IT'S OFFICIAL
Natanong nyo na ba yung sarili nyo kung anong mabuting bagay ang nagawa nyo sa buhay para iparanas sa inyo yung saya na hindi kayang ipaliwanag ng puso mo? Siguro nga masyado akong corny, pero kasi iyon yung pakiramdam ko eh. Lalo na ngayon.
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" nasa library kami ni Elle. Tinuturuan nya ako sa lesson namin sa Physics. Alam nyo naman na hindi talaga ako matalino kaya kailangan ko talaga ng tutor.
"Oo, nakikinig ako." bago ko binalik ang mga mata ko sa mga sinusulat nya. Naglecture na sya ulit. Magaling talaga si Elle. Mabait na, matalino pa. Ano pa ba ang hahanapin ng isang katulad ko?
"I love you Elle." nahihiyang tumingin sya sa akin at napatawa habang namumula ang mukha. Hindi parin sya sanay sa ganito. "I love you too.." nahihiyang sagot nya. Pulang pula na mukha nya. "Sagutin mo na nga lang ito.." sabay abot sa akin ng papel.
Ilang weeks ko ng girlfriend si Elle. Mas naging masaya kami ngayon. Para kaming nagkaroon ng sariling mundo. Yung kami lang talaga ang nakakaintindihan. Alam narin ng parents ko. Pero si Elle, medyo alangan pa sya ipaalam sa parents nya. Sabi ko nga ako na mismo magpapaalam, pero di pa raw sya ready. Nagaalangan din ako pero sinunod ko nalang ang gusto nya.
"Sa bahay ka raw mag lunch sa Saturday sabi ni Mommy." sabi ko sa kanya.
"Susubukan ko magpaalam kay Dad. Alam mo naman yun." sagot nito. Ngumiti nalang ako. Ito ang problem sa ganitong setup. Tama ang Daddy ko, medyo mahirap. Pero sige, unting tiis lang naman siguro ito.
--------
"I'm sorry." sabi ko kay Jake. Alam ko nagtatampo ito. Alam ko nagtatampo sya hindi lang dahil sa hindi natuloy yung lakad namin noong Saturday. Dapat kasi sasamahan ko sya bumili ng bagong polo pero di ako nakalabas dahil di ako pinayagan. Ganito din nangyari nakaraan noong hindi ako nakapunta sa bahay nila noong nag invite ang Mommy nya sa lunch.
"Kasi naman Elle, mas okay siguro kung sasabihin na natin sa parents mo."
HUminga ako ng malalim. Hindi ito ang unang beses na napagusapan namin ito. "Jake, hindi katulad ng parents mo ang parents ko. Si Mommy, alam ko matatanggap nya. But my Dad? Jake mas lalong paglalayuin nya tayo."
HIndi lang sermon ang kinakatakutan ko. Paano nalang kasi kung di nya ako payagan mag enroll sa School kung saan din si Jake mag aaral ng College. Ayaw ko malayo kay Jake. Kung mahirap ngayon, alam ko mas mahirap kapag pinaglayo kami.
"Jake, please." lambing ko sa kanya. "Kausapin mo na ako." Halos di kasi sya nagtext nung Saturday at Sunday kaya nagpaaga ako ng pasok sa School para makausap sya.
"Matatanggihan ba kita?" napangiti ako kay Jake at niyakap sya. Di na sya galit. Nakita ko na sya ulit na naka-smile. "Basta Elle," hinawakan nya yung kamay ko. "Habang di pa natin sasabihin, mag-ieffort muna ako para kapag humarap ako sa kanila, matatanggap na nila ako."
"Jake, you don't have to prove yourself to anyone." agad na sabi ko. "HIndi ko muna sinasabi sa parents ko kasi ayaw ko na paglayuin tayo, hindi dahil kinakahiya kita. I am so proud of you Jake. Remember last friday?" ngumiti sya.
Jake got the second to the highest score sa Physics exam namin. That's the reason bakit kami bibili ng Polo nya. Kasi sa sobrang tuwa ng Daddy nya binigyan sya ng pera. Sabi nya ibibili nalang daw nya ng bagong polo.
"I'm always here to support you."
Inakbayan nya ako. Nakangiti na sya. "Paano pa ako magtatampo nya. Sobra ng pambobola ang mga sinabi mo. Ginalingan mo magpakilig eh."
"Hindi bola yun ah, totoo yun."
Sana ganito nalang kami palagi. Yung masaya. Yung sabay namin aabutin yung mga pangarap namin. Yung kaming dalawa lang. Hanggang huli.
