CHAPTER 14

1.6K 72 0
                                    

IVALYN'S POV (MIRA)
Nandito na kami sa harap ng malaking gate ngunit mas malaki parin ang gate ng dragon Academy kaysa dito.

Sa likod ng gate na ito at alam kong duon magsisimula ang misyon at laban namin sa loob nito. Kung mahahanap at kakayanin ba namin ang mga mangyayari sa S-Couple academy.

Lumapit ako kay Jeremy o Jerry ngayon at kumapit sa braso niya. "Welcome Jerry Jackson my boyfriend, " I softly said.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko "Welcome my girlfriend, Mira Mendoza," he winked at me that make me blush, slight lang.

"Yow! Stop na yan kunti na lang talaga iisipin kong totoo na magkasintahan kayo" biglang sabi ni Nike na ikinatawa ko ganon din nila kuya Arnold.

Huminga muli ako ng malalim at sumabay kay Jeremy sa paglalakad. Pagpasok ng gate ay sumalubong agad sa amin ang mga istudyanteng may kaniya kaniyang ginagawa, like makeout kahit na may nakakakita sa kanila. Oh, by the way may suot nga palang maskara ang bawat istudyante sa academy na ito kaya naman talagang hindi nakakahiyang gumawa ng kababalaghan lalo na nakatago naman sa likod ng maskara ang mukha mo. Half mask lang naman kaya kita ang labi mo pababa.

"Mira, stop staring at!" saway ni jeremy at ipinulupot ang kamay sa bewang ko, ayy boyfriend active eh?

Mabilis kaming pumunta sa headmaster dito at kinuha ang susi ng magiging dorm namin at schedule. Napangiwi ako ng malaman na sa iisang dorm lang kami ni jeremy dahil mag boyfriend-girlfriend kami, iyon daw kasi ang patakaran dito.

Wala naman na akong nagawa. Wala naman sigurong gagawing masama si Jeremy dahil maaari akong tumakbo sa kabilang kwarto kung saan nandun ang mga kuya ko.

"Okay lang ba sayo na magkasama tayo sa iisang kwarto at iisang kama? Kung hindi okay lang sa akin sa couc-"

"No, I mean you don't need to sleep at the couch. Okay lang naman kasi sa akin at isa pa wala ka namang gagawin sa akin tama?" tumango siya at ngumiti na ikinangiti ko din.

Nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit. Matapos ay humiga ako sa kama ganon din si Jeremy at parehas kaming tumitig sa ceiling.

"Kailan pa kayo nagkakilala ni Jerome?" biglang basag niya sa mahabang katahimikan.

Ngumiti ako at sumagot ng hindi tumitingin sa kaniya. "Since high school day. Nagkakilala kami noon sa isang store ng hindi inaasahan. Unexpected talaga dahil nagkabungguan kami at sabay na tumapon ang mga hawak namin sa damit ng isa't isa," kwento ko

Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakikinig lang sa akin "Galit na galit ako noon dahil nagmamadali ako tapos mabubunggo lang ako at talagang kumulay pa sa puting damit ko ang ice cream na iyon, geez chocolate flavor pa naman yun. Dahil nga namumula na ako sa galit ay hindi siya magkanda-ugaga kung anong gagawin and that day he kissed me on my cheek that make me shut," natatawang pagpapatuloy ko.

"What happened next?"

"Well, I slapped him that make him cry," I said and laughed.

Natatawa talaga ako noon dahil hindi ko inaakalang mapapalakas ang sampal ko at iiyak siya ng ganon. Pero kahit ganon ay naging nagkaibigan din kami hanggang ngayon.

"Sana pala ako na lang ang bumili ng ice cream para nakilala kita," tumingin ako sa kaniya.

"Are you saying something?" tanong ko hindi ko kasi narinig kung ano iyon. Ang hina naman kasi ng sabi niya, bulong lang talaga na para bang bubuyog.

Umiling siya at umayos ng higa. "I'm going to rest. Please wake me up later," tumango lang ako.

Maya maya pa ay napansin kong nakatulog na talaga siya. Pinagmasdan ko siya at dun ko napansin na gwapo talaga ang lalaking ito ganon din naman si Jerome kaso ito talaga ang nakakakuha ng pansin ko ngayon.

Gusto kong kurutin ang ilong niyang matangos. Matangos din naman ang akin ngunit gusto ko talagang pagtripan ang kaniya kaso baka magalit kaya huwag na lang.

Umayos ako ng higa at tumabi sa kaniya ng higa ngunit may agwat pang isang unan.

The Queen With An Inosent Look✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon