Begin Again
"Stop laughing, please."
"Sorry ha, di lang ako maka-get over sa nangyari."
I'm still with Jianna pero nasa labas na kami ng cafe. Finally, nakalayo na rin ako sa batang yun. That kid- Realyn Torres. It was really unexpected meeting. I tried to handle it professionally, pero nung lumapit sya sa table namin "to personally say hi" Honestly, nataranta ako. I don't know what to do. Bakit masyadong agressive ang mga bata ngayon.
"You handled it accordingly naman eh, very daddy." nang-aasar parin sya. Napailing nalang ako sa walang tigil nyang pang-aasar "Pero infairness, she's beautiful." yeah, actually she looks like Elle. Mula unang beses ko sya nakita, hanggang sa kanina, laging si Elle ang nakikita ko sa kanya.
"She's also young," sagot ko nalang sa pang tutukso ni Jianna. "Super young." napailing nalang ako at pinagbuksan ko sya ng pinto ng sasakyan.
******
"are you okay?" natigilan ako nang makita ko na nakatingin si Josh. "You're not listening." sabi nito.
"I'm sorry." he looks disappointed, pero hinawakan nya parin yung kamay ko. "Is there anything bothering you?"
Umiling ako, "Wala, I'm just tired. I'm sorry," sagot ko sa kanya "ano nga sinasabi mo kanina." Alam ko na hindi sya convince sa sinabi ko.
"What's the problem?" tanong nya.
We've been together for three years. He was my boyfriend after Jake. Sobrang galit ako sa mundo when he met me. Ayaw ko ng kaibigan, ayaw ko ng kausap, but he pursued me anyway. He has been so patient with me from the start.
He holds my wrist, at hinawakan ang peklat na andun. Lagi nya itong hinahawakan. Hindi ko alam kung anong meron but this time I felt something different, "You know I'm always here for you, Rachelle;" Naramdaman ko yung sinabi nya. Instead of kissing my hand, he kissed the scar on my wrist. Lagi nya itong ginagawa simula ng malaman nya ang kwento behind that scar. Whenever he tries to comfort me and whenever he tells me he loves the whole me.
Jake is a good catch. Sya yung Mr. Dream guy ng maraming babae. Gwapo, responsible, and sweet. Minsan, parang hindi na totoo. But in three years na relationship namin, wala syang ibang pinakita sa akin kundi pagmamahal.
"Ate!" napalingon kami pareho sa pagdating ni Realyn. Parang excited at masayang-masaya ito. "Alam mo ba ate, buti nauna ako dito, kasi nakita ko yung future husband ko eh."
Parang bula na nag disappear yung pinaguusapan namin ni Josh. Sa excitement ni Realyn, nakakahiyang sabihan sya ng "Mamaya nalang.."
"Mukhang uunahan mo pa kami eh," pabiro ni Josh. Sya na ang unang bumawa. Josh loves my family, minsan mas naiintindihan nya pa si Realyn kesa sa akin. "Sino ba yan?"
"Ate, remember the Doctor from Mindoro? I met him here, andito sya." masayang kwento nito.
"And he's with his girlfriend." agad na sabi ng Mitch. Natigilan ako sa sinabi ng bestfriend ng kapatid ko. So di nga sya namamalik mata, tama nga na si Jake at ang isang babae ang nakita nyang nagtatawanan at sweet na sweet bago sumakay ng sasakyan. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot na di ko mapaliwanag.
Four days na simula nang unang beses kami nagkita ni Jake matapos namin maghiwalay. Noong una wala lang, naisip ko na hindi talaga meant to be. Pero bakit malungkot ako. Nakakaramdam ako na may kulang sa akin. HIndi ko mapaliwanag. Alam ko nahahalata na ni Josh.
"Hay naku ate, ang KJ mo talaga. Ang saya ng kwento ko tapos ikaw dyan parang binagsakan ka ng mundo." sabi ni Realyn. Nasa table na kami at hinihintay ang orders namin. Napatingin ako kay Josh na matamang tumingin din sa akin. Hindi manhid si Josh, alam kong alam nya na may bumabagabag sa akin. Pero paano ko sasabihin na dahil iyon kay... natigilan ako, parang ayaw tanggapin ng isip ko ang katotohanan.
"Napagod lang ako. Alam mo naman busy kami lalo na at malapit na kami umalis." sabi ko nalang. Hinawakan ni Josh ang kamay ko to assure me na naiintindihan nya. Napangiti ako sa kanya.
"Pupunta ka nga pala ng Palawan no?" tanong ni Realyn. "Hindi ba pwedeng sumama?"
"Hay naku, kahit pwede, hindi kita isasama." mabilis na sagot ko. "Trabaho pinunta ko dun, hindi bakasyon."
"'di bale, isasama ka namin pagbalik dun." si Josh naman ang sumagot na ikina-excite nanaman ni Realyn.
"AY sige kuya Josh, sana kami na ni Doc Jake nun para foursome tayo."
"Anong foursome ka dyan?" agad na sagot ko. "Ayusin mo nga yang sinasabi mo, di maganda pakinggan."
"Ito naman, nagpapaka-manang ka nanaman. Joke lang yun. Ayaw ko lang naman maging third wheel sa inyo."
"Matanda na yung Jake na yun, hindi kayo bagay. Magmumukha ka lang nyang pamangkin." naiinis na sabi ko. Tumawa lang si Josh sa tabi ko.
"No ate, he looks young kaya. Hindi mo mahahalata ang age gap namin." sagot nya na may kasamang pagpapa-cute. Parang gusto ko syang kurutin. Tumahimik nalang ako dahil malapit na akong mapikon.
"Tigilan mo na ate mo," kalmadong pag awat ni Josh. "Babe, bibili pa tayo ng supplies mo for Palawan diba?" paalala ni JOsh. Alam ko way nya rin ito to divert ng topic dahil baka patulan ko na talaga itong kapatid ko.
"Yes, buti pinaalala mo."
Palawan, I'm going back to Palawan. I know it's for work pero di mawala sa isip ko na maalala ang Palawan sa paraan paano sya naalala ng puso ko. Lalo pa at babalik ako sa lugar kung saan mismo nagsimula. Sa EL Nido.
-----------------
Hey guys! I'm trying to finish this story. please bear with me. Stay safe everyone. God bless.
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...