O Forever, Where Art Thou?

50.9K 634 38
                                    

O FOREVER, WHERE ART THOU




JAKE

"Proven na! Walang forever." napangiti ako sa sinabi ng isang studyante. The way she talks, parang alam na alam nya ang sinasabi nya. "Kung may forever bakit iniwan ka ng boyfriend mo? Bakit nakipag break sayo girlfriend mo." walang nagsalita. "Kung may forever, bakit hindi mo kasama ang mahal mo." and the room was silent pero hindi nagtagal:

"Wow! Hashtag Whogoat." SIgaw ng isang studyante na naging dahilan na nagtawanan ang lahat. Whogoat na ang tawag nila sa mga malalim na lingwahe ng pag-ibig. Ibang-iba noong nasa edad nila ako.

I am now standing infront of a nursing students. Guest lecturer ako ng mga studyanteng ito, hindi ko alam paano napunta ang usapan sa salitang forever. Napapailing nalang ako sa mga sagot ng mga batang ito.

Pero sa totoo lang, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng isang studyante. Kung may forever, bakit di mo kasama ang mahal mo? She has a point. Gaano ba kahaba ang forever? Gaano ba dapat katagal na hintayin ito. Gaano katagal ka pa daat kumapit sa isang pangako.

Isa na akong kilalang Doctor ngayon. Malayong-malayo na sa isang Jacob na ang apilyedo ay pasaway. Malayong-malayo na ako sa Jacob na walang pangarap. Pero bakit tuwing makikita ko ang layo na nang narating ng isang Jake, isa lang ang naalala ko. Yun ay ang mahabang panahon na naghintay ako sa pangakong may forever.


ELLE

Hands on the steering wheel habang naghihintay ako na umusad ang traffic. Ilang minuto na akong naghihintay na umusad ang mga sasakyan pero mukhang forever na ito. Mukhang tama nga sila, dito nalang may forever.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Tumanda nalang kasi ako, naging manager ang Rachelle na tulad ko ng isang malaking banko, natupad ang mga pangarap ko, nagkaaroon ng sariling sasakyan pero may traffic parin dito sa Manila. Lalo pa ngang lumalala sa paglipas ng panahon.

Pero dahil wala akong magawa, I took my phone from my bag. I checked some messages at nireply ito. Text messages ito from Carri, college friend ko na kakauwi lang from abroad. She's the reason why I am stuck in this traffic jam. Magkikita kasi kami.

Then I opened my Instagram and took a photo of cars in front of me bago ito i-post with a hashtag: Traffic. Then I opened my twitter account. Just like any other human, sa twitter ko sinisigaw ang lahat ng hinaing ko.

Sa traffic lang ang forever. #Traffic

Few seconds after I posted it. Marami na nag nag-retweet at nag-favorite ng post ko. Marami narin ang nag qoutes yung ibang malalapit kong kaibigan, katulad ng dati, bitter nanaman ako sa paningin nila. Yung iba naman, puro emojis lang ang laman. Alam kong ito ang mga sumuko na sa forever.

Hindi ko maiwasang maalala ang kabataan ko. I was just a young girl who believed in the magic of love. Naniwala ako na may forever. Umasa akong sa pangako nito. Pero ngayon, tumanda nalang ako, wala parin si forever. Napagod na ako maghintay.



-------------

"So Jacob worked seven years to pay for Rachel. But his love for her was so strong that it seemed to him but a few days." Genesis 29:20 


NOTE: Ang simula. Sa nakakaalam ng love story ni Jacob at Rachel sa bible, kinuha ko doon yung idea. Binigyan ko lang sila ng nicknames. Sana masuportahan nyo parin. I will try my best na mai-ayos itong kwento na 'to.


God bless!


Agentofsmile on facebook just click the external link. 


Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon