CHAPTER 33

1.4K 59 0
                                    

A/n: Hello senyo, namiss niyo ba ko? Alam ko namang oo, chos HAHAHA. I dedicated by vavalakz HazelBlood5

ISANG linggo ng nagpapagaling si miracle sa hospital na ngayon ay nakarecover na at pinayagang makalabas.

Sa loob ng isang linggo ay naramdaman kong bumalik na sa dati ang ugali niya, I mean yung kilala niya na kami at hindi na tulad noong magkita kami sa kompanya na tinatarayan ako at kung hindi naman ay na nanahimik lang sa isang tabi.

Napahinga ako ng malalim nang biglang may humawak sa balikat ko at nakita ang seryosong mukha ni Israel habang nasa tabi naman niya ang girlfriend na si Victoria.

"Nasa loob siya?" tanong niya. Tumango ako dahil alam ko naman na si miracle ang tinutukoy niya.

Alam kong may tampo ngayon si Miracle sa kanila dahil hindi man lang sila nagparamdam sa loob ng isang linggo. Niisang bisita ay hindi nila nagawang magkapatid, sila ni Isaac.

I tap his shoulder. "Good luck, bro."

Tumango lang ito saka pumasok na sa loob leaving me and his girlfriend. Hindi muna daw sasama si Victoria para daw magkaruon muna ng privacy ang dalawa.

"I didn't know that they have a sister," di makapaniwalang sabi niya.

Hindi na ako nagtaka kung ngayon niya lang nalaman dahil kahit naman siguro girlfriend siya ni Israel ay hindi parin nun sasabihin lalo na't tungkol ito sa kaniyang kapatid.

Isa pa, ayon din ang utos ni Mr. Mondragon sa aming lahat.

"Yeah, they had and their sister is my girlfriend back then and still now she's my girlfriend," nakangiting sambit ko habang inaalala ang mga mukha niya.

Hanggang ngayon talaga ay baliw na baliw parin ako sa kaniya kaya nga hindi na ako nagtaka nang malaman kung nagkagusto sa kaniya sila Santiago.

"Looks like mahal na mahal mo siya huh?" she teasingly said na ikinailing ko lang ngunit nakangiti.

"Pero alam mo ba may kamukha yung kapatid nila," basag niya sa katahimik na mabilis kong ikinalingon.

"Who?" I asked.

Ngumiti ito ngunit nasa harapan parin ang tingin na para bang may masayang inaalala. "My bestfriend. Noong unang beses ko dito sa pilipinas ay wala pa akong kaalam alam maliban na lang sa nakakapagsalita ako ng tagalog at nakakaintindi. That time bigla akong nanakawan, lahat ng pera ko nakuha but she come and get my bag from that snatcher."

She smiled and chuckled. "She's so cool and pretty, of course. Ang kaso nga lang ay maldita siya pero noong makasama ko siya hindi naman pala talaga siya ganon sadyang hindi niya lang nais ipakita sa iba ang ugali niya dahil baka lokohin lang daw siya."

"Nasaan na siya kung ganon?" tanong ko. Nagtaka ako nang biglang lumungkot ang mukha niya na para bang pinipigilan lumuha.

"Hindi ko na alam kung nasaan siya. Two months ago bigla na lang siyang nawala at hindi nagparamdam pagkatapos siyang kunin ng boyfriend niya." tumingin siya sa akin "You know what, wala akong tiwala sa lalaking iyon dahil kahit mukha siyang Inosente ay nandun parin yung malademonyo niyang mukha sa tuwing nakatalikod si–VIOLET" biglang sigaw niya sa huli na ikinataka ko dahil hindi naman siya nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko ganon na din si Israel nang biglang tumakbo si Victoria kay miracle saka niyakap ito ng mahigpit na para bang ayaw ng bitawan.

Yumakap din ng mahigpit si miracle habang kami ni Israel ay nagtataka lang sa isang tabi.

Kami na lang ang naiwan dito habang ang iba ay umalis na at magkikita kita na lang daw sa mansion ng Simpson.

Simpson? Yong mansyon na tinuluyan namin noon. Nalaman na lang namin last year na hindi talaga iyon ang pinakamansyon ng mga Mondragon sapagkat nasa spain ito, kung saan naroon ang lolo nila.

Bumisita na ang pamilya niya ganon din sila mommy maliban na lang talaga kay Isaac na hindi parin dumadalaw.

"Ria, w-what are you doing here?" tanong ni miracle matapos humiwalay sa yakap.

"I'm with my boyfriend, Israel Mondragon." nanlaki ang mata ni miracle pero napalitan agad ng isang malaking ngiti.

"So, si kuya pala ang tinutukoy mo noon na nakabangga mo sa Spain at nanligaw sayo noong magkita muli kayo dito sa pilipinas," nakangiti ng mapang-asar na sabi niya.

"Well, ang gwapo niya diba?" Tila kinikilig pang saad ni Victoria na nginiwian lang ni miracle.

"Gwapo naman talaga si kuya lalo na't kalahi niya ako noh!" sabay tawa ng malakas na ikinailing ko na lang.

Bumalik na ulit siya sa dati pero kahit ganon ay ramdam ko parin ang lungkot niya sa pagkawala ng anak naming hindi man lang namin agad nalaman.

Nasasaktan ako dahil may ilang beses ko siyang narinig na umiiyak tuwing tulog na kaming nagbabantay sa kaniya.

Hindi ko naman siya mapatahan at mapakialaman dahil nais kong ibuhos na niya ang sakit na nararamdaman para mabawasan ito na iyon naman talaga ang nangyari ngayon dahil nakakangiti at nakakatawa na siyang muli.

"You know each other?" biglang singit ni Israel sa dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay na tumango na may ngiti sa labi.

"Love, Siya yung sinasabi ko sayong bestfriend ko," saad ni Victoria na tinanguan naman ni miracle.

NAKASIMANGOT akong nakatingin kay miracle na hindi man lang ako pinansin. Nakarating na kami't lahat sa mansion nila ngunit ang dalawang babae ay hindi man lang kami pinansin at basta na lang lumabas ng kotse saka muling nagkwentuhan.

Bumuntong hininga si Israel na ngayon ay masama na rin ang timpla. "Ganyan ba silang dalawa pagmagkasama? Hindi man lang tayo hinintay oh!" singhal niya.

Napabuntong hininga na nga lang din ako at sumunod sa dalawa papasok. Inabot ko ang susi sa isang butler ng mansion para ipaparada ang kotse dahil sa main door kami kanina nagpark.

"Thanks." tumango lang ito at yumuko ng kaunti pagkatanggap ng susi.

Napahinto ako at hindi makapaniwalang napatingin sa harapan.

"Hey, Why did yo–Oh, shit!" gulat na sambit ni Israel na napatigil din sa tabi ko.

Sinong hindi magugulat kung ang maaabutan mo ay mga nakatayong bodyguard habang may mga hawak na baril at nakatutok sa isang pamilyar na babae na ikinataka ko dahil pati ang gang nila cheska at miracle ay nakalabas din ang mga baril.

"WHAT IS HAPPENING HERE?"

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon