THE BEAUTY
"Wow." Ilang beses ko na yan nasabi ngayong araw. Sa sobrang ganda kasi ng mga Island na napuputanhan namin, yung ibang Island hindi lang maganda, talagang amazing pa.
May Island kami na pinuntahan na nakatago sa loob. HIndi mo aakalain na sa likod ng mga bato ay may nakatagong magandang dagat pa. Hindi naman ito kalakihan, pero talagang nakakamangha ang ganda nito.
"Grabe! Ang ganda" sabi ko habang nakaupo kami ni Elle sa pangpang ng dagat. AT hindi lang sya basta pangpang, isa din itong nakatagong dagat. Lalangoyin mo ang malalim na dagat, makikilala mo ang maraming Nemo at yung iba't ibang kulay pa ng mga isda. Sa linaw ng dagat makikita mo yung pinakailalim na bato. Tapos papasok ka sa maliit na kweba at doon pala nakatago ang dagat na ito.
"Kanina mo pa yan sinasabi ah," sabi ni Elle sabi nito habang tinatakpan nito ang sariling paa gamit ang puting buhangin.
"Ang ganda kasi talaga. HIndi ko akalain na ganito ito kaganda." ngumiti at umiling nalang si Elle. "Bakit ikaw? hindi ka ba nag-i-enjoy?"
"Nag-i-enjoy ako no. Sobrang enjoy. First time ko ito na sobrang daming Island pa ang napuntahan natin. Plus sobra pa akong nag-enjoy sa mga games kanina."
Natawa ako sa sinabi nya, "Nag-enjoy ka na sa lagay na yun? Parang nahihiya ka pa nga eh." Ngumiti lang ito. Mukhang hindi talaga sanay ito sa maraming tao. Lalo na madalas syang pagtinginan dahil siguro maganda sya at may kasama syang gwapong tulad ko.
"Jake! Elle, aalis na raw tayo." sabay kaming napalingon ni Elle. Hindi kami masyadong tumatagal sa bawat Island na napupuntahan namin. Nakakabitin pero kapag nakapunta ka nanaman sa ibang Island, mag-ienjoy ka nanaman.
Nasa bangka na kami. Tahimik lang habang tinatahak namin ang kasunod na Isla. Nakatingin lang ako sa paligid, ang ganda talaga ng kulay asul na dagat, sobrang linis nito. Nakakagaan sa pakiramdam lalo na yung hangin na nagtutuyo sa basa kong katawan.
Napalingon ako sa kaliwa ko. Natigilan ako. Kanina pa ako nakakakita ng magagandang tanawin, pero ito lang ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko- si Elle.
Tinatali nito ang buhok pataas habang nasa bibig naman nito ang itim na pangtali nito sa buhok. Gamit nito ang kamay sa pagsuklay ng basang buhok nya. Simple lang naman diba ang ayos nya? Pero bakit nakaramdam ako ng ganito?
"Okay ka lang?"
"Ha?" yan lang nasagot ko kay Elle. Napakunot tuloy ang noo nya. "Naantok lang ako." yan nalang sinabi ko bago umayos ng upo at ibinaling ang atensyon sa iba. Lihim nalang akong napailing sa sarili ko. Ano ba kasi yun?
...
Nasa Bayan na kami. Uwian na kaya halos lahat sa amin nakabihis na, ang iba naghihintay ng susundo o siguro ayaw lang nila umuwi. Nasa tapat pa ako ng dagat, dito dumaong ang mga bangka. Payapa ang dagat, at kitang kita mo ang magandang sunset at ang ganda tingnan ng silhouette ng mga bangka. Napatingin ako sa likod ko, hiwa-hiwalay kaming lahat, ung iba katulad ko na nakaupo sa buhanginan, yung iilan naman nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Ako nag-iisa. Hindi pa siguro tapos magbihis si Jake.
Bumaling ako sa bandang kaliwa ko, naririnig ko kasi ang malalakas na tawanan na galing doon at nakita ko si Jake kasama ang grupo nina Michelle, nagtatawanan sila. Tapos na pala magbihis si Jake. BInalik ko agad ang tingin ko sa magandang dagat, di ko kasi maintindihan ung nararamdaman ko.
Kanina nararamdaman ko na bumibilis nag tibok ng puso ko kapag nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. HIndi ko nga mapaliwanag yung pakiramdam na yun tapos ngayon madadagdagan dahil mabilis nga ang tibok ng puso ko pero parang naninikip ito. Muli kong binalik ang tingin ko sa kanila, hindi! hindi ako nagseselos! sigaw ko sa isip!
Pinikit ko ang mata ko at pilit na inalis ang hindi magandang idea na biglang pumasok sa isip ko. Inalala ko si Daddy, inaalala ko ang pag-aaral ko, inaalala ko ang lahat ng bagay na pwedeng bumura sa isip ko ng mga hindi kaaya-ayang pakiramdam.
Habang tumatkbo sa isip ko ang imahe ng Daddy ko na naggalit, habang inaalala ko na malayo na ako sa mga kaibigan ko, habang inaalala ko na kailangan ko nanaman makisama sa panibagong mundo ko--- "Ay nagseselos ko!" halos pasigaw na sabi ko ng maramdaman ko na may tumawag sa akin na malakas at naitulak pa ako. SI Jake.
"Nagseselos?" kunot noong tanong ni Jake. Nanlaki ang mata ko. Bakit yun ang naalala ko. "Ahm, bakit ka ba nanggugulat?" yan nalang ang nasabi ko pero bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa hiya.
"Sorry! Tatlong beses na kitang tinawag eh, di ka sumasagot, nakapikit ka lang kaya ayan.." hindi na ako sumagot, nahihiya parin ako sa sinabi ko- kahit ako nabigla eh. "Teka, kanino ka nagseselos?"
"Wala, ah may naalala lang ako." mas lalong napakunot ito. Sana naman di na sya magtanong pa. "Ano naman naalala mo?" tanong nito. Kakasabi lang na sana di na magtatanong eh.
"HIndi ko alam na chismoso ka pala." pataray na sagot ko. Hindi ko na kasi alam paano lusutan ito eh. HIndi sya umimik. Parang bigla akong nahiya, ang mean ko eh. Pero nagulat ako ng tumabi sya sa akin, "Pasensya ka na ha iniwan kita dito." napatingin ako sa kanya. HIndi ko alam sasabihin ko. Hindi na sya umimik, seryoso na syang tumingin sa malawak na dagat.
Hindi ko alam ang isasagot ko pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala akong masabi kaya katulad nya tahimik narin akong tumingin sa dagat. Pero maya-maya bigla syang nagsalita, "Niyayaya ako nila Michelle na umakyat ng Taraw, un daw pinakamataas na cliff dito sa El Nido, sasama ka ba?"
Napalunok muna ako, si Michelle niyaya sya. Parang ayaw ko yung idea. "Ahm, ikaw lang naman ang in-invite eh, at..." huminga ako ng malalim, "Hindi ako papayagan for sure,"
"di bale, kapag marami na akong pera, babalik ako dito. Tapos lilibutin ko ang buong Palawan. Aakyatin ko rin yang Taraw na yan." tumingin ako sa kanya bago nagsalita, "Pwede ka naman na umakyat ngayon eh, sumama ka kela Michelle."
Umiling ito. "Ayaw ko sila kasama unless sasama ka." hindi ako agad nakaimik. "Pero alam mo marami pa ata tayong hindi nakikita sa Nacpan eh, doon nalang tayo mamasyal." bigla syang natigilan na parang nag aalangan na magsalita, "Ahm, yun ay kung gusto mo na mamasyal tayo."
"Oo naman, ahm friends na tayo diba?" napangiti sya agad sa sinabi ko. "Atsaka Jake, gusto ko magsorry doon sa nangyari sa cellphone ko," medyo nahihiya pa ako. "Wala na yun, kalimutan mo na yun. Basta friends na tayo."
Ito na nga siguro yung bagong simula namin ni Jake. Andyan parin naman yung kayabangan ni Jake pero hindi na doon nakatuon ang mata ko, marami palang bagay na maappreciate mo kay Jake.
-------------------
"Fill my heart with joy when their grain and new wine abound." Psalm 4:8
Note: I'm back! :D
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...