Maybe Not

4.1K 72 6
                                    

MAYBE NOT...


Parating palang ang Day 3 ng duty ko pero parang malapit na ako maubos. I still have seven days pero parang pinaparusahan ako sa dami ng patient na dumarating. Just an hour after kong puntahan yung minor patient ko na ka-apilyedo ni Elle, sunod-sunod ang dumating na patient, sa kasamaang palad, may vehicular accidents pa.

I hate trauma, malakas kasi makaubos ng oras eh lalo na kung may ibang waiting ka pa na patient tapos hindi naman sapat ang man power mo. Pag dating kasi sa Government Hospital- any government Hospital- malaki o district Hospital man, laging kulang sa man power dahil hindi ka naman pwede tumanggi sa pasyente.

"Doc, na-toxic tayo." sabi ni Gladys.

"Oonga eh." sabi ko habang naghuhugas ng kamay. Buti nalang humupa na ang pagdagsa ng pasyente. Napatingin ako sa orasan, it's already six in the morning. Napailing ako. Seven AM ang rounds ko sa ward at eight AM naman ang consultation ko, so no time for rest?

"Doc, tumawag si Bossing. Nakarating agad sa kanya na na-toxic tayo. Informed na raw po ang Admin na move na eight AM nalang ang rounds nyo sa ward, at yung OPD n nine AM." napangiti ako. Ito ang nagustuhan ko sa District Hospital na ito, kahit paano kasi they care for you.

"May hindi pa ba ako na-orderan?" sabi ko bago pumasok.

"Doc, pano si Torres, yung Alcohol Intoxication natin?" sabi ni Gladys habang inaabot yung chart sa akin. "On the way na raw po yung Ate nya eh,"

"Kayo nalang ang kumausap, anyway na report narin natin sa Pulis ang mukhang namang sila lang magkakaibigan ang uminom. Basta wag nyo papauwiin na hindi adult ang kasama pauwi para sure na safe sya."

Napatingin ako sa pasyente, nasa Aisle lang kasi ito dahil puno na ang mga wards. Andun parin ang mga kaibigan nya pero isang kaibigan lang ang naiwan sa tabi nya. Nakita kong umiiyak ito habang may kausap sa phone at nagso-sorry. Hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Ate dalhan mo ako ng pagkain ha, gutom na kasi ako eh." she's still a kid.

Bumalik ako sa quarters para may kunin bago saglit na bumalik sa nurse's station. "Mam Gladys, order ka ng breakfast nyo, isama mo na yung makulit nating pasyente." kunot noo sya na lumapit habang tinatnggap yung inaabot ko sa kanila.

"Sino Doc,"

"Yang Alcohol Intoxication mo. Mukhang mamamatay na sa gutom eh." biro ko.

"Wow, ang sweet ni Doc. Di ko alam na mahilig ka pala sa bata Doc." natawa ako sa sinabi nya.

"May naalala lang ako sa kanya." saglit na sabi ko. "Sige na, matutulog na ako. One hour lang binigay sa akin."

----------------------------------

Napatingin ako agad sa pangalan ng isang District Hospital kung saan ako ibinaba ng isnag tricycle. "Manong bayad po."

May tumawag sa amin kagabi at sinasabi na na-Hospital ang kapatid ko dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman- maiinis sa kapatid ko o mag-aalala sa kanya. Pero in-assure naman ng kausap ko na stable ito at nakausap ko narin kanina.

Hindi alam ng parents namin na andito ako sa Mindoro, nag sickleave nalang nga ako para mapuntahan ko ang kapatid ko. Wala naman kasing ibang tutulong sa akin.

Pumasok ako sa Hospital, nakita ko ang guard na nakatingin sa akin, alam kong haharangin ako nito kung saan ang punta ko. BUmati sya sa akin at sinabi ko ang kailangan ko, tinuro nya naman ako ng maayos kung saan ang Nurses's Station. Hindi naman malaki ang Hospital kaya hindi ako naligaw.

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon