Chapter 5: "The little things? The little moments? - They aren't little."
Simula ng dumating siya sa buhay ko, binigyan niya ito ng ibang kahulugan. Ang dating simpleng mundo ay binigyan niya ng kulay at buhay. Simula ng dumating siya natuto akong mas ngumiti. Natuto akong tingnan ang mga bagay sa ibang paraan. Mas natuto akong mahalin ang mga dati ay binabalewala ko lang.
I felt giddy as I caught him staring at me. Sabay pa kaming napangiti. I bit my lower lip as he took my hand and intertwined our fingers. Moments like this with him matter a lot to me.
We always spend time together. Sabay kaming nag-aaral at madalas ay tinuturuan niya ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Kasabay din namin siyang kumain ni Bailey. Madalas pati ang barkada niya ay sumasabay din. Nung una ay medyo nahihiya pa kami sa kanila pero ngayon ay kaibigan na rin ang tingin ko sa kanila.
Bahagya akong napaigtad ng ipatong niya ang baba sa balikat ko sabay hapit sa beywang ko. "Let's watch a movie tomorrow."
"S-sige."
"Movie? Sama kami!" ani Bailey.
Nakatambay kami sa gym dahil vacant namin. Mga ganitong oras ay wala halos tao sa gym kaya magandang tambayan.
'Ang hilig mong maging third wheel," pang-aasar ni Kirk.
"Tse! Mind your own business," aniya sabay irap.
Hindi naman apektado si Kirk dahil lumipat pa siya sa tabi ni Bailey at inakbayan ito na ikinasinghap ng huli. "Para hindi ka maging third wheel sasama din ako. Ano, okay ba?"
Napansin ko ang pamumula ng mukha ng kaibigan ko pero idinaan niya iyon sa pagtataray. "Sinong nagsabi na gusto kitang ka-date?"
"Whoa! Sinong nagsabi na date iyon? Wow, Bailey, napaka-assuming mo!"
Namula ng husto ang mukha ni Bailey. Inis na siniko niya si Kirk. "Bwisit!"
Tawa kami ng tawa sa kanila. Ang date sana namin ni Vash ay naging group date dahil sumama ang mga kaibigan namin. But it didn't diminish my excitement. Lagi naman akong sabik na makasama siya.
We decided to go for a scary movie. Medyo matatakutin ako kaya bawat eksenang nakakagulat ay sabay pa kaming napapatili ni Bailey. Madalas ay itinatago ko ang mukha sa likod ni Vash habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.
"Paano mo mae-enjoy yung movie kung hindi mo papanoorin?" natatawang tanong niya sa akin.
I pouted. "Sobra naman kasi! Nakakatakot talaga siya."
He chuckled. "Hug na lang kita," malambing na saad niya.
Namumula ang mukha na nagpayakap naman ako sa kanya. He put his arm around me. ibinabaon ko na lang ang mukha sa dibdib niya sa tuwing may nakakagulat.
"Bailey, tingnan mo sila o. Offer ko rin yung arms ko sa'yo," Kirk said teasingly.
"Gago! Sa'yo na arms mo. Pipikit na lang ako!"
"Babae ka ba talaga?"
Nagkatinginan kami ni Vash at sabay na natawa.
Nagtaka ako ng biglang umingay ang mga kaklase ko. Bahagyang kunot ang noo na sinundan ko ng tingin ang dahilan ng pagkakagulo ng mga babae. Napangiti ako at napailing ng makita si Vash na naghihintay sa akin sa labas ng classroom.
Mabilis akong tumayo at nilapitan siya. Kaagad naman niyang inabot ang kamay ko. "Wala ka ng class?"
He nodded. "Wala yung Physics teacher namin." He scratched his forehead. "Louee, is it okay if I go with the guys? Punta kami sa bahay nina Kirk. Laro lang kami."
BINABASA MO ANG
The Magnetic: Loving The Womanizer
RomantikRyker Vash Villarioz's story. "Do you regret it?" "What?" "I don't know." Her voice shook. "Everything" He was quiet for a long moment. Heat flooded her cheeks. She opened her mouth to tell him to forget she asked, but finally he said, "Just becaus...