Chapter 3

309 15 8
                                    

Chapter 3: "Stomach, meet butterflies."



I felt giddy by just merely watching him, and as his stunning smile and deep dimples appeared I knew that he had my heart on the palm of his hand. I rested my chin on my palm and watched his every move like he was only one I could see, and he was. Only him. 

Ryker Vash Villarioz. Campus heartthrob. Smart. Rich. Handsome. Talented. 

"Hanggang tanaw na lang ba talaga?" Bailey, my friend, teased as she sat beside me. "Aba naman, Louee, since last year ka pa ganyan. Kumilos-kilos ka na, be. Sabi nga ni Bob Ong lumandi ka din!"

Lumabi ako. "Paano? Puro campus beauties yung mga naghahabol sa kanya."

"Bakit, be? Pangit ka ba? Ang ganda mo kaya. Alisin mo lang kase yang glasses mo. Magpa-laser ka na kase."

I pursed my lips. "Yung mga ganyan ka-gwapo tinatanaw lang ng kagaya ko na simple."

She rolled her eyes. "Gaga! Sampalin kaya kita para magising ka? Bakit sa tingin mo lagi kang muse since elementary hanggang ngayon na second year high school na tayo? Kase maganda ka."

"Mapapansin naman kaya niya ako?" I asked, feeling insecure.

"Well, kung hihintayin mo lang na mapansin kanya, malabo yon, be. Pero kung gagawa ka ng paraan para mapansin ka niya, malaki ang chance mo." Hindi ako kumibo. Nag-aalangan pa rin ako. "Saka friend, bilis-bilisan mo na. Graduating na siya. Hindi na kayo magsasama sa college kase babalik na yan sa America."

"What?"

She pursed her lips and nodded. "Oo, chinika sa akin nung kakilala ko na kaklase niya."

Ilang sandali akong natahimik sa nalaman. Babalik na siya sa America? Hindi pwede na hanggang tanaw lang ako hanggang makaalis siya. I need to do something. 

"Bailey, please help me."

She smirked. "Leave it to me."



"Alam mo na ang gagawin mo, Jay. Siguraduhin mo na si Vash ang huhulihin mo, okay? Kapag hindi mo nagawa, lagot ka sa akin talaga."

Napakamot sa ulo ang kausap ni Bailey. "Ilang beses mo na akong sinabihan, Bailey. Alam ko na ang gagawin ko. Basta yung usapan natin na ha? Ticket sa concert ng Sentifico."

"Oo na! Tutupad ako sa usapan. Organizer yung pinsan ko sa concert nila. Sure na yon basta ang kapalit si Vash."

Jay smirked. "Ako ng bahala. Kita na lang mamaya."

Hinigit ko ang braso niya pagkaalis ni Jay. "Paano mo nakausap si Jay?" He's a third year student. 

"Kabarkada siya ng pinsan ko. Ano, ready ka na ba para mamaya?"

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "Bailey, kinakabahan yata ako. Huwag na lang kaya?"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Sampalin kaya kita? Pagkatapos kong nagpakahirap na isagawa ang plano ko para lang mapansin ka ni Vash, uurong ka pa?" I grimaced. "Halika dito. Mag-retouch ka na. Mamaya sasakay kayo ni Vash sa ferris wheel. Siguraduhin mo lang na makukuha mo ang atensiyon niya, okay?"

"Okay lang ba talaga na gawin natin ito?"

"Of course! Tngin mo yung foundation para sa school lang? Ito yung araw para sa mga students na gustong magpapansin sa mga crushes nila!"

Tinulungan niya akong mag-ayos. Ang hanggang likod na diretsto kong buhok ay nakalugay lang pero ang dulo ay kinulot. Naka-liptint lang ako at powder. Ang gusto ni Bailey ay dagdagan ko pa ang make up ko pero umayaw na ako. 

The Magnetic: Loving The WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon