NAPANGITI ako habang nakatingin sa malaking gate sa labas ng kotse. Ang gate na kinalolooban ng akademya. Dalawang taon at higit na rin simula nang mawala ako at hindi maipagpatuloy ang pag-aaral dito kasama sila.
"Nandito na ulit tayo, Ivalyn. Noon, dalawa lang tayo pero ngayon nandito na sila at kasama natin." napabaling ako kay cheska at tumango.
Tama naman siya dahil dalawa nga lang kami noon ngunit ngayon ay kasama namin ang ilang sa gang na walang trabaho sa city.
"Welcome back to dark academy, Empress!" sabay sabay nilang sabi nang makapasok kami sa loob ng gate.
Napangiti ako ngunit nawala din agad ito nang maalala na naman ang malaking kasalanan sa akin ni Angelo, ang pagpatay niya sa sanggol na nasa sinapupunan ko noon.
Maghanda siya dahil hindi ko palalagpasin ang kalapastangan na ginawa niya sa akin.
Hindi maliit o simpleng kasalanan lang iyon dahil unang anak ko 'yon ngunit pinalaglag niya lang ng hindi ko nalalaman.
"Ivalyn.." nag-aalalang saad ni cheska habang nakatingin sa akin ganon din ang ibang kasama namin sa loob ng van.
"Are you okay, mommy queen?" ngumiti lang ako kay Ian at niyakap ito sa bewang.
"I'm fine. May naalala lang ako, so don't worry about me, guys." narinig ko ang pagbuntong hininga nila at nagsimulang gumawa ng pwedeng pag-usapan.
Nakikinig lang ako sa kanila hanggang sa tumigil ang sasaktan sa harap ng isang building na kinalalagyan ng gymnasium.
Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakasuot ng mask ko bilang empress at bumaba ng sasakyan.
This is it. Babalik na muli ako sa tunay kong buhay at tamang kinalalagyan. Hindi bilang doctor o violet Francis kundi si Miracle Mondragon.
"Welcome back again empress."
"Una na kami sa pagpasok" tumango lang ako at tinanaw silang pumasok sa loob ng gymnasium kung saan naruon ang mga istudyante ng akademya.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
MAINGAY ang buong gymnasium dahil sa biglang pagpapatawag sa kanila at papuntahin sa gymnasium na hindi nila alam kung anong dahilan.Wala namang bagong activity dahil kung meron ay kanina pa sana ito sinabi lalo na't nandun na naman ang headmaster sa taas ng stage.
Biglang tumahimik ang lahat nang tumayo ang headmaster at pumunta sa gitna. "Good afternoon, students. Alam kong naguguluhan kayong lahat sa biglaang pagpapatawag ko pero isang balita lang ang akin nais iparating kaya sanay maging handa kayo." biglang ngumisi ang headmaster na kanilang ikinaatras.
Isa sa kanilang kinatatakutan ang headmaster na ito. Ito ay ang headmaster pa noon nila ivalyn na siyang headmaster parin ngayon kaya naman talagang matakot takot sila dito lalo na't nalaman nilang isang mondragon ang isang ito.
"We have a visitors later, a very important visitor that you need to meet. Oh, are you excited, everyone?"
Nagtinginan ang nga istudyante at sabay sabay na tumango. "Well, let's call our visitors, Dark, Red moon, Scorpion and Blue moon gang on the stage." nagsinghapan ang mga istudyante pati na rin ang ilang mga nakaabot sa grupong ito.
Nakatingin lang sila sa pinto nang bumukas ito at sunod sunod na pumasok ang naggagwapuhan at nagagandahan mga binata at dalaga.
Dalawang babae at higit bente na mga lalaki. Wala dito ang dalawang mondragon na lalaki at si Jeremy pati na rin si Chester na leader ng dark gang. Means wala lahat ng mga leader ngayon.
"Shit! They here."
"OMG, nandito na ulit sila."
"Ang popogi ng mga boys!"
"Gaga pati naman yung dalawang babae eh."
"Pero teka parang kulang sila di ba dapat thirty eight silang lahat?"
"Oo nga wala yung mga leader."
"Good afternoon, Students. For those students who didn't know us. I am Cheska Havens, Queen of Dark Gang." masayang wika ni cheska. "And this boys are my gangmates."
Umabate naman si Jerome matapos umatras ni cheska. Ngumiti ito ng matamis na ikinatili ng mga istudyante habang ikinatalim naman ng tingin ni cheska kay Jerome na napaubo lang at naging ngiwi ang magandang ngiti kanina.
Tumawa ito ng peke at napakamot sa batok. "Hello, I'm Jerome McGregor, second leader of this grupo, scorpio. Pasensya na wala ang leader namin ngayon tulad ng iba dahil may ginagawa pa ito ngayon." wika niya at inabot kay Jammie ang mic.
"Blue moon Gang, Jammie Villalobos." aatras na sana si Jammie ng biglang magsalita si Arnold.
"Uyy, paano naman kami? Ipakilala mo kami! Wag kang madaya!" parang bata niyang wika na ikinatawa ng ilan.
Napailing na lang si jammie ganon na din si miracle na nasa labas pa ng gymnasium. "Well, their are my gangmates. That guy is Arnold, Mannex, Ronald.."
A/n: 7 na lang muna dahil wala pa akong maisip na ibang pangalan. Ang myembo ng blue moon Gang.. Si Israel, Isaac, Mannex, Arnold, Ronald, Jammie and Miracle (dahil nga queen siya kaya kasama na siya) 7 lang ang miyembro ng Blue Moon gang, habang 10 naman sa Red moon, 11 sa Dark Gang and 10 din ang Scorpio.
Naglakad naman pauna si Ivan na siyang pangalawang leader ng red moon Gang sa tuwing wala si miracle.
"Ivan Sobremonte, second leader of red moon gang while those guys are my member-"
"Yahh, pakilala mo din kami!" biglang sigaw ni amiel at ian.
Sinamahan ng tingin ni Ivan ang dalawa ngunit hindi naman nasindak ang mga ito dahil mas lalo pang ngumiti ng malaki.
"Tch. That childish mens are ian and amiel and for the others just asks them," bored nitong wika at bumalik sa pwesto niya kanina.
Nagsalita muli ang headmaster. "Kilala niyo ang ilang sa kanila kahit naman noong umalis na sila ay nalalaman niyo parin kung sino ang mga ito tama?" tumango sila.
"That's good. Anyway it's not yet done. Aside from them we have more important visitor. Let's call our beloved empress of this academy, Empress Mira."
BINABASA MO ANG
The Queen With An Inosent Look✔️
Random[Background cover is credit to the real owner-Pinterest] Ivalyn Miracle Simpson, ang pinakabatang doktor na may inosenteng mukha na lahat ay kinahahangaan. Inosenteng mukha na di mo mapagkakamalaman na may malalalim pa palang tinatago. She look ino...