---------
"Wow! I'm so proud of you anak." nagaalangan akong ngumiti. Niloloko ba ako ni Mommy.
Andito kami sa School. Pinatawag kasi lahat ng parents namin para makita ang mga grades namin before Graduation. In two weeks, officially nang tapos ang highschool life ko.
"Kahit ganyan lang ang Grades ko?" tanong ko.
Inakbayan ako ni Daddy, "Jake, anak, alam mo kasi muntik ka ng sukuan ng Mommy eh. Akala nya ga-Graduate ka nalang ng Highschool na pasaway parin at tamad mag-aral."
"Eh kasi Mommy medyo mahina talaga ito eh." sabi ko turo-turo ang utak.
"Nako anak! Dyan ka nagkakamali." suway agad ni Mommy. "Walang taong bobo, hindi ka lang talag nagaaral ng mabuti dati." napangiti ako.
"Mr. Hernandez," napalingon ako sa bumati sa Daddy ko. Si Miss Padilla, yung adviser namin. "You must be proud of Jake." tumango ang Tatay ko na parang ako ang class valedictorian.
"Naku Mam, sobrang proud kami."
"Lahat ng faculty staff napansin ang pag excel ni Jake sa academics." nahihiya ako ng bahagya pero na-boost naman ang confidence ko. "And he wants to be a Doctor." nagulat ako. Mukhang pati parents ko. Ngumiti si Mam, "Maiwan ko muna kayo."
Napatingin sa akin si Mommy. Bahagya akong napayuko. Parang pakiramdam ko ang kapal-kapal ng mukha ko para mangarap maging isang Doctor.
"Naisip ko lang bigla yun, nabigla lang ako. Hindi ko naman kaya yun eh, atsaka ang mahal magaral nun." paliwanag ko.
"Anak wag mo isipin ang pera, hindi tayo kasing yaman ni Henry Sy pero kaya ka naming mapa-aral ng gusto mo. If you want to be a Doctor, go and be a Doctor." napangiti ako.
"Ang problema natin dyan anak eh yung takot mo sa Hospital." nakatinginan kaming tatlo bago tumawa. Nakalimutan ko na na ayaw ko ng Hospital. Pero hindi ko alam eh, yun ang unang pumasok sa isip ko noong pinasulat sa amin ni Miss Padilla kung sino kami Ten Years from now. Sinulat ko. Doctor Hernandez.
"Let's have dinner nalang to celebrate." sabi ni Dad.
"Okay lang po ba na isama si Elle?"
"Sure anak, nasaan na ba sya?" napatingin ako sa paligid ko pero hindi ko nakita si Elle. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Wala syang text. SInubukan ko i-text pero di nagri-reply.
Nauna na mag exam sila Elle. Three days ago lumabas naman ang final grades nila. HIndi si Elle ang Valedictorian, una, dahil hindi naman sya dito nag first year. Sya ang Top 3 namin. Sayang nga eh, sya dapat ang second pero mas lamang ng ilang points ang grade ng second.
Noong una akala ko malulungkot sya. Pero mukhang hindi naman. Parang wala ngang nangyari. Tangap nya naman daw eh.
Hanggang makarating kami sa Restaurant, hindi nagtitext si Elle. "Dad pwede po ba pahiram ng phone mo? Tawagan ko lang si Elle?" agad naman pinahiram ni Dad ang phone nya. After dalawang ring, may sumagot.
"Hello?"
"Elle?"
"Jake?"
Hindi ko nakilala agad ang boses nya eh. "Okay ka lang ba? Di ka kasi nagti-text eh kaya nakitawag nalang ako gamit phone ni Daddy."
"Sorry ha, may sakit kasi ako eh. Di kita ma-reply kasi wala akong load."
"Ah, ganun ba. I-invite ka sana namin kumain sa labas eh. Kasama ko sila Mommy."
"Next time nalang." mahahalata mo sa boses nya na may sakit sya.
"Sige, magpahinga ka nalang. I love you."
"Thank you." mahinang sagot nito. Napakunot ang noo ko. Thank you? Kailan pa naging sagot yun sa I love you? "Sige na, enjoy nalang sa family day. Ingat."
May problem ba? Yan ang unang pumasok sa isip ko matapos ang usapan namin ni Elle. Bumalik ako kela Dad, sakto may text ako na natanggap. Galing kay Elle.
"I love you, Jake."
-----------------------
My son, keep your father's command and do not forsake your mother's teaching. Proverbs 6:20
Note: Thank you sa mga nagbabasa pa. :)
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...