"IVALYN YUKO!" mabilis na yumuko si ivalyn nang marinig ang boses ng lalaking kanina pa hinahanap ni gabi.
"Thanks!" tumango lang si Nike kaya naman pinagpatuloy na niyang patumbahin ang mga ito. Hindi naman siya nahirapan dahil tumulong naman ni Nike kaya napabilis ito.
Bakit nga ulit napunta siya sa ganitong eksena?
Nakakaramdam ng tawag nang kalikasan si ivalyn kaya naman nagpaalam siya sa mga ito. Hindi siya sa cafeteria umihi dahil ang daming tao sa loob nito kaya sa labas na siya pumunta.
Pabalik na sana siya sa cafeteria nang matanaw niyang hirap na nakikipaglaban si jewel sa isang gang.
"Tsk! Napakadaya talaga hindi man lang lumaban ng patas," usal niya sa sarili. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit mas gusto nilang lumaban nang kakaunti, hindi ba nila alam na ang boring pagkakaunti ang kalaban at lalo na kung walang kalaban laban?
Wala siyang sinayang na segundo at mabilis na tinulungan si jewel na ngayon ay may mga tama na.
'may Armas sila.'
Sinuntok niya ang lalaking hihila na sana ng kwentas na suot ni jewel at mabilis na inilagay sa likod.
Hindi naman yata siya makakapayag na matalo ang grupo ng kaibigan niya sa oras na ito. Hindi niya hahayaang unang araw palang ay matanggal agad ito sa laro o activity.
Kalahati na ang natalo niya na siyang dating naman ni Nike.
"Salamat ate ivalyn sa pag tulong," She just nodded bago ibinigay ang kwentas na nakuha niya sa Reynang nakalaban nila. "Why are you giving this to me-to us?" takang tanong ni jewel sa kanya kahit na si Nike ay ganon din ang gustong itanong lalo na't hindi naman sila ang nakakuha non.
"Oh! Sa inyo yan, hindi naman kami ang nais kalabanin nang gang na iyon. Tsaka tinulungan ko lang kayo para makuha yang kwentas," she said. "Tara na baka hinahanap na tayo lalo ka na sapatos, hinahanap ka na ng kuya mo," napangiwi si Nike nang marinig kung ano ang itinawag sa kanya ni ivalyn.
Nyeta! Ang ganda ganda ng Nike tapos magiging sapatos lang ang itatawag niya sa akin?
Sabi niya sa isipan bago nakangusong sumunod sa dalawang pinagtatawanan siya. Ibang klase!
"OKAY KA lang ba Jewel?! May masakit ba sayo? Sabihin mo!" sunod sunod na tanong agad ang bumungad sa kanila nang makalapit sila sa table kung saan naruon ang mga kagang nila.
Napapailing na lang si ivalyn habang pinagmamasdan ang magkakapatid na McGregor lalo na ang kaibigan niyang malapit nang sumabog sa inis dahil sa pag-aalala.
"Stop it kuya's! I'm fine maliliit na galos lang naman 'to-"
"Anong maliit ka dyan?! Tingnan mo nga may hiwa ka ng isang dagger, sabihin mo kung maliit iyan?!" putol ni Jerome sa sasabihin ni jewel. Napahinga ng malalim si ivalyn nang sumigsik palapit lalo sa kanya si jewel na para bang tinatakasan ang panenermon nang nga kapatid.
Nasa tabi niya kasi ito dahil siya ang gunagamot sa mga sugat na nakuha nila mula sa pakikipaglaban kanina. Kung hindi lang siguro dumating si ivalyn ay baka mas malala pa ang nakuha nito sa hiwang nasa kaliwang braso niya.
"There you go tapos na," sabi ni ivalyn nang matapos bendahan ang sugat ni jewel bago mataray na tumingin sa kaibigan na ngayon ay nakapamewang sa harapan nila "At ikaw naman, tumahimik ka kundi tatahiin ko ang bibig mo!" mataray na sabi nito at ipinakita pa ang pantahi sa kit nila.
"Pretty naman-"
"ANO?!" putol nito kay Jerome na ngayon ay nakangusong yumakap sa kanya.
"Sabi ko nga tatahimik na ako," sabi nito na para bang batang naagawan ng candy.
HINDI napapansin ng dalawa na may taong nasasaktan sa kanilang ginagawa. Ang isa ay pilit na pinipigilan ang nararamdaman dahil alam niyang girlfriend ito ng kapatid habang ang isa naman ay pilit ring hindi pinapansin ang nararamdaman dahil sa kasiyahan daw ng kaibigan.
Hindi nila napapansin na wala namang nararamdaman ang dalawang ito dahil mag kaibigan lang talaga ang turingan nila lalo na't matagal na silang magkakilala.
Walang sabi-sabing umalis si Jeremy dahil hindi na niya kaya ang mga nakikita.
"FUCK! ANONG NANGYAYARI SA AKIN?!" pinagbabato niya lahat ng mga gamit na nahahawakan niya sa loob ng kwarto hanggang sa mapagod at mapasandal siya sa pader.
Mabilis siyang napamulat nang biglang pumasok sa isip niya ang mga pagyayakapan ng dalawa sa harapan niya, ang sweet moment ng mga ito sa tuwing nagkikita.
I can't take it! Mabilis na kumuha ng beer si Jeremy sa mine ref niya sa loob ng kwarto sabay lagok nito. Wala siyang pakialam kung sa bote niya mismo inumin iyon dahil sanay na naman siyang duon uminom sa oras na magkaproblema ay ganon palagi ang ginagawa niya.
Ilang oras siyang uminom, maraming beer na ang nainom niya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin mabawas bawasan ang bigat na nararamdaman niya, hindi man niya maitatanggi na mas masakit ang nararamdaman niya kaysa sa pag-iwan sa kanya ng tatlong taon na niyang kasintahan.
Ilang linggo palang ngunit ganito na agad ka sakit ang nararamdaman niya tapos one sided love lang ito paano pa kaya kung naging sila.
GULAT ang mababakas sa mukha ni marlon nang pumasok siya sa kwarto ni Jeremy para sana tawagin ngunit ganito ang maaabutan niya, makalat na sahig dahil sa mga gamit na pinaghahagis kanina ni Jeremy, madaming bote ng beer, sobrang kalat talaga!
Napatingin siya sa lalaking nakasandal sa gilid ng kama habang may hawak na beer. Mabilis niyang kinuha ito kaya naman napatingin sa kanya si Jeremy na may namumulang mukha ngunit napansin niya rin ang mapula nitong mata na tanda na lumuha ito.
"Anong problema leader nagsosolo ka dito? Chicks ba?" biro nito ngunit ganon na lang ang gulat niya ng sagutin nito ang sinabi niya.
"Yes, babae ang problema ko," hindi umimik si Marlon ngunit pinakinggan niya lang ang mga pinagsasaaabi nito. "I don't know what's happening to me. Hindi ko maiintindihan ang sarili ko dahil ang sakit, sakit dito.. " lasing na turo nito sa dibdib. "...'yung feeling na gusto mong ikaw na lang yung nasa pwesto ng lalaking katabi niya, gusto kong agawin siya, agawin kay Jerome," ganon na lang ang gulat niyang tumingin sa katabing lasing na lumuluha.
"Jerome? Wag mong sabihin na si.."
"Yeah! Si ivalyn, mahal ko na yata siya kahit ilang linggo ko palang siyang nakikilala ngunit girlfriend na siya ni kuya Jerome!" he lastly said bago nakatulog na.
"Fuck!" hindi makapaniwalang mura ni Marlon. Hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ng leader nila at kinakabahan siya dahil parehas na naman sila ng taong minahal.
Mauulit ba ang nakaraan? Sana naman hindi dahil hindi ko-namin alam ang gagawin pa sa oras na mangyari 'yon.
Usal ni Marlon sa isipan bago inayos ng higa sa kama si Jeremy. Napatitig siya sa kawawang mukha ni Jeremy bago pumasok sa isipan niya ang ganong mukha rin ni Jerome noon.
Sa kambal na mag kapatid ay close siya lalo na kay Jeremy. Kaya naman may lakas siyang asar-asarin ito ngunit ngayon ay parang naaawa siya sa kaibigan dahil sa nangyayari ngayon.
Kung may magagawa lang sana siya ay ginawa niya na para naman hindi niya makita ang ganitong mukha ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Acak[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...