NASA loob ng malaking gymnasium ang lahat ng istudyante ngayon dahil pinapatawag ang mga ito para sa mahalagang anunsyo.
Kaniya-kaniyang bulungan ang mga ito tungkol sa iaanunsyo ngayon. Magkakatabi at magkakasama ang bawat gang group. Madaming grupo sa loob ng academy dahil hindi ka naman maaaring tumagal dito kung wala kang sasalihan lalo na't nasa rules ito ng Empress na kailangan mong sumali sa mga grupo para sa mga activity na gaganapin sa academy.
"Ivalyn, about saan yung announcement?" pagtatanong ni cheska kay Ivalyn na nakasandal lang kay Ian habang nakapikit.
Walang malisya iyon sa kanila dahil palagi naman ganon ang dalawa pagmagkasama, sobrang close sa isa't isa.
Nakatatandang kapatid na ang turing ni Ian Kay Ivalyn pero mommy queen ang tawag nito sa kanya.
"New activity," simpleng sagot ni niya kay cheska. Paano niya nalaman? Dahil siya lang naman si ______! Secret for now, baby.
Tumango tango na lang si cheska bago nakipagkulitan sa kagang niya.
NAKATINGIN ang isang lalaki kay cheska na nakikipagharutan sa mga kagrupo nito.
Selos
Yan ang nararamdaman ni Jerome ngayon. Nagseselos siya sa mga kasama nito na masayang kinakausap ng babaeng mahal niya.
Oo, mahal niya si cheska at alam ito ng kaibigan niyang si Ivalyn. Sa tuwing makikita silang dalawa ni Ivalyn ay palaging tinatanong niya kung kamusta na ba si cheska at sa tuwing makakasama niya naman si cheska ay tinatarayan lang siya nito.
Kaya ang sakit isipin na sa ibang lalaki ay masaya ito ngunit sa kanya ay hindi.
Napapatanong na lang siya sa sarili.
Anong meron sa kanila na wala ako?
Bakit sa iba ang saya mo? Pero pag ako tinatarayan mo lang.
Hindi mo pa ba nahahalatang mahal kita?
Nandito lang naman ako! Hindi tulad ng ex mong niloko ka! Ako yung nandito para pasayahin ka ngunit iba parin ang laman ng isip at puso mo.
Kailan mo ba ako mapapansin, mahal ko?
Napangiti na lang ng mapait si Jerome nang mapatingin sa kanya ang kaibigan na may pag-aalala sa mukha.
She mounted 'Are you okay?' umiling lang si Jerome dahil kahit naman sabihin niyang oo ay hindi maniniwala ang kaibigan dahil kilala na siya nito.
NAG-AALALANG napatingin si Ivalyn sa kaibigan dahil alam niyang nasasaktan ito, sa mata palang ay halata na.
Wala man label ang dalawa ay hindi niya parin kayang makitang masaktan ang lalaking kaibigan dahil sa manhid niyang isa pang kaibigan.
Napapailing na nagpaalam ito sa mga kagang para pumunta kay Jerome na nakatungo lang habang nakapatong ang ulo sa dalawang palad.
Umupo siya sa bakanting upuan sa tabi ni Jerome, kaya ngayon ay nasa gitna siya ng kambal na McGregor.
"Hey, handsome," bati nito saka itinunghay ang mukha nito. Napatitig siya sa mga mata nitong namumula na.
Isa ito sa nalaman niya tungkol kay Jerome na mabilis itong masaktan kaya minsan ay makikita mo na lang itong lumuluha sa isang tabi.
Ang alam ng iba ay matapang ito ngunit duon sila nagkakamali, marami pang bagay na hindi nila nalalaman tungkol sa lalaking kaibigan niya.
"Bakit ganon hindi niya ako mapansin ngunit sa iba ang saya saya niya tingnan. May kulang ba sa akin, pretty?" mahinang sabi nito habang nakasub-sob ang mukha sa leeg ni Ivalyn.
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Random[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...