A/n: Pasingit muna si Mr. Drick Santiago, ivalyn's ex boyfriend.
• • •
NAKANGITI ako ng malaki at paminsan minsan ay sumusulyap sa babaeng kasama ko sa loob ng kotse at sa anak kong tahimik na naglalaro sa cellphone.
Masaya ko ngayon dahil sa wakas na nahanap ko na rin kung saan naruon ang mag-ina ko. Dalawang taon simula ng iwan nila ako sa isang kasalanan na talagang pinagsisihan ko.
Alam kong playboy ako o mas magandang sabihin na fuckboy, dahil yun naman talaga ang totoo pero dati lang dahil simula ng iwan nila ako ay talagang natuto ako at nagsimula ng magbago habang patuloy parin silang hinahanap.
"RICK, MAY BABAENG TUMATAKBO!" malakas na sigaw ni Joyce na siyang ikinabalik ko sa realidad at nanlaki ang mata ng makita ang pagbangga namin sa babae.
Mabilis akong tumakbo palabas ng kotse at nilapitan ang babaeng nakahiga sa kalsada.
"MISSSS!" nataranta ako maging si Joyce ng hindi ito gumagalaw. Mabilis kong hinawak ang pulso niya para tingnan kung humihinga pa ba at ng maramdaman na meron pa ay nakahinga ako ng maluwag.
Hindi rin nagtagal ay mabilis din dumating ang ambulasya kaya naman nadala agad ito sa hospital kasama kami. Hindi naman namin siya maaaring iwan sa ganon kalagayan lalo na't kasalanan ko rin naman.
Natigilan at natulala ako nang makita ang mukha ng babaeng nabangga ko na ngayon ko lang napansin.
Hindi ako makagalaw at parang natuod sa daan. Hindi ako maaaring magkamali.
Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayan na nadala na pala ito sa ER habang kami naman ay nakaupo na sa upuan sa labas ng pinto.
"Rick, look at me. It's not your fault, okay?" tumingin ako sa kaniya at hinila palapit saka isinubsob ang mukha sa leeg niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong mga oras nato lalo na't alam kong maaari akong mapatay nila kung tama ang aking hinala.
Pinagmasdan ko ang anak kong si Draven na ngayon ay maamong natutulog sa hita ni Joyce.
Nagdadalawang taon na ngayong March si Draven at ito ang unang kaarawan niya na makakasama ako dahil noong una ay hindi ko pa sila nakikita at malaki pa ang galit sa akin ng asawa ko ng mga araw na iyon.
Napatayo ako at mabilis na nilapitan ang doktor na umasikaso kay ival-miss. "Dr. Kamusta na po ang babaeng dinala kanina?" tanong ko ng makalapit ako.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Ayos na ang kalagayan niya ngayon. Pasalamat na lang tayo dahil hindi buong buo ang pagkabangga sa kaniya dahil kung deretso talaga sa kaniya mismo ang sasakyan ay maaaring hindi niya kayanin. Oh, siya hintayin niyo nalang siya sa private room na pagdadalhan sa kaniya at hintaying magising." tumango ako at nagpasalamat.
Mabilis ding namang dumating si ival-si miss sa private room at duon ko na nga napagmasdan ang kaniyang mukha.
"Hey, stop staring at her!" suway ni Joyce. Kung wala lang akong iniisip ngayon baka na tumawa pa ako dahil sa tono ng boses niya ngunit hindi ko talaga magawang ngumiti o tumawa man lang.
"DRICK, what happened to you? Dalawang linggo ka ng tulala simula nang makita mo ang mukha ng babaeng iyon. Ano bang nangyayari?" saad ni Joyce na siyang kasama ko ngayon na magbantay kay ivalyn. Yes, nakumperma ko ng siya nga ito dahil sa dugong pinatingin ko sa doktor na siyang gumamot sa kaniya.
Positive ito at katulad ng dugo nila Israel.
"DRICK SANTIAGO!" napakurap ako at mabilis na tumingin sa asawa kong bigla bigla na lang sumisigaw.
"Wife, what happened?" tanong ko sa kaniya ngunit isang batok lang ang natanggap ko mula sa kaniya.
Namaywang ito sa harapan ko at taas ang isang kilay na tumingin sa akin. "Sagutin mo nga ako anong nangyayari sayo hah?!" tanong niya gamit ang tonong hindi mo maaaring hindi sundin.
Kung dati ay ako ang na susunod sa amin ngunit ngayon ay na baliktad na dahil para akong naging maamong tuta sa tuwing nagagalit ito.
Huminga ako ng malalim saka hinila siya paupo sa lap. Hindi naman ako nahirapan dahil nakaupo ako sa sofa.
"Oh, ano na?" atat nitong tanong na ikinailing ko.
"Naaalala mo pa ba ang unang babae na minahal ko at unang babae na nagtiyaga sa katarantadohan ko na ikinukwento ko sayo? Yong babaeng ginago ko?" tanong ko. Tumango siya ngunit mababakas mo ang pagtataka.
"Yeah, naaalala ko siya. Yong babaeng dahilan kung bakit nagmeet tayo. So bakit?"
Tumingin ako kay ivalyn. "Meet Ivalyn Mondragon, my ex girlfriend." napasinghap ito at hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng hanggang ngayon ay tulog parin.
"Siya? P-paano ano? I mean di ba sabi mo sa akin noon nawawala siya pero paanong nandito?" takaang tanong niya na kahit ako ay nagtataka din kaya nga kailangan ko ng matawagan si Jeremy para dito.
"Yan din ang hindi ko alam kung paano nangyari pero may alam akong makakapagsabi sa atin kung anong nangyari at kung paanong nakabalik na si ivalyn," sambit ko na tinanguan niya.
Nagpaalam ako sa kaniya saglit na pupuntahan muna ang mga taong kailangan namin at bibili na rin ng makakain.
Habang naglalakad ay tinext ko na agad sila na magkita kita kami sa isang restaurant na madalas naming kainan pagmakakasama kaming lahat.
Madalang na akong nakakasama sa kanila noon dahil nga nabusy ako sa paghahanap sa mag-ina ko.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako at pagpasok ay sumalubong agad sa akin si Nike kasama ang fiance na si Sarah.
Matagal na din ang dalawang ito sa pagkakaalam ko ay kasabayan sila nila Jeremy na pumag-ibig.
Nagbro hug kami habang nginitian naman ako ni Sarah na ginantihan ko din. "Sup man? Buti nakabalik ka na. Anong balita, nahanap mo na ang iyong mag-ina?" agad niyang tanong.
Ngumiti ako ng malaki at tumango na siyang ikinahigh five namin sa isa't isa.
Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay ang iba na hindi naman din nagtagal dahil dumating din silang lahat. Nagsiupuan sila sa kaniya kaniyang upuan. Napangiwi ako ng makitang ang dami pala talaga namin at lalo ng dumami ng magkaruon ng kasintahan ang iba sa amin.
Napakunot ang noo ko ng wala si Isaac at Israel dito. Nasaan ang mondragon na iyon?
Umubo ng peke si McGregor, Jeremy na kumuha ng atensyon ng lahat. "Anong pag-uusapan natin Santiago? Kung sobrang impotante iyon pwede pakibilisan dahil hinahanap ko pa ang girlfriend kong dalawang linggo ng wala sa opisina..." sambit niya na ikinasinghap namin maliban kay night na busy lang sa laptop niya.
"WHAT?!"
"NAKITA MO NA SI QUEEN?"
"WHERE'S MY MOMMY QUEEN?"
"IS SHE OKAY?"
Kaniya kaniya silang tanong kay Jeremy maliban sa mga kasintahan nilang nagtataka, oh well maliban kila Sarah na kilala ang pinag-uusapan namin.
"Nalaman ko lang na siya iyon noong pinaimbestigahan ko siya kay night." napatingin kami kay night na busy sa laptop. Bumuntong hininga si Jeremy. "But last last week I did something wrong that I didn't mean it. Hindi ko pa alam na siya yun pero may hinala na ako at dahil sa ginawa ni Chelsea sa akin ay bigla na lang umalis si miracle ng walang paalam. Until now, I don't know where she is." natahimik ang lahat
"That's why I called all of you. I know where she is," singit ko agad na siyang ikinatingin nila sa aking lahat.
"WHERE?"
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Acak[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...