DOCTOR STRANGE
"Doc, pwede nyo na po ba ako pauwiin?"
"Papauwiin kita kung mangangako ka na iinumin mo ang gamot mo sa bahay at titiyakin mo na iinom ka ng isa hanggang dalawang baso ng tubig sa isang araw." sabi ko sa batang lalaki na nakahiga ngayon sa ER bed.
"Yan kasi ang tamad uminom," sabi namang ng batang babae na kaedaran nya rin. "Pero wag ka mag-alala Doc, ako po magpapaalala sa kanya." hindi ko mapigilang mapangiti sa kanilang dalawa.
Few minutes ago, dumating sya sa Emergency Room na mataas ang lagnat. May kasama syang isang babae na mukhang Nanay nya at isang babae na kaedad nya, akala ko kapatid nya pero sabi ng Nanay nya, bestfriend daw ito ng anak nya. Umiiyak ito kanina, mukhang napilitan lang magpadala dito sa Hospital, takot daw kasi ito sa Hospital.
"Doc, hindi ka ba na-badtrip sa pagiging pabebe ng lalaki?" sabi ni Anna. Nasa table na ako ngayon at gumagawa ng prescription para sa pasyente ko. "Napapansin mo na parang gusto lang magpaalaga nung lalaki sa bestfriend nya."
Binalik ko ang tingin ko sa pasyente ko na pinapainom ng tubig ng bestfriend nya. Pasimple silang nagkukulitan. "Mukha namang takot talaga sya dito sa Hospital. Besides, hindi lang sya ang kilala kong ganyan." nakangiting sabi ko sa kanya.
It's true na minsan nakakainis magkaroon ng pasyente na katulad ng sinasabi ni Anna- yung mga pabebe. Yung gusto lang magpapansin sa girