PROGRESSION
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko kagabi pa ako excited para sa Island hopping na ito. Pero kanina ng malaman ko na si Jake pala ang kasama parang nabawasan ang excitement ko. Pero gusto ko parin sumama, minsan lang ako makaramdam ng ganitong freedom.
Kanina habang nagpapaliwanag si Tito Jerry kay Mommy, nakaramdam na ako ng kaba. Alam ko na hindi buo ang desisyon ni Mommy na payagan ako lalo na at hindi ito alam ni Daddy. Kahit pa sabihin ni Tito na sya ang tatawag, alam namin na hindi parin ito papayag.
Pero gusto ko talaga sumama. Ito kasi yung mga hindi ko nararanasan kapag kasama si Daddy. Kaya nga noong nalaman ko na kasama si Jake at kahit naiinis ako na kasama sya, mas pinili ko nalang manahimik. Pero hindi ko maikakaila na talagang nagulat ako na isa sya na nagkumbinsi kay Mommy na isama ako.
Nakakainis lang talaga yung part na "..parang girlfriend ko."
"Elle, ayos ka lang ba?" tanong ni Tito Jerry. Tumango ako at ngumiti.
Walang anak sila Tito Jerry at Tita Malou pero tingin ko, magiging cool na parents sila someday. Cool din naman si Mommy eh, si Dad lang talaga ang may problema.
Hindi nagtagal narating namin ang Bayan. Matapos maipark ang sasakyan ay bumaba kami. "Lalakarin pa natin papasok sa street na yan, hindi kasi kasya ang sasakyan eh."
HUmawak ako sa dalawang strap ng backpack ko at sumunod kay Tito. Nilingon ko saglit si Jake dahil naiwan pa syang nagsasalamin sa binatana ng sasakyan. Nagaayos ng buhok. Lihim na napailing nalang ako, feeling gwapo talaga. Pero gwapo rin naman talaga, mayabang lang.
Naramdaman kong sumunod sya sa amin. Buti nalang hindi nya ako masyadong pinapansin. Kung kasama ko sya, fine. Pero hindi naman siguro namin kailangan maging super friends eh.
Dumating kami sa venue, masikip ang place kasi marami talagang tao. Mostly alam ko na nasa kaedaran ko lang. Parang naging sentro kami ng attention nila, nakaramdam ako ng kaba. Pakiramdam ko first day sa school. Nakaramdam ako ng kaba. Napatingin ako kay Jake, mukhang komportable itong pinagtitinginan.
"Jerry!" may lumapit sa aming lalaki. Mukhang nasa late 20s na ang edad nito. "Kanina pa kita hinihintya. SIla na ba yung ire-register mo?" tanong nito.
Umakbay sa amin pareho si Tito Jerry, "Sila nga. Ipagkakatiwala ko muna sayo ang dalawang ito ha. Mababait ito and please, make sure na mag-ienjoy sila."
"Sigurado naman yan,"nakangiting sabi nito. "Ako si Kuya Jeff, coordinator ako ng event ne ito. Here, i-fill up nyo muna ito." inabutan nya kami ni Jake ng ballpen at ng form. Sakto may bakanteng maliit na table sa malapit doon kami.
"Ang daming tao no?" sabi ni Jake. "Exciting talaga ito." hindi ako umimik. HIndi kasi ako ganoon ka-agree sa sinabi nya. Paano ba naman ako mai-excite lalo na kung may iisang grupo ng babae na kung tingnan ako eh parang gusto nila akong maglaho.
Nang matapos kami sa form, lumapit si Tito at si Kuya Jeff. "SO iiwan ko na kayo dito. Susunduin ko kayo mamayang hapon. Okay?" tumango kami pero kinakabahan parin ako. Lagi ko itong nararamdaman sa gitna maraming tao. Para akong pre-school student na ayaw magpaiwan sa School.
"Jake, ika wna bahala kay Elle, okay?"
"Yes Tito, ako bahala kay Elle." aba, umakbay pa ang mokong. PEro hindi ko na pinansin. Dahan dahan ko nalang na tinanggal ang pagkakaakbay nya.
Umalis na si Tito Jerry at mas lalo akong nakaramdam ng kaba habang si Jake parang feel na feel pa nya ang attention na binibigay ng nakapaligid sa amin.
"Hi!" napatingala ako dahil sa lumapit na babae sa amin. Isa ito sa mga babae na masama ang tingin sa akin kanina pa. Mas matangkad ito sa akin. Mahaba ang buhok. Masasabi kong maganda sya. "I'm Michelle," inoffer nya ang kanang kamay nya for a shake hands sa akin at tinanggap ko then si Jake ang sumunod.
Mahiyain ako. Hindi ako sanay sa maraming tao pero marunong akong kumilala ng kilos ng tao. YUng ngiti ni Michelle, alam kong she's flirting with Jake. "From Manila pala kayo, magpinsan ba kayo?" agad na tanong nito.
"Ah hindi," sagot ni Jake. "Magkaibigan yung Tito ko at yung parents nya." marami pang sinabi si Jake. Mga explanation na hindi talaga kami magpinsan. Nanahimik nalang ako, mukhang si Jake lang naman ang gusto nyang kausap eh.
Hindi nagtagal, dumating ang mga kaibigan ni Michelle. Para silang mean girls ang pinagkaiba lang ay hindi sila mukhang sosyal. Siguro dito sa probinsya, mukha na silang sosyal pero hindi nila naabot ang mga sosyal na mean girls na na-encounter ko sa buhay ko.
I hate this feeling. Pinaparamdam ng mga babaeng ito na invisible ako. SI Jake naman sobrnag nag-ienjoy. Ano nga ba kasi ang aasahan ko sa lalaking ito, eh hindi naman talaga kami friends.
"AHm, Jake gusto mo doon tayo? Para mamaya ka-grupo ka namin." this is it. Ito ang common denominator ng mga mean girls. GUsto nila mag-isa ka lang. It's a silent way to bully someone.
Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagsama ni Jake sa kanila. Siguro nga mas okay na mag-isa lang ako. Hindi naman siguro lahat ng andito tulad nila.
"Ah hindi, okay na ako dito." napatingala ako sa sinabi ni Jake. Syempre, nagulat ako eh. "Atsaka andito si Elle. Hindi kami pwedeng maghiwalay eh." umakbay ulit sya akin. This time hindi ko inalis ang kamay nya. HIndi ko alam kung bakit.
Nagtinginan ang mga kaibigan ni Michelle at si Michelle, napataas ang kilay nito. Alam kong hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Jake. Gusto kong tumawa dahil sa reaction nya.
"Okay." nakataas parin ang kilay na sabi nito. Bago tumalikod at naglakad palayo. SUmunod naman ang mga alipores nya.
Nang makalayo sila ramdam ko na parang nakahinga ng maluwag si Jake. Ibinaba na nito ang kamay na nasa balikat ko. Hindi nya ba gusto ang mga ganoong klase ng tao?
Maya-maya kinuha ni Kuya Jeff ang attention ng mga participants. Inaaya nya kami na magtipon-tipon sa para sa orientation. Tumayo kami ni Jake, nakakapagtaka na hindi nya ako inaasar at inaaway. ANg tahimik nya. HIndi nya ako iniwan pero hindi nya naman ako kinakausap.
Ganoon siguro kapag napipilitan lang sya na hindi ako iiwan.
------------
"Keep your mind of higher things not on the things on earth." Colossians 3:2
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...