CHAPTER 35

1.4K 67 1
                                    

DAHAN-DAHAN akong bumangon sa kama nang makitang natutulog sa tabi ko si Jeremy.

Pinagmasdan ko ito at itinabi ang ilang buhok na humaharang sa mukha niya. Hindi ko inaakalang mangyayari sa buhay namin to.

Bigla na lang akong nawala at bumalik nang walang maalala. Nawalan ng anak na hindi man lang nalalaman.

Napangiti ako ng mapait at mabilis na pinunasan ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisnge ko.

Don't worry baby, I will make them pay for what they did to you.

Inayos ko ang suot ko at lumabas ng kwarto, ang kwarto ko sa mansion.

Wala paring nagbabago sa mansyon maliban na lang sa nadagdagan ang nga paint and picture frame sa hallway na dinadaanan ko ngayon.

Napahinto ako sa isang picture frame na nakasabit. Picture namin 'tong lahat, noong kami palang nila ate Jenny ang mga babae sa grupo.

Ang dami namin dito na halos lalaki ang mga kasama namin pero kita mo sa mukha na may respeto sila sa amin.

Hinaplos ko ang picture ko dito. Ang ganda ng ngiti ko dito na para bang wala akong problema.

Kailan ko kaya magagawa muling ngumiti ng ganyan?

"Ivalyn.."

Napatingin ako sa tabi ko nang biglang may tumawag sa akin. Ngumiti ako ng maliit nang makitang si Shane ito.

"Hmm?" bumaling muli ako sa letrato.

"I'm sorry for slapping you, I really do. I am being impulsive again," mahinang niyang sabi.

Tumingin ako sa kaniya. "It's fine. I don't mind it anymore but don't do reckless again like that. Baka sa susunod ay maiputok na nila sayo yon," pabirong sabi sa huli na ikinangiwi niya.

"I didn't expected that. I know them in almost two years but I didn't know that they can do that on me but I realized that you are really important for them na makakaya nilang gawin ang lahat huwag ka lang mawala," nakangiting saad niya at tumingin sa akin ngunit inilipat niya din ito sa picture frame.

"Alam mo ba minsan ko ng i tinanong-I mean namin kung sino yang kasama nila sa picture pero ang palagi nilang sagot, She's our queen, our baby. I got jealous but who I am, I'm just Isaac girl."

Umawang ang labi ko. "I don't know what to say but don't be jealous again. Yes, I'm important for them but i know you are important for them too, especially to my big brother, Isaac," ani ko. "Nagulat lang sila sa pagsampal mo sa akin. Alam mo naman kababalik ko lang muli dito sa ilang taon nilang paghahanap." ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya sabay hila papuntang dining area.

NAGKUKWENTUHAN kaming dalawa ni Shane dito sa dining area nang biglang pumasok si kuya Isaac. Gulat itong napatingin sa amin.

"Close na kayo?" gulat na tanong niya na ikinatingin namin sa isa't ni Shane at sabay na tumango.

"That's good. Oh, by the way welcome back, lil sis. Hindi ko nasabi kanina dahil aa nangyari," sabi niya at humawak pa sa batok na tinawanan ko lang.

"Thank you, brother."

Ngumiti ito at nakisali na din sa pagkain namin sa cake.

Ilang saglit pa ay nagpasukan na rin ang ibang mga kasamahan namin sa bahay. Hapunan na kaya naman magkakasunod na silang nagsisipasukan.

Ngumiti ako kay jerome nang pumasok ito kasabay si Cheska.

"Yow, Pretty."

"Hello, handsome." kinaway ko ang isang kamay ko na ginaya niya din.

Namiss ko din ito. Yung feeling na nagbalik ka sa dati. Yung para bang wala kalang problema at inaalala lang ang pasyente kung paano gagamutin.

"Good evening, honey." naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko bago tumabi ng upo sa akin.

"Good evening too."

"Yow! Yow! Yow! Our queen is really back. Masyado ng makangiti si leader na talaga nga naman bago na sa paningin natin ngayon," mapang-asar na ani ni Marlon at nginitian pa kami ng nakakaloko. Inirapan ko lang ito ngunit napangiti rin sa huli.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanila at hindi maiwasan na gumuhit ang isang magandang ngiti sa labi ko.

Masaya ako dahil meron na silang kasama ngayon o kapareha maliban na nga lang dun sa walong lalaking natitira pa na wala parin akong namemeet na may kasamang babae.

"Good evening." napalingon kami sa bagong pasok at bumati rin pabalik. Umupo sila lolo sa pwesto nila at nagsabing magsimula na daw kumain.

Nag-uusap ang iba sa amin habang kumakain habang ako at si Jeremy ay tahimik lang na kumakain. Magkahawak pa nga ang kamay naman sa ilalim ng lamesa.

Hindi naman mahirap kumain dahil kaliwa ang hawak niya ngunit siya ay hirap kaya ako na ang nagsusubo sa kaniya na hindi naman niya tinanggihan dahil mas gusto niya pa ito.

Napatingin kami kay lolo nang bigla itong tumikhim at seryosong tumingin sa akin na ikinataka ko.

"Ivalyn, Alam kong kababalik mo palang pero hindi na makapaghintay ang organisasyon na pumalit ka sa pwesto tulad ng nais ng lahat dahil ayaw itong kunin ng dalawang kuya mo kaya ikaw na lang ang naiiwan na maaaring pumalit sa akin. Hindi mo naman siguro tatanggihan di ba?" seryoso niyang sabi habang nakatingin parin sa akin ng seryoso.

Tumingin ako kay Jeremy na nakatingin na din sa akin. Ngumiti siya na para bang ipinapahiwatig na susuportahan niya lang ako sa lahat ng desisyon ko.

Huminga ako ng malalim at inalis ang lahat ng reaksyon sa mukha na palaging ginagawa ko kung seryoso at mahalaga ang pinag-uusapan.

"I will accept that position. I, Ivalyn Miracle Simpson Mondragon accepting the position that you will give to me."

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon