CHAPTER 1

2.9K 104 1
                                    

TAHIMIK ang mga tao sa loob ng isang private room sa SM hospital. Wala kang maririnig na kahit anong ingay kundi mga tunog lang ng paghinga nila.

Si Jerome na nasa couch ay tahimik lang na nakatingin sa kapatid niyang nakatulala. Ilang oras palang itong gising ay ganito na agad ang nangyari.

Nalaman kasi nila kung paano nalaman ng kalaban ang lugar na dadaanan nila sa saktong araw at oras na yun.

Magkakaparehas lang sila ng mga iniisip Bakit? Paano niya 'to nagawa sa amin-sa kaniya?

Wala ni isang sagot ang makuha nila dahil hindi naman sila siya para malaman kung paano nangyari yun.

Sa pagiging tahimik ng buong kwarto ay rinig na rinig nila ang tunog ng pagkakatok mula sa pinto.

Sabay sabay silang napatingin duon at may pumasok na babaeng may magandang mukha, nakakaakit kung baga.

Bumungad sa kanila ang babaeng nakasuot ng pangdoktor at may magiliw na mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumungad sa kanila ang babaeng nakasuot ng pangdoktor at may magiliw na mukha.

"Oh! You're awake, that's good. By the way, I'm just here to check your vitals so you can go home tomorrow," seryosong sabi ni Ivalyn habang cheneck ang mga sugat nitong pagaling na. Dalawang linggo rin kasing nakatulog ito.

SERYOSO lang si ivalyn sa mga ginagawa niya kahit na ramdam nito ang mga tingin na iginagawad sa kaniya ng mga tao sa loob.

Sanay na siya sa ganitong mga tingin ngunit dito sa taong chenecheck niya ay iba ang mga tingin nito ngunit hindi niya mapangalanan.

She Fake cough. "Okay na lahat ng mga tahi mo kaya bukas ay makakauwi ka na," seryosong sabi nito habang nakatingin sa taong nasa harapan niya bago lumipat kay Jerome ang tingin. "May ibibigay akong Pampahid kay Jerome para sa mga sugat mo upang hindi ka magkaruon ng peklat at paalala lang huwag ka muna masyadong magalaw. I need to go.. Oh, Take care of yourself mister," ngumiti muna si Ivalyn sa mga ito bago lumabas ng pinto.

That was so Awkward

Usal nito sa isipan. Hindi niya alam kung bakit ang awkward sa loob. Sa lahat ng pasyente niya ay iyong kwarto na iyon lang ang may awkward na atmosphere.

Hayst! Don't mind it, Ivalyn baka mawala ka sa control.

Napapaisip na tuloy si Ivalyn na baka siya ay nababaliw na dahil sa pakikipag-usap sa sarili.

Naiiling itong pumasok sa loob ng office bago umub-ob. Sunod sunod na naman ang scheduled niya pero ngayon na lang ulit ito dahil may request ang kaniyang magulang na di naman niya kayang tanggihan kaya ito na ang huling araw niya dito sa ospital at aalis na siya para sundin ang hiling ng mga ito.

Ayos lang naman din sa kaniya iyon dahil magagampanan niya parin naman ang pagiging doktor sa pupuntahan kaya walang problema.

NAGTATAKA ang ibang kasama nila sa kwarto dahil kilala si Jerome ng doktora na kakaalis lang.

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon