CHAPTER 27

1.2K 52 2
                                    

A/n:  Tingin ulit sa multimedia mga mare HAHAHA. May isa pa pala kaya ilagay ko na lang ulit dito. Pangpagana magsulat at magbasa, ror.

I dedicated by @midnightalmond hello po sayo. I hope you'll read my story, thank you for commenting my post on Facebook.

• • •

UMUBO ng peke si ivalyn at inosenteng tumingin sa scorpio gang na hindi parin mawala ang tingin sa kaniya kahit kanina pa ito nangyari.

"Anong nangyayari sa inyo? Alam ko naman kasing maganda ako ngunit hindi niyo na kailangan pang ipahalata," biro niya na ikinatawa nila ng mahina.

"Ivalyn.."

Tumingin si ivalyn kay Marlon. "Ano iyon?"

"Anong ginawa mo para mapabilis ang pagtalo sa kanila?" nagtatakang tanong ni marlon na ikinatingin sa kanila ng lahat.

Ngumiti siya at kinuha ang maliit na box- parang lagayan lang ng sing-sing-at binuksan ito sa harap nila "This is one of my invention, sleeping needles that can make you sleep in a day, it's depends on the color of needles. Look at these needles, I have four different colors, First one is silver, silver can make you sleep in one hour pero eepekto lang ito sa loob ng tatlong minuto simula ng ibato mo o itusok sa kalaban. Ibig sabihin lang nun ito ang pinakamatagal umepekto dahil tatlong minuto pa ang hihintayin mo," paliwanag niya at tiningnan silang lahat na seryoso lang na nakikinig sa kaniya.

"Second needles is blue, ito yung 60 seconds bago umepekto and this one can make you sleep in one day or half, ito din yong ginamit ko sa kanila. Third needles is red, in 30 seconds can make you sleep at kaya din nitong makapagpasuka sayo ng dugo."

Natawa ng mahina si ivalyn ng biglang magsinghapan at manghang napatitig sa mga karayom na nasa lamesa.

"Teka e, yong kulay itim na karayom, ivalyn?" biglang tanong ni Ariel.

Ngumisi siya at kibit balikan na pinagmasdan ang huling kulay na hindi niya pa sinasabi.

"This one is my favorite. Hindi dahil sa kulay niya pero dahil sa epektong dulot nito. Walang may alam kung paano ko ginawa ito maliban lang kay mommy na siyang kasama ko noong mga oras na iyon. This needles, black needles is the one that can kill you immediately. Why? Dahil sa oras na maiturok sayo ito ay makakaramdam ka ng sakit na hindi mo pa nararamdaman at sunod mo na lang na mararamdaman ay wala ka na dahil sa napakalakas na lason na meron ito.. " seryoso at may nakakalokong ngiti sa labi na ikinanganga at ikinaputla ng mga scorpio gang at red moon dahil hindi pa nila alam ang black needles na ito.

"Nakakatakot naman iyan!"

"Ipaalala niyong huwag kakalabanin ang isang ivalyn hah."

"WELCOME Jerry Jackson my boyfriend," I softly said.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Welcome my girlfriend, Mira Mendoza," he winked at me that make me blush, slight lang.

NAPABANGON ako ng higa at natulala. Isang linggo na simula ng tamaan ako ni McGregor at nadala sa hospital. Sa loob din ng isang linggo na iyon ay paiba ibang panaginip ang aking nakikita. Katulad na lang kanina na hindi ko alam kung bakit ganon.

Welcome Jerry Jackson my boyfriend

Welcome my girlfriend, Mira Mendoza

Napapikit ako at napahawak sa sintido nang maalala ang mga salita at pangalan ng huling narinig ko bago ako magising.

Ivalyn? Mira? Jerry? Sino sila?

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay napakapamilyar ng mga pangalan at boses na narinig.

Napatingin ako sa palad ko at napatitig ng mabosesan ang babae dun. Boses ko yun kung hindi ako nagkakamali ngunit hindi Mira ang pangalan ko at lalong hindi naman si Angelo ang lalaki sa panaginip ko.

Sa lahat ng panaginip o alalang gumigising sa akin tuwing madaling araw ay niisa ay walang Angelo dun.

Hindi kaya...

Umiling iling ako. "Hindi, mali ang nasa isip ko. Alam ko yun pero.." napahawak ako sa pisnge ng maramdaman ang tumutulong luha mula sa mga mata ko.

"C'mon, violet hindi niya magagawa yun sayo dahil siya na lang ang nag-iisang meron ka ngayon," mahinang sambit ko at tumayo na para mag ayos ng sarili. May trabaho pa ako ngayon sa kompanya ng McGregor na iyon.

BUMABA ako ng kotse matapos kong makapagpark dito. Bawat nadadaanan ko ay napapatingin sa akin. Ang ilan sa mga babae ay nagbubulungan ngunit hindi ko marinig dahil masyado silang mahina magsalita na para bang bawal ang chismisan dito.

Umiling iling ako sa isipan at sumakay sa elevator. May ilan na sakay nito na bumati sa akin na nginitian ko lang.

Isang linggo rin akong hindi naka pasok dito. Kaya ito lang ang pangatlong punta ko dito, una ay ang umattend ako ng interview, unang pasok ko at ito ang pangatlong.

"Miss Francis, nandito ka na," saad ng dating secretary ni sir McGregor. Tumango ako sa kaniya saka ngumiti.

"Nandyan na si sir?" tanong ko habang inaayos ang gamit sa lamesa.

"Ahh, Oo. Nandun na siya sa loob at alam ko ay naiinis na naman iyon dahil dumating na naman si Ma'am Chelsea B," kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kaniya.

"Ma'am chelsea B?" I asked.

Ngumiti ito ng mapanglaro. "Well, chelsea Bitch," mahinang bulong niya na nagpanganga sa akin. "Ayaw kasi ni Sir sa kaniya dahil nga mahal pa rin ni Sir si Ma'am Ivalyn, yung kamukha mo kaya nga nagulat ako noong makita kita. Iilan lang naman ang nakakakilala sa girlfriend ni Sir na si Ma'am Ivalyn at isa na ako don," napatango ako. "So yun nga palagi siyang nandito at kinukulit si boss kaso wapakels lang ang boss natin. Last month nga ay natahimik ang kompanya dahil umalis si ma'am Chelsea sa bansa pero ngayon bumalik na." tumango tango ako ngunit ang isipan ko ay nandun parin sa ivalyn.

Hindi ko alam ngunit may nabubuo na sa isipan ko kahit na dalawang linggo palang ako dito ngunit hindi ako naniniwala dahil alam kong mahal ako ni Angelo at di niya ako lolokohin.

"Oh, siya aalis na ako may trabaho pa ako eh." tumango lang ako sa kaniya at umupo sa upuan.

Napatingin ako sa mga papers dito sa table. Ngunit mas nakaagaw ng pansin ko ang isang envelope dito na kulay itim na para bang naiwan lang ng kung sino.

Inabot ko ito at tiningna kung sino ang may ari.

"Oh.." nasabi ko na lang ng makita kong kay sir McGregor ito. Tumayo ako at naglakad papunta sa office niya. Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Kaya naman inulit ko, nakatatlo na ako ngunit ayaw parin kaya pumasok na ako.

Napahinto ako at naningkit ang mata ngunit mas nararamdaman ko ang pagdaan ng kirot sa dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo ng biglang mapatingin sa akin ang dalawang tao sa loob na kulang na lang ay maghubad.

Paano ba naman nakaupo sa swivel chair si SIR MCGREGOR at may isang babae na nakaupo sa hita niya na nakatalikod sa akin.

"Sir ito pala yung envelope na naiwan mo dun sa table ko. Sige na po baka maabala ko kayo," saad ko at inabot ang envelope na kulay itim saka lumabas ng pinto. Bago pa man ako makalabas ay narinig ko ang itinawag niya sa akin na ikinataka ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang.

"MIRA–VIOLET,"

I don't know what is happening to me. I felt like there is something broke my heart. I felt pain that i didn't know why.

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon