Tahimik na naglalakad si ivalyn habang ang mata ay malikot na nagmamasid sa paligid. Walang kahit na anong takot ang makikita sa kaniyang mata kahit na alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ng mga kalaban.
Lihim niyang ginagalaw ang mga daliri at pasimpleng ibinabato ang mga karayom niyang hawak.
"GELARD, NANDITO NA AKO! NASAAN NA ANG LOLO KO?!" malakas na sigaw ni ivalyn pagkapasok sa loob ng lumang building na kinaruruonan ng kaniyang lolo.
Mula sa isang madilim na pwesto ay nakatingin kay ivalyn ang isang lalaki na nakangisi ng malaki, mga ngising alam mo na agad na hindi gagawa ng maganda.
Sisigaw na sanang muli si ivalyn nang may bigla na lang lumabas na lalaking kinasama niya sa loob ng dalawang taon.
"Angelo?"
"Violet?"
Bakas sa mukha ni Angelo ang pagkalito sapagkat hindi niya inaasahang nandito ang babaeng kaniyang minahal.
"Bakit ka nandito Angelo? Kasagwat ka siguro ng kapatid mo sa pagkuha sa lolo ko?!" mahinahon man ang mukha nito ngunit ang boses na mismo ang nagsasabi na galit ito, hindi lang basta galit kundi galit na galit.
Umiling iling si Angelo. "Nagkakamali ka,viol–"
"Ivalyn, not violet you jerk!" singhal nito.
"Vio—I mean ivalyn, Nagkakamali ka talaga dahil hindi ako kasama ni gerald lalo na't tumigil na ako sa panggugulo sa inyo dahil pinipilit ko ng mahalin si Celine." tumingin lang si ivalyn kay Angelo na tila ba hindi kumbinsido.
Mula sa isang mapaglaro at mayabang na Angelo ay tila naging isang maamong tupa na talagang inalagaan ng mabuti.
Magsasalita na sanang muli si Angelo dahil napansin niyang hindi talaga kumbinsido siya sa kaniya ngunit bigla na lang may pumalakpak sa isang gilid at lumabas ang isang tao na talagang may malaking kasalanan kay ivalyn.
Nakangisi ito na tila ba natutuwang magkita silang tatlo sa iisang lugar. "Wow naman, hindi ko inaakalang tatalikuran mo ang posisyon mo dahil lang sa nais mo ng magbago?" kunwaring naghihinayang na sabi ni Gerald at binigyan sila ng isang malungkot na ngiti ngunit ang nga mata ay nagpapakita ng kabaliktaran nito.
"Where's my lolo, Gerald?!" imbis na magsabi pa ng walang katuturan ay nagtanong na lang si ivalyn tungkol sa kaniyang lolo.
Tumawa si Gerald na may paghampas pa sa hangin na para bang tuwang tuwa talaga ito. Akala mo ay may isang nakakatawang biro siyang narinig.
Nang tumigil ito sa kakatawa at seryosong tumingin sa dalawang tao sa kaniyang harapan.
"Your grandfather and his wife..." wika ni Gerald habang itinuturo ang dalawang tao na napatingin sa isa't isa na para bang hindi nila iyon inaasahan.
"Where she is?!" ngayon si Angelo na nagtanong. Tumingin sa kaniya ang kapatid at nakangisi ng mapang-asar saka itinuro ang isang parte kung saan may dalawang sugatan na nakaupo sa dalawang silya at mga walang malay.
"LOLO?"
"CELINE?"
Hindi pa man nakakalapit ang dalawa ay sunod sunod nang may mga taong pumalibot sa kanila.
Kumuyom ang kamay ni ivalyn at nangnginging-git ang ngiping nakatingin sa mga ito.
"Ops! I forgot may kasama nga pala ako." sabi niya saka tumawa ng malakas na siyang umalingangaw sa buong lugar.
Lingid sa kaalaman ni gelard na may mga taong nakatago sa dilim at lihim na binabawasan ang kaniyang mga tauhan.
"Oh, you're mad now huh? Hmm." Walang sabi sabi ay sumugod si Angelo sa kapatid kaya walang nagawa si ivalyn kundi sumugod na din.
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Random[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...