CHAPTER 26

1.4K 59 3
                                    

A/n: Tingin muna sa multimedia mga mare. Share your blessings daw oh, Ayan dumaan sa NF ko sa Facebook. Papasok pa ba kayo? HAHAHA

MAAGA akong pumasok sa opisina  ng boss ko kuno. Ayaw ko man gawin ito ngunit mas mapapadali ang trabaho ko kung nakakasama ko ang isa sa mga taong may kagagawan sa akin nito.

Nakangiti akong kumatok sa pinto ni Mr. McGregor na agad din namang nagsalita sa lood na pumasok daw.

I opened the door and come inside. Ngayon lang ako makakapasok dito dahil maaga naman akong umalis kahapon.

Tumango tango ako ng magandahan sa disenyo ng room. Simple lang ito at mapaghahalataan mo agad na lalaki ang may ari dahil sa itim at puti nitong kulay na sinamahan pa ng pula saka ang pagkakaayos nito ay panlalaki talaga. Hindi ko alam ngunit nasasayahan akong pagmasdan ang paligid na para bang ako ang may nais ng lugar na ito.

Napatingin ako sa umubo at nakitang titig na titig sa akin si sir McGregor. Taimtim lang siyang nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang mga galaw ko na ikinaramdam ko ng kunting ilang.

"Good morning sir. You want coffee?" alok ko.

Umiling ito at pinagsiklop ang mga daliri. "Can you sit first I have something to ask," seryoso niyang saad.

Tumango ako at umupo sa upuan sa harapan ng table. He clear his throat before he talk. "Your name is violet francis?" tumango ako. "It's really your name?" kumunot ang noo ko na para bang may idea na kung saan pasusuot ang pag-uusapan namin.

Huminga ko ng malalim at seryoso siyang tiningnan. "Mr. McGregor, if that is what you want to know, yeah its my real name and please Mr. McGregor don't push me to be someone who is missing or lost. Excuse me," walang ganang saad ko at mabilis na lumabas ng office na iyon.

Sumalubong sa akin ang babaeng natulala sa akin kahapan at sinabing siya daw ang magtotour sa akin. Sumama na ako kaysa naman maiwan ako sa boss naming walang ginawa kundi itanong ng itanong kung sino ako.

Matapos ng tour ay dumeretso ako sa office ko. Nasa labas lang ako ng pinto ng boss ko kaya madali akong makakapasok kung kailangan.

Habang nag-aayos ako ng mga papel na kakaabot lang ng boss kong hindi maalis ang tingin sa akin ngayon na inirapan ko lang.

Napatingin ako sa cellphone nang biglang tumunog ito. Napangiti ako ng malaki nang mabasa kung sino ang tumatawag.

"Sir sasagutin ko lang po," magalang kong saad at umalis sa inuupuan ko. Ayaw ko man maging magalang sa kaniya ay wala akong magagawa dahil kailangan ko iyon sa misyong ito.

"Babe, I miss you." napasimangot ako nang marinig ang tawa niya sa kabilang linya na halatang nasisiyahan na naman sa akin.

"Babe I miss you too. How are you?" malambing niyang tanong na ikinangiti ko.

"I'm fine, doing good but I really missed you.." parang bata akong nagpapadyak.

"My babe is really missed me huh. Don't worry dadalawin kita sa condo mo mamaya para hindi ka na magtampo dyan."

"Really?"

"Yes so ready yourself we're having a dinner date later."

Nag-usap pa kami saglit hanggang sa makarinig ako ng kalabog malapit sa kinasasandalan ko.

"Babe, mamaya na lang may nangyayari yata dito sa companyang ito," saad ko at mabilis na nagpaalam.

Pagkabalik ko sa office ko ay nakitang may nakatingin sa pinto ng office ni sir McGregor na para bang may gulo.

Lumapit ako sa dating secretary ni Sir McGregor. "What happening here?" tanong ko.

Huminga ito ng malalim at nag-aalalang sumulyap sa pinto. "Galit si boss. Bigla na lang naging ganyan kanina habang may kausap sa telepono." tumango ako at nagpaalam na pupuntahan muna ang boss namin. Ayaw pa nga niya ako payagan ngunit hindi ako nagpapigil.

Ano pang silbi ko kung hindi ko mapigilan ang lalaking iyan diba.

JEREMY'S POV
Umalis si mira–i mean violet dahil may biglang tumawag sa kaniya. Napapahampas ako sa noo sa tuwing naiisip na nagkamukha silang dalawa o talagang iisa lang sila? Nababaliw na siguro ako.

Kasalanan man kung tumingin sa iba pero hindi ko maiwasan lalo na't dalawang taon at higit na siyang wala sa tabi ko tapos biglang may susulpot na violet at talagang kamukha pa niya ngunit mas mataray lang ang isang ito.

Umalis ako sa table ni violet at naglakad lakas ng biglang tumunog ang cellphone ko. Papasok na sana ako sa loob ng office para dun kausapin ang tumatawag nang marinig ko ang boses ni violet na para bang may kausap at halata sa boses niya ang tampo ngunit may saya.

Bumigat ang paghinga ko at kumuyom ang nga kamao ko sa hindi ko alam na dahilan.

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon at hindi binigyan ng pansin ang nadanggi kong bagay saka pumasok sa loob ng opisina kasabay ang pagsagot sa tawag.

"Leader, wala akong mahanap na kahit anong tungkol sa pangalan na violet Francis na sinabi mo na kamukha ni ivalyn. Nahihirapan akong humanap lalo na't busy si drick sa paghahanap sa mag-ina niya." saad ni night sa kabilang niya.

Napahampas ako sa lamesa na ikinasinghap ni night sa kabilang linya. "Do everything night. Kailangan kong malaman kong sino siya at bigla na lang sumulpot dito sa kompanya!"

"Fine. Salamat ka wala akong ibang pinagkakaabalahan ngayon," sambit niya at nagpaalam na sa kabilang linya.

Pabagsak kong ibinaba ang cellphone at nagsimulang ihagis ang mga bagay na nahahawakan ko at hindi sinasadyang mapabato ito sa may pinto na nakabukas pala.

Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok si violet kasabay ng pagbato ko na sa kaniya tumama na mabilis niyang ikinatumba.

Napamura ako at nagmadaling binuhat siya at lumabas ng opisina.

"I'm sorry violet. Hindi ko sinasadya.oh, shit!"

Nang maisakay siya sa kotse ay pinatakbo ko agad ito sa ospital nila miracle na malapit lang dito.

Pagpasok ko ng ospital ay mabilis nila kaming tinulungan. Nagulat pa nga ang iba dahil sa mukha nito, ang mukha ng girlfriend kong nawawala.

"Dra. Ivalyn–" tulalang sambit ng isang doktor.

Hindi ako umimik dahil miski ako ay naguguluhan sa nakikita at nararamdaman. Katulad nalang kanina na bigla na lang dumaan sa akin ang matinding pag-aalala ng makitang mawalan siya ng malay at makitang dumudugo ang noo niya.

Ayokong mag-isip ng kung ano ano ngunit hindi ko mapigilan ang sarili lalo na't ang puso ko na mismo ang nagtuturo.

Tumingin ako sa kaniya  na ngayon at ginagamot na. Pinagmasdan ang mukha na talagang katulad na katulad ng kay miracle.

Sino ka ba talaga violet? Bakit ganito wala pang dalawang araw simula ng makita kita ngunit ganito na ako sayo na para bang matagal na kitang hinihintay which is si miracle iyon..

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon