CHAPTER 22

1.6K 76 3
                                    

A/n: Clarification lang po. Kinikilala ang Mondragon sa labas na Simpson ngunit hindi nila alam naiisang pamilya lang pala iyon. Di ba, nabanggit ko na iilan ko na iilan lang ang may na Mondragon si Ivalyn so ibig sabihin non, ganon din ang pamilya nila. Kakaunti lang din ang nakakalam.

Oh, I dedicate this chapter to you AngelicaAmaroto Hello, ange thank you for reading my story and take care. Lovelots🖤✨

THIRD PERSON POINT OF VIEW
NAGKAKAGULO sa isang publikong palipiran. Tatlong oras na simula nang kumalat na may nagcrash na isang ereplano at ngayon ay isa isa ng nagsisidatingan ang mga pamilya ng bawat pasahero.

Natahimik ang paligid ng biglang pumasok ang mga men in black kasunod ang mga matataas na taong kilala nila sa bansa.

Ang pamilya Simpson na kilalang kilala sa business world. Isang pamilya na magagawa ang lahat kahit hindi pa gumagamit ng kapangyarihan gamit ang underground kung saan kinikilala talaga ang kanilang tunay na katauhan bilang Mondragon.

Mabilis na lumapit ang dalawang binatang Simpson kasama ang lalaking nagngangalang Jeremy McGregor at ang mga kaibigan nito.

Hindi mapakali si Jeremy simula nang makatanggap siya ng voice message sa kasintahan ay napapunta agad siya sa bahay ng mga ito.

Ngunit ganon na lang ang panghihina niya nang makita ang pagbabalita tungkol sa pagcrash ng isang eroplano na sinasakyan ni ivalyn.

"Miss Ivalyn Miracle Simpson, kasama ba siya sa mga nailigtas?" nagmamadaling tanong ni Israel na siyang natitira na lang na kalmado sa kanila dahil pati ang ama niya ay hindi magkandaugaga sa pagpapakalma sa kaniyang ina.

Mabilis na kumilos ang isang babae at hinanap ang pangalan na ivalyn sa listahan. Pigil ang hininga nila habang hinihintay ang sagot nito.

Ilang minuto ang lumipas ng tumingin ito sa kanila na may pag-aalala. "I'm sorry sir pero hindi pa po nahahanap si Dra. Simpson." napaatras ang babae nang biglang hampasin ni Israel ang table at galit na napatingin sa kaniya.

"Anong wala?! Where's my sister?!" ubos na ang pasensyang sigaw nito. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao dahil ang kapatid niya lang ang nais niyang mahanap at makita.

"Sir pasensya na po ginagawa na namin ang lahat mahanap ang iba pang pasahero. Kung gusto niyo ay pumasok kayo sa loob at tingnan ang ibang pasahero baka nalikdangan lang po," kinakabahang sambit ng bagong dating at pinakalma ang nagwawalang Israel.

Mabilis na pumunta si Jeremy sa lugar na iyon na sinundan ng iba. Sumalubong sa kanila ang nag-iiyakang mga pamilya.

Inilibot niya ang paningin at isa isang sinilip ang mga tao sa loob. Napahinto siya nang may marinig na usapan na nakakuha ng atensyon niya.

"Mama, yung ate kaninang tumulong sa akin, nandito na ba?" umiiyak na sabi ng bata.

Umiling ang ina nito at hinaplos ang kaniyang buhok. "Wala pa si ate miracle mo ngunit alam kong magiging ligtas siya."

Lumapit si Jeremy sa mga ito na ikinatingin sa kaniya ng mag-ina. "Kilala niyo po si Miracle Simpson?" nagbabakasakaling tanong niya

Kumunot ang noo ng Ina ng bata. "Simpson? Mondragon ang kilala kong Miracle,"

"Siya nga po,"

Nag-aalangan na tumango ang ina ng bata at nagtatakang tumingin. "Yeah, she's the girl who help my daughter. Dahil sa kaniya ay isa kami sa nakaligtas ng anak ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita dito," bakas ang pag-aalala sa mukha ng ina at sumulyap sa anak na hawak hawak ang ibinigay ni ivalyn.

Muling bumaling sa kaniya ang babae. "Bakit mo naitanong, kamag-anak ka niya?" tanong nito.

Huminga ng malalim si Jeremy at nanghihinang umupo sa isang upuan. "Boyfriend niya po ako. I'm Jeremy McGregor," mahinang saad niya na ikinanganga ng babae at hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang isa sa mga kilalang pamilya katulad na lang ng pamilya mondragon.

