JEREMY'S POV
LIMANG buwan na simula nang magcrash ang sinasakyang eroplano ni Mira at bumalik kami sa akademya. Ngayon ay patuloy parin sa paghahanap ang buong pamilya ng mga mondragon pati sila mommy ay tumulong na simula nang malaman nila ang nangyari.Sa limang buwan din na iyon ay nalaman na ng buong paaralan ang tungkol sa pagiging mondragon ng tatlong magkakapatid na ikinagulat ng lahat maliban sa mga kagang ng mga ito at sa ilang nakakaalam ng tungkol dun.
"Leader, sasama ka ba sa cafeteria?" tanong ni Marlon na inilingan ko lang.
Tumayo ako at lumabas ng room. Kahit hindi ko sabihin ay alam nila kung saan ako pupunta.
Mabilis akong nakarating sa tinutuluyan ng mga kagang ni ivalyn at pumasok sa kwarto niya. Simula ng makabalik ako ay halos dito na ako tumigil na wala naman problema sa mga kagang ni miracle at kagang ni cheska.
Noong sinabi ko ang tungkol sa amin ay hindi sila makapaniwala dahil first time daw iyon nagkaboyfriend ulit simula ng maghiwalay sila ni Santiago.
Tuwing naalala ko yun ay nanggigigil ako. Muntek ko pa ngang masapak noong sabihin ni Santiago na naging sila pala.
Aba! Todo push pa ako noon sa girlfriend ni Santiago kahit hindi ko pa kilala dahil kaibigan ko naman siya noon.
Pabagsak akong humiga sa kama ni ivalyn at tumitig sa ceiling habang nakahawak sa orasan ng kwentas ko.
Sa ilang buwan na wala siya sa tabi ko ay ito lang ang pinanghahawakan ko at kinukuhanan ng lakas.
Iniisip kong babalik siya at alam kong buhay siya. Kahit anong mangyari ay ipinapangakong hihintayin ko siya kahit walang kasiguraduhan iyon.
NAPABANGON ako nang may biglang kumatok sa pinto. Napailing ako ng mahina nang malamang nakatulog pala ako kanina.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. "What?" Walang ganang tanong ko.
Napailing si Ian na siyang kumatok. "Labas ka na muna diyan baka lang naman nais mong kumain, pre gabi na hindi mo man lang napapansin," nailing niyang saad saka tumalikod.
Hindi pa man siya nakakalayo ay huminto ito saka nagsalita ng hindi humaharap. "Stay strong, kuya Jeremy. Alam kong makikita nating muli si mommy queen at makamasama," saad niya at tuluyan ng umalis.
Napangiti ako ng maliit. Simula ng mawala si miracle ay naging mas matured na si ian hindi tulad noon na parang bata kumilos kahit nasa 20 years na.
Marami na talagang nagbago o binago ng pagkawala mo. Kaya honey bumalik ka na sa amin.
Huminga ako ng malalim at pumunta din sa baba. Alam kong nandun na ang mga iyon dahil madalas na dito kami kumakain lahat sa bahay ng mga red and dark gang.
Tulad nga ng inaasahan ko, nandito na sila at may kaniya kaniya ng plato. Hindi man lang nahiya pero noong una ay tulukan pa sila.
"Leader kain na." tumango lang ako at kumuha na din. Nagkukwentuhan lang sila habang kumakain pero ang ilan na tahimik na tao na katulad ko ay nasa isang tabi lang at kumakain.
Nang maggabi ay nagsiuwian na sila sa kaniya kaniyang dorm habang ako ay nanatili muli sa kwarto ni miracle at dun natulog.
Maaga akong nagising at ginawa ang palagi kong ginagawa sa umaga. Tutulala ng ilang minuto sa picture niya bago maligo.
Huling dalawang linggo na lang namin dito sa academy at makakapagtapos na kami. Ang nais ko pa naman ay sabay kaming g-graduate ngunit wala hindi talaga kami nais pagsabayin ng tadhana.
Naglalakad ako sa hallway nang biglang may sumigaw ng pangalan ko at inakbayan ako.
"McGregor mah man!" bati ni Santiago.
Sinamaan ko siya ng tingin ng ipitin niya ako sa braso. "Fuck you Santiago!" sigaw ko nang makaalis ako.
"Man, hindi tayo talo!" tumatawang sabi niya ngunit nahinto ito nang may marinig kaming boses.
Mabilis kaming nagtago sa tabi at sinilip ang pinagmulan ng boses.
"Ugh! Kuya hindi ko naman mapaamo ang Jeremy na iyon eh. Palagi na lang ivalyn Ivalyn na kahit nga itong si drick ay may pagtingin parin. Ano pa ba ang kailan mo sa kaniya di ba nga nagcrash na ang eroplano at hindi pa nila mahanap hanap ang lintek na babae na iyon?!" nagdilim ang tingin ko at galit na napatingin sa babaeng iyon.
Hindi ko inaakalang may agenda ang pag lapit nito sa akin tuwing dadaan ako na hindi niya naman gawain noon. Akala ko pa naman anghel ka katulad ng pangalan mo pero sabi nga nila nasa dulo ang kulo.
"Fine! Pasalamat ka ibinibigay mo ang kailangan ko kung hindi, hindi talaga ako susunod sayo, hmp! Yeah yeah love you."
Mabilis kaming umalis ni Santiago at nagpunta sa bahay ng blue moon.
"Fuck, crush ko pa naman siya ngunit uhh!" gusto ko man matawa kay Santiago ay hindi ko nagawa dahil sa nalaman ko. May kinalaman ang babaeng dinala ni Santiago sa mansion ng mga mondragon, ang mukhang anghel na babaeng iyon ay may tinatago pala.
"Oh, anong ginagawa niyo dito?" biglang tanong ni Arnold nang pagbuksan niya kami ng pinto. Hindi ako nagsalita at nilagpasan na lang siya bigla.
"Jeremy?" sambit ni Isaac.
"What do you need?" Israel asked.
Huminga ako ng malalim at sinabi ang nalaman namin ni Santiago. Nagulat sila ng malaman iyon at galit na galit sa nalaman lalo na si cheska ng malaman niya ito. Gusto na ngang sugurin pero napigilan naman ni jerome.
"Ugh! Nanggigigil talaga ako sa babaeng iyon kaya naman pala simula palang ay wala na akong tiwala sa mukhang iyon kahit na napakahinhin kung umakto!" galit na saad ni cheska at pabalang na umupo. "Isa pa, nilalandi niya kaya itong tarantado na ito," sabay turo kay jerome na napanganga lang at hindi makapaniwalang nakaturo pa sa sarili na ikinatawa namin.
Umiling iling ako at tumingin sa letrato nila Israel kasama ang buong grupo niya pati si miracle na nakangiti. Sobrang ganda ng ngiti nila dito na pati ang seryosong si Israel ay napangiti din.
Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti ng mapait.
"Honey, I miss you, I really do..."
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Aléatoire[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...