Chapter 18: "That's the thing about break ups. One person walks out the door and feels relieved, the other one falls to the floor not knowing how to go on."
"And just like that.. he gave up on us," I uttered.
I smiled bitterly and reached for the bottle of beer and took a gulp, trying to swallow the pain that makes my chest ache. The memory of him walking away from me that day was so vivid like it only happened yesterday.
Ellie sighed. "Based on your story, the man really loved you."
"Loved," I muttered. "Ang sakit naman marinig. Bakit past tense na? Hindi ba pwedeng present perfect na lang? Para minahal niya ako at minamahal pa rin hanggang ngayon. Pwede ba iyon?" I said, chuckling bitterly.
"Bakit kase hindi mo binalikan?"
I pursed my lips. "A week after our break up, he flew back to the US."
"Bumalik naman siya ng Pilipinas. Sana binirahan mo agad ng 'will you come back in my life'. Ganon! Diretsahan, ateng! Kaso medyo syonga ka. Kinaibigan mo!"
"Iniisip mo ba talaga na hindi ko binalak na gawin iyon? I was so ready to throw my pride and ask him to give us another shot. Kaso.. Friendship lang yung gusto niya," I said with a shrug.
"Sinabi niya?" I shook my head, and it made him roll his eyes. "Ayan ang problema sa'yo! Assuming ka masyado ayan tuloy chummy ang kinabagsakan mo sa buhay niya!"
My face crumpled. "Teka nga! Why did you suddenly jump ship? Dati sa akin ka nakakampi."
"Hoy! Never kitang kinampihan! Imbiyerna lang ako dati kase nagpapakatanga ka sa ex turned chummy mo. But after hearing your story, team Vash na ako!"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Traitor."
Sa unit ko na natulog si Ellie dahil late na kami natapos sa pag-iinuman. Kinabukasan ay pareho kami na may matinding hangover. Nagsisihan pa kami dahil muntik na kaming na-late sa isang TV guesting ko.
Binati ko lahat ng mga naabutan ko sa dressing room na itinalaga sa akin. But my smile slipped as I recognized the woman I'd be sharing the dressing room with. It was none other than Vash's new flavor of the month.
"Ateng, sorry. Hindi ko rin alam na siya ang makakasama mo sa dressing room," nag-aalalang bulong sa akin ni Ellie.
"It's okay." Humarap ako sa babae at nakangiting nagpakilala sa kanya. "Hi! I'm Penelope."
"Katrina," matabang na sagot niya.
Nakaramdam ako ng inis ng pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Huminga na lang ako ng malalim at piniling palampasin na lang ang ginawa niya.
"Bastos ang mahadera," gigil na sambit ni Ellie.
Hinila ko na siya palayo bago pa niya mapatulan si Katrina. Kung ako ay mapasensiyosang tao, si Ellie ay patola. Masayang nakipag-kwentuhan na lang ako sa mga staff habang inaayusan ako.
"Ateng, si Vash tumatawag."
Inabot sa akin ni Ellie ang phone ko. I took a deep breath and answered his call. "Hey."
(Chums,) malambing na bungad niya.
I sighed.
"Gutom na ako," nakalabing saad ko.
Ellie breathed out and checked his wristwatch. "Sige. Kain na muna tayo. We still have two hours before your photoshoot."
BINABASA MO ANG
The Magnetic: Loving The Womanizer
RomanceRyker Vash Villarioz's story. "Do you regret it?" "What?" "I don't know." Her voice shook. "Everything" He was quiet for a long moment. Heat flooded her cheeks. She opened her mouth to tell him to forget she asked, but finally he said, "Just becaus...