Ngumiti ang babae. "Ang swerte mo sa kaniya, hijo. Alam mo ba kanina ikaw ang binanggit niya habang nakatingin sa cellphone. Naluluha nga ako tuwing nakikita at naaalala ang mukha niyang determinadong makaligtas at makauwi. Kahit na may pumatak na luha sa mata niya ay nakangiti parin ang mga labi," saad nito sa binatang tahimik lang na nakikinig.

Bawat salitang lumalabas sa bibig ng babae ay tumatatak ng husto sa isipan ni Jeremy. Patuloy lang sa pakikinig si Jeremy hanggang sa bigla na lang dumating sila Israel.

"Nakita niyo na si miracle?" umaasang tanong ni jeremy ngunit ng umiling ang mga ito ay bumagsak muli ang kaniyang mga balikat.

"Tumayo ka na dyan. Kailangan nating bumalik sa mansion dahil parating na si lolo dahil sa nalaman niyang kasama si miracle sa mga nawawala at hindi pa nahahanap," saad ni Isaac habang si Israel naman ay tahimik lang sa isang tabi.

"Mr. Mondragon?" tumango si Isaac.

Huminga ng malalim siya at nagpaalam sa mag-inang kausap niya kanina.

NAKATITIG si Jeremy sa hawak na cellphone habang nakaupo sa malinis na kama ng kasintahan. Tumayo siya at inabot sa bulsa ang kaparehas na kwentas na ibinigay niya sa kasintahan at isinuot ito.

"Honey, nasaan ka na?" mahina niyang tanong at sinulyapan ang letrato nito sa table.

Tatlong araw na ngunit wala parin silang nakukuhang lead kung saan naruon ang kasintahan. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay nameet niya na ang lolo ni miracle ngunit hindi niya masyado itong napagtuunan ng pansin dahil nasa paghahanap lang ang kaniyang atensyon.

Kanina sana ay aalis siya ng mansion para humanap ulit ng lead ngunit hindi siya pinayagan ng ama ng kasintahan dahil tatlong araw na din siyang hindi nakakatulog at nakakakain ng ayos.

Hindi niya kayang kumain ng tama dahil mabilis siyang nawawalan ng gana sa tuwing maaalalang wala ang kasintahan sa tabi.

Napabuntong hininga siya at lumabas ng kwarto ni ivalyn na kaniyang tinutuluyan ngayon dahil nais niyang maramdaman ang presensya nito sa pamamagitan ng mga pag-aari niya.

He sighed ng makita ang malungkot na mansion ng mga mondragon. Ibang iba na talaga ang paligid ng mansyon. Sobrang tahimik na akala mo ay walang nakatira.

Bawat mga tao ay seryoso at halos may ginagawa ang iba naman ay nakatulala katulad na lang ng kaibigan ni ivalyn na si cheska na ilang araw ng umiiyak.

Ang gang ni ivalyn na lumungkot din at patuloy patuloy sa paghahanap ng mga lead kahit saan.

Pagpasok ni jeremy sa dining area ay sumalubong sa kaniya ang matamlay na mga kaibigan at ang ina ng mga Simpson o mondragon na napakatamlay talaga.

"Buti naman bumaba ka na hijo. Sige upo at kumain," saad ng tita ni ivalyn na kasamang dumating ng lolo ni ivalyn.

Tumango lang siya at kumain din. Tahimik lang ang buong lamesa hindi tulad ng dati na palaging maingay at hindi man lang nauubusan ng kwento.

Napatingin ang lahat sa lolo nila ivalyn ng umubo ito at seryoso silang tiningnan. "Kailangan niyo ng bumalik sa akademya, Israel. Kailangan niyong tapusin ang pag-aaral habang kaming mga matatanda na ang hahanap kay miracle. Simula ng umalis kayo ay may nakapasok na sa loob at sa tingin ko ay may naglelead sa kalaban na wala kayo sa loob kaya nasira nila ang ilang wire ng eroplanong sinasakyan ni miracle," seryoso at maautotidad na sambit nito.

Hindi sana sasang-ayon si Jeremy ngunit ng tumingin sa kaniya ang matanda ay naitikom niya ang bibig at napabuntong hininga na lamang.

Wala na siyang magagawa kundi hanapin na lang ang taong may pakana ng pag crash ng eroplanong sinasakyan ng kasintahan habang hinihintay ang resulta sa paghahanap ng mga magulang ng kasintahan.

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon