KABANATA 16.

1K 92 1
                                    

Lailanie’s POV

"Bangon na Princess… breakfast in bed!" boses pa lang niya alam na alam ko na. 

Napangiti ako sa paggising ko kasi ang bango ng pagkain at ang gwapo ng lalaking may bit-bit na tray na nasa harapan ko.

Naalala ko tuloy ‘yong mga panahon na butler ko pa lamang siya ganito rin kasi ‘yong ginagawa niya dati,  pinagsisilbihan ako na parang isa talagang tunay na Prinsesa.

"Salamat Jace, ang bango naman nito at mukha pang masarap!" pag-uuto ko sa kanya, at umayos ako ng upo.

"Siyempre ako nagluto niyan eh!" pagmamalaki naman niya.

Tinawanan ko lang siya at agad na nikantakan ang pagkaing handa niya. Wala pa ring pinagbago ang sarap niya pa ring magluto!

"Oh, dahan-dahan lang Princess… nako ang cute-cute mo na, lalo ka kasing tumataba," aniya na nagpakunot ng noo ko.

"Anong sabi mo? Mataba na ko?! Ayoko na niyan, alisin mo na ‘yan sa harapan ko! Nawalan na ako ng gana." Maktol ko,  mataba na ba talaga ako?

"Ito naman, ‘di na mabiro. Pinapatawa lang kita, sige na kumain ka na," saad niya habang nagpipigil ng tawa.

"Alam ko na, susubuan na lang kita. Here, say ahh…" sabi nya sabay taas ng kutsarang maylamang kanin at ulam papunta sa bibig ko.

Tinanggap ko naman ito kahit magkasalubong parin ang kilay ko, hirap maging choosy ‘pag buntis…

Nako! nakakapatay gutom ang peg.

"Nakakalabas pasok ka na pala ng bahay ah?" pang-iiba ko ng usapan.

"Ah oo, sabi kasi ng Dad mo okay na mag-stay na ako sa inyo, pinayagan nabrin niya akong matulog sa kwarto mo kahit tabi pa tayo. Malay mo, makabuo pa tayo ng isa para kambal na." Turan niya sabay kindat.

"Jace!" suway ko sa kanya, ‘di ko maiwasang pamulahan ng pisngi, sariwa pa rin kasi sa isip ko ang nangyari sa amin sa Cebu.

Habang siya naman, tawang-tawa.

"Eh-ehem!"

Pareho kaming napalingon ni Jace sa may pinto---it’s my bestfriend standing while smiling sheepishly.

"Naka-isturbo ba ako?" tanong niya sabay pilyang ngumiti.

"Hindi/Oo," sabay naming sabi ni Jace at agad ko naman siyang pinandilatan ng mata… ang gago tinawanan na naman ako.

"Sige, lalabas muna ako Princess." Jace excused sabay halik sa noo ko at lumabas na ng kwarto.

"Bestieee!" sigaw ni Thea sabay yakap sa’kin, "Gosh… I missed you! hayy nako, I’m so late na pala sa mga balita! I’m sorry best kung wala ako sa tabi mo no’ng time na kailangan mo ang suporta ko... Kaloka ka naman eh noh! Bestfriend mo ako pero hindi mo man lang sinabi sa’kin na si fafa Jace pala pinapantasya mo! Kaya naman pala panay panira mo sa’kin ng tungkol sa kanya, Ikaw ha! Pero teka, asan na si---ano nga pala pangalan ng husband to be mo noon?" Walang preno niyang satsat. Kahit kalian, napakadaldal talaga ng babaeng ‘to, pero kahit na ganyan ang ugali niya. I’m still lucky to have a friend like her.

"Mariano Kent Huston," sagot ko.

"Ah tama si Kent! ‘Yon? Asa’n na ‘yon? Akin na lang ‘yon Best! Balita ko, sobrang gwapo daw ng isang ‘yon, kasi Model pala siya?! " conyo niyang sabi sabay mahinang yugyog sa braso ko, kinikilig ang bruha. Lahat nalang sa kanya gwapo e, tss!

"Thea…" mahinang saway ko sa kanya sabay ngiti, hindi ko alam kung alin do’n sa mga tanong niya ang una kong sasagutin.

"Sige na Bestie, sabihin mo na sa’kin kung asa’n siya nang mapuntahan ko." Pa-cute niyang turan sabay swing-swing ng mga balikat niya from left to right and wiggle her eyebrows. She’s acting childish again, I find it cute yet, annoying. I can’t help to shake my head.

"Thea..." banta ko ulit.

"Mamaya text mo sa’kin address niya ha tsak---"

"ALTHEA!" sigaw ko.

"Hehe oo na, heto na… behave na ako mother Bestie." At nag-peace sign naman ang gaga!

"Nangibang bansa daw siya para alam mo na... Makalimot. Alam mo, mabait naman siya kaso ako lang talaga ang ayaw sa kanya." Sagot ko. If it wasn’t for his love for me, hindi siya magiging masama.

"Ahh… kawawa naman pala siya, sana kasi ako nalang ang nakilala niya tiyak papakasalan ko agad siya, by the way Bestie, I need to go kasi nagpapasama sa’kin si Mama mag-groceries. Pero, ‘yong number niya ha, h’wag mo kalimutang I-vcard sa’kin!" Sabi niya sabay halik sa noo ko at nakipagbeso  sa’kin tsaka nagmamadaling umalis.

Napailing na lang ako sa kapilyuhan ng bestfriend ko.

I was also hoping for her happiness, sana makakatagpo na rin niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo.

I stood up at agad akong pumunta ng banyo kasi naiihi na naman ako.

Ugh! Preggy symptoms are super hassle and annoying, but I don’t regret having this little angel inside of me.

After having pee, lumabas na ako ng kwarto. Masama rin kasi sa baby ang palaging humihiga o nagkukulong sa kwarto.

So, I decided to take a walk. Pagbaba ko sa hagdan na-abutan ko ang mga katulong naming at bodyguards na abala sa kanilang mga ginagawa and Dad is commanding them what to do, base na rin kasi sa kinikilos ni Dad he’s pointing everywhere.

“Dad, ano pong nangyayari rito?” tanong ko sa kanya at humarap naman siya sa akin.

“Gising ka na pala anak! I guess kumain ka na? Hinatiran ka ng pagkain ni Miyoko kanina sa room mo ‘di ba?” tanong niya kaya tumango naman ako, saka siya nagpatuloy sa kanyang sasabihin, “by the way I change the set up and designs of our furniture. Gusto ko kasi mas lumaki ang espasyo tignan, alam mo na… madadagdagan na ang pamilyang ‘to.” Sabay ngiti at turo sa naka-umbok kong tiyan.

MY BUTLER, MY LOVER!✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon