SOME THINGS ARE MEANT TO BE...
"Goodmorning! Sorry I'm late. May toxic ako sa ER eh." bati ko sa kapwa ko ring Doc na sina Doctor Dantes at Doctor Andres. Sila ang mga pioneering Doctors ng District Hospital na ito. Si Doctor Dantes ang Chief of Hospital.
"It's okay," nakangiting sabi ni Doctor Dantes, "Take your seat."
Monthly ang meeting namin na nasa Medical Services, tatlo lang kaming Doctor at ako ang pinakabata sa kanila kaya sobra ang respeto ko sa dalawang ito.
"Tuloy ka ba sa residency mo?" tanong ni Doctor Andres.
"Yes! Doc!" malungkot na sabi ko. Alam ko naman na another step nanaman ang Residency para sa aming mga Doctor pero mahirap iiwan ang moonlight lalo na kapag napamahal ka na sa mga kasama mong trabaho.
"Good for you," sabi nila. Pareho nila akong sinuportahan nung magdecide ako na mag residency. Last year pa sana ito kayalang hindi pa masyadong buo ang loob ko para iiwan ang moonlight pero silang dalawa ang nag-encourage sa akin to push.
"Nakahanap ka na ba ng papalit sayo?" tanong ni Dr. Dantes sa akin.
"Yes Doc, batchmate ko 'to and I can assure you na magaling ito at masipag."
"Good."
"So tuloy ka rin ba sa one month vacation mo?" napangiti ako. "Yes Doc, mag-i-exam din kasi ako."
"Kelan ang exam mo?"
"Second week Doc"
"May schedule ka ba sa ibang Hospital after exam?"
"Wala po Doc, rest mode muna ako."
LUmapit sa akin si Dr. Dantes, "Okay lang ba na humiling ako sayo bago mo kami iiwan?"
"Anything Doc, basta kaya ko."
"Kahapon kasi nagpadala ng memo ang DOH at may updates sila kaya kailangan ako doon ng third week next month. Si Doc Andres naman ang maiiwan at yung nakuha mo na kapalit. Ang problema ko, nakapag-oo ako sa isang company na sasama ako sa medical mission nila. Malapit kasing kaibigan ko ang CEO nila, okay lang ba na ikaw muna ang sumama?"
"Saan yan Doc?"
"Sa Palawan."
"Palawan?" gulat na tanong ko.
"Yes, atleast nasa vacation ka parin kasi sa Northern part ng Palawan ang pupuntahan." northern Palawan? So ibig sabihin kasama doon ang El Nido.
"Sige Doc," gagawin ko ito para kay Doc Dantes. Minsan lang ito humiling samantalang ako madalas nya akong pinagbibigyan.
Natapos ang Ten days duty ko sa Mindoro kaya bumalik din ako agad sa Manila, in few days kasi tatapusin ko ang remaining duty ko sa Villafuerte Medical Hospital. Residente ako dito, dito rin ako naging Nurse for almost one year bago ako nag Med School.
Benign ang duty so nagbasa lang ako para sa preparation ko sa examination ko next month. May in-admit akong patient na dalawa after bago yun benign nanaman. Wala na ako sa mood magbasa kaya naisip ko nalang mag scan ng facebook. Bihira lang ako mag facebook, wala nga masyadong nakalagay sa feed ko eh.
Napangiti ako ng makita ko ang isang post ng dating highschool classmate ko. Si Irene at Macoy. Sinong mag-aakala na magiging sila? Si Macoy yung hindi mapapansin nung highschool kami, nasa isang sulok lang kasi siya nagdu-drawing ng mga anime. Nagkakagulo na ang lahat pero sya hindi mo ma-isturbo sa ginagawa. Si Irene naman, isa sa mga maiingay na babae sa klase.
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...