CHAPTER 4

2.2K 89 2
                                    

SIMULA palang nang makita niya ang babaeng ito sa ospital ay hindi na ito mawala sa isipan niya kahit na may malaking problema pa siyang dinadamdam noon.

Kahit naman ngayon ay meron parin! Hindi naman yata mawawalan ah.

Sa mundong kinagagalawan niya-nila ay ang problema ang hindi ka mawawalan dahil araw araw ay may darating sa inyo.

Nakatitig lang si jeremy sa babaeng nagngangalang ivalyn, ang girlfriend daw ng kakambal niya.

Hanggang ngayon ay iyon parin ang alam ng mga ito. Dahil si gagong jerome ay ayaw pa din sabihin.

Malakas ang trip nito ngayon kaya naman hinayaan na lang ni ivalyn lalo na't wala naman mawawala sa kanya.

"Yown! Kung ice cream lang si ivalyn tunaw na yan," saad ni jerome habang nakatingin sa direksyon ng kakambal na biglang tumingin sa kanya nang marinig ang sinabi niya.

"Kaso hindi siya ice cream," Wala sa sariling sabi ni jeremy.

Nagkatinginan ang mga kasama niya sa table bago sabay sabay na humagalpak ng tumawa. Dahil nga malapit lang sa kanila ang table nila ivalyn ay napatingin ang mga ito sa kanila.

"Ibang klase!"

"Leader, ayos ka lang ba?"

"Patawag na ba kami ng doktor? Nandyan naman si ivalyn malapit pa" natatawang sabi ni jerome sa kakambal.

"Tsk! I won." biglang sabi nito na siyang ikinatigil ng nga kasamahan. Duon lang nila naalalang may pustahan nga pala sila kung babae o lalaki ang transferee.

Duon ay lugmok na ibinaba ni nike ang susi ng kotse sa lamesa, nakanguso itong nakatingin sa kanila.

"Say bye to your baby, kapatid," mapang-asar na saad ni night sa kapatid.

"Tsk! Diyan na nga kayo!" Si nike na inis na tumayo sa upuan bago bigla na lang sinalubong ang isang babaeng lumapit sa kanya at umalis.

Isa lang ibig sabihin nun, magpapalipas ng inis dahil natalo sa pustahan.

"Putek! Kama na naman ang deretso ng isang iyon. Sakit talaga sa ulo!" Naiiling na sabi ni night nang mawala sa paningin nila ang kapatid.

"Di ka pa nasanay, " Si jerome na nakikihati rin sa mga panalo.

Lima silang nanalo na babae ang transferee kaya naman madami dami yun.

NAKAIN at masayang nagkukwentuhan ang dalawang grupo, ang dark at red moon gang nang bigla na lang may humila sa buhok ni ivalyn.

"Youuu! Anong karapatan mo umupo kasama nila huh? Ako lang ang pwede dahil ako ang reyna ng red moon!" Naggagalait na sigaw ng bagong dating na babae.

Ngayon niya lang nakita ito. Tumingin si ivalyn sa mga kasamahan niya na ngayon ay galit na nakatayo at malapit ng sumugod sa babaeng humila sa buhok niya.

Senensyasan niya silang huwag mangialam sa gulong ginawa ng babaeng ito.

Tinapik ng malakas ni ivalyn ang kamay ni elmarie, ang babaeng queen daw ng RMG sabi niya.

"Queen ng RM? Are you sure?" Mapang-uyam na tanong niya kay elmarie habang pinapasadahan ng tingin ito. "Tsk! Section A huh?" Lalong ngumisi ito ng malaki.

Section A, ang section na sumusunod sa section A+.

"Bakit? Mababang sec-" natigilan ito sa pagsasalita at bigla na lang nanlaki ang mata nang mabasa ang nakasulat sa tag at badges niya. "Q-queen l-leader ng RM." Gulat na usal ni elmarie kaya naman napangisi pa lalo si ivalyn sa nakikita.

"Don't take the position that is not yours, just like now you were embarrassed in front of the person you are taking the position. Better luck next time darling." She winked then turn around kick her colorful face.

"OHHHH!" Usal ng mga nakakita ng ginawa niya. Umiling iling na lang siya bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Sinayang lang nito ang oras niya imbes na ubos na ang kinakain kanina ay ngayon hindi parin.

Pathetic bitch!

SA KABILANG grupo naman ay humahanga parin sa ginawa ni ivalyn lalo na si jeremy ngunit hindi niya ipinahalatang humanga siya dahil pinanatili niyang nakapoker face ang mukha.

"Woahh! Ang galing naman ng girlfriend mo jerome," Usal ni night, na isa rin noon na nandun sa kwarto ng sabihin ni jerome na girlfriend niya ang kaibigan.

Tumingin si jeremy sa kakambal na nakibit balikat lang.

Masakit

Hindi maintindihan ni jeremy kung bakit masakit sa dibdib ng marinig niya na girlfriend nito ang doktora na umasikaso sa kanya.

May parting umaasa sa kanya na sana ay hindi ito totoo.

Fuck! Anong nangyayari sa akin? Hindi naman sana tama ang iniisip ko dahil ilang linggo ko palang siya nakikilala at hindi ko pa ito nakakausap kahit isang beses.

Usal nito sa isipan. Sana lang ay mali ang iniisip niya dahil ayaw niya din na makaagaw ang kakambal na wala naman siyang laban dahil naikwento ng kapatid na matagal na silang magkakilala.

Anong laban ko dun? Akong ilang linggo palang sa kakambal kong ilang taon na.

"Fuck!" Hindi napansin ni jeremy na nasabi niya pala ang mga salitang iyon. Nagtatakang napatingin sa kanya ang kapatid pati na rin ang mga kaibigan.

"Anong nangyayari sayo jeremy?" Tanong ng kakambal.

"May sakit na yata ako sa puso." usal nito na siyang ikinaalala ng mga kasamahan.

"What? Kailan pa? Paano mo nalaman?" Sunod sunod na tanong ng nag-aalalang kakambal, jerome.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko noong mapalapit siya sa akin. Anong nangyayari sa akin?" Nagtawanan ang mga ito dahil ang leader nila ngayon ay lumalabas ang mga emosyon at parang bata na hindi alam kung anong nararamdaman niya.

"Kingina! Nagkaex ka na't lahat ay hindi mo parin alam ang ibig sabihin niyan? Inlove ka!" Natatawang ani ni jerome pero agad ding nagseryoso. "Kanino ka nainlove ng ganong kabilis o yung ex mo parin?" Seryoso itong nagtanong sa bunsong kakambal.

Matanda ng tatlong minuto si jerome kaya naman kuya ang turing sa kanya ni jeremy kahit na minsan ay parang mas matanda kung kumilos si jeremy kaysa kay jerome.

Napasulyap si jeremy kay ivalyn ngunit mabilis ding inalis nang magtama ang mga mata nila.

Dubdub dubdub

Dubdub dubdub

Dubdub dubdub

"Wala!" Seryosong sabi nito ngunit sa loob loob ay sana ay hindi napansin ng kakambal niya na may sinulyapan siya.

Hindi maaari, dahil hindi niya gustong makaribal ang kapatid lalong hindi niya na papayagan maulit ang nakaraan at magpaubaya na naman ang kuya niya.

Hinding hindi na.

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon