CHAPTER 41

1.2K 65 1
                                    

PABAGSAK na humiga sa kama ni ivalyn at pumikit. Sa pagod ay mabilis siyang dinapuan ng antok.

Nang pumasok si Jeremy sa kwarto, napailing na lang ito at iniayos ng higa ang kasintahan na halos kalahati lang ang nasa kama.

"Hayst. Namamayat ka na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na magkasakit ka. Doktor ka nga ngunit hindi mo ito maganpanan ngayon lalo na pati katawan mo ay pinapabayaan mo na," mahina niyang aniya at tumabi ng higa.

Hinaplos niya ang buhok nito nang biglang sumigsik sa kaniya ito at niyakap siya ng mahigpit.

" I love you, honey. I always do." saad niya na para bang narinig ito ni ivalyn dahil bigla na lang gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi.

Naalimpungatan ang dalawa nang may malalakas na katok ang nag-ingay sa labas ng pinto nila.

"Ako na ang magbubukas." Walang ganang tumango si Jeremy at binuksan ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang balisa at kinakabahang mukha ni Ren.

"What hapeend, Ren?" tanong ni miracle na sumunod na din pala kay Jeremy nang hindi niya nararamdaman.

Huminga ng malalim ito. "Nawawala daw po ang inyong lolo sabi ng papa niyo, Empress mira." ulat nito na ikinawala ng emosyon ni miracle at basta na lang lumabas ng kwarto.

Sumunod si Jeremy sa kasintahan ngayon ay nawalan na ng kulay ang buong mukha. Bumalik na naman ang ekspresyon niyang walang kakulay kulay na hindi mabasa ni jeremy kung ano bang iniisip nito.

Kinakabahan siya at natatakot na baka makapagdisesyon si miracle ng wala sa plano.

Simula ng malaman nila at masabi ni Ren ang lahat ng impormasyong alam niya ay nagplano na ang mga pinuno at inaalam kung akong maaari nilang gawin kung magkadiperansya.

Halos pabalibag na bumukas ang pinto na ikinagulat ng mga nasa loob. Mabilis na umupo si miracle sa pwesto niya at tinap ang daliri sa lamesa.

"How the hell they got my grandfather?" madiin at seryosong tanong ng dalaga.

Napayuko sila at pigil ang mga hininga. "ANSWER ME!" sigaw nito na urong ng mga ito sa kinauupuan.

Ito na nga ba ang kinatatakutan nila. Ang magalit ng sobra ang kanilang reyna o empress dahil hindi ito basta basta lang magalit.

Napakatindi nito magalit katulad na lang noon na mawala ang kaniyang lola na asawa ng kaniyang lolo mondragon na halos maubos ang lahat ng gamit sa buong living room sa mansion ng mondragon to the point na kailangan pa itong turukan ng pangpakalma.

Gumalaw na si Jeremy at pinakalma agad ito bago pa may magawang hindi maganda. Ilang minuto rin ang tinagal nito bago mapakalma na ikinahinga nila ng maluwag.

"Now, tell me?" kalmado ng tanong nito.

Huminga ng malalim si drick at tumayo, sa tabi ni night na busy sa harap ng mga laptop at pinapanuod ang mga CCTV.

"Kanina bigla na lang tumawag ang papa niyo at sinabing nawawala ang lolo niyo kaya naman mabilis namin tiningnan ang mga CCTV. Tama nga ang akala namin na si Gelard, kapatid ni Angelo ang kumaha kay Mr mondragon."

Nagtatagis ang bagang ni ivalyn  nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito ngunit hindi siya gumawa ng kahit anong ingay, nakaloudspeaker din ito.

"Hey, dear Ivalyn Mondragon. How are you?" umintig ang panga nila Israel ng makilala kung kanino ng boses ito.

"Gelart." may diing tawag ni ivalyn na ikinatawa ng nasa kabilang linya.

"Oh, kilala niyo na ako? Galing naman."

"Where's my grandfather bastard?"

"Hmm, he's here. Say hello to you beloved granddaughter, Mr mondragon." tumahimik ang kabilang linya. Bigla na lang may tumunog na para bang may tumalsik o ano.

"Shit! You old man..!" rinig nilang sunod sunod na nagmura ang nasa kabilang linya at malakas na pagbagsak ng isang bagay at daing ng lolo ni ivalyn.

"LOLO?" nag-aalalang tawag ni ivalyn ngunit ang halakhak lang ni gelard ang sumagot dito.

"Nakakatuwa naman itong matanda na to. Malapit na nga siyang mawala ngunit may lakas parin na lumaban huh? Tch. Oh, by the way how's my surprise to you my little princess?"

Natahimik silang lahat at napatingin kay ivalyn na ngayon ay nagpupungos sa galit. "My little princess? Wow, naman! May gana ka pang tawagin ako sa tawag na yun kahit na kinakalaban mo na ako. Tang'na mo, gelard hindi kita mapapatawad kahit naging kaibigan pa kita noon!" madiin at galit na sigaw ni ivalyn.

Imbis na masaktan ay tumawa lang ang nasa kabilang linya na para bang napakaliit na bagay lang nito at wala siyang pakialam kung ano pa yun.

"Anyway, If you want to save your lolo just come here, only you."

Nawala na't lahat ang tawag ngunit ang buong kwarto ay tahimik parin. Mga nag-aalalang tingin ang nakapukol kay ivalyn na ngayon ay nakapikit at mabilis ang paghinga.

Hinawakan ni jeremy ang kamay nito at pinisil na dahilan ng pagmulat ni ivalyn at tiningnan sya ng nagtatanong.

"Susundin mo ba siya, pupunta ka ng mag-isa?"

Ngumisi ng malaki si ivalyn. "Well, I'm not idiot like him to do something that can couse my death easily."

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon