston. Ang lalaking matagal ko nang minamahal, ang lalaking nakakasama ko parati noon pero sa iba nakatingin. Ang lalaking umako sa Lola ko, ang lalaking nag-utos sa akin upang magkasiraan ang taong mahal niya sa mahal nito.
Pero mas naiinis ako sa sarili ko, dahil wala akong magawa kundi ang sumunod sa gusto ni Mariano. Kahit gustong-gusto ko nang ipaglaban ang nararamdaman ko, wala naman akong pera pang-opera sa Lola ko kaya umaasa ako kay Mariano.
Nakokonsensya man pero ‘di ko dapat isiwalat ang lahat kundi mawawala ang kaisa-isang tao na mahalaga sa buhay ko at baka kamuhian pa ako ng lalaking pinapangarap ko.
Aalis na sana ako pero natigilan ako nang may nakita akong papeles , siguro naihulog ‘to ni Laila nang mag-usap kami nakita ko ksi siyang hawak-hawak ‘to, tinignan ko ang nakasulat sa papeles at nabato sa kinatatayuan ko.
B-buntis si Laila? Halos manlumo ako. Paano kung si Mariano ang ama?
Hindi! Hindi pwede! Ayokong isipin!
Kailangan kong malaman ang totoo, panahon na siguro upang ipaglaban ko ang nararamdaman ko para kay Mariano. Sinyales na ba ito?
At agad akong pumasok sa clinic na pinuntahan ni Laila.
Agad na bumungad sa’kin ang O.B at sinabing,
"Yes Ma’am? How may I help you? Magpapa-check-up po ba kayo?"
"Ah. Hindi po. Kaibigan po ako ni Laila, iyong nanggaling rito kani-kanina lang? May nais lang po sana akong itanong sa inyo." Saad ko.
"Ah si Ms. Brat? Sure, halika umupo ka muna hija," alok niya mabuti nalang at wala masyadong pasyente si doktora.
"Dito po ba siya regular na nagpapa-check-up?" tanong ko.
"Ah oo, sinasamahan nga siya minsan ng fiancée niya rito. Ang swerte nga ng batang iyon, kasi biruin mo kahit iba yung ama ng bata inaako parin ng fiancée niya." Turan ng doktora mabuti nalang at madaldal itong doctor na ‘to.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa narinig ko. So, ibig sabihin...
"Nasabi po ba ng kaibigan ko kung sino ang tunay na ama?" kailangan kong makasiguro na hindi si Mariano ang ama nito.
"Ah! Oo may nabanggit siya. Jace yata ‘yon or James. Ewan basta katunog nun."
Tama nga ang hinala ko si Miyoko nga ang ama nong bata. Nakahinga ako ng maluwag.
Ayoko na, tatapusin ko na lahat ng ‘to magalit man sa’kin ang mahal ko ang importante hindi siya matali sa iba. I'll do anything, everything para mahalin niya rin ako at hindi sa ganitong paraan.
"Sige po. Maraming salamat sa oras na ibinigay niyo. Aalis na po muna ako." Turan ko kay doktora.
"Walang anuman hija, bumalik ka at asahan kong magpapa-check-up ka na sa susunod nating pagkikita. Sige hija. Ingat ka." Biro niya kaya nginitian ko na lamang siya at lumabas na ng clinic.
Hindi na ako nag-atubili pa, agad kong tinawagan si Jace .
"Hello?" sagot niya sa kabilang linya.
"Text mo sa akin ang address kung nasaan ka ngayon… We need to talk. Now." I said and end the call.
Bahala na. Gabayan sana ako ng Diyos sa isisiwalat ko.
BINABASA MO ANG
MY BUTLER, MY LOVER!✔
RomanceVULNERIA SERIES: 2 REVISED VERSION I have everything... I can do whatever I want... But, why can't I have him? Dahil ba, isa lamang siyang hamak na Butler? ALL RIGHTS RESERVED this story is originally created by wild imagination, any similarities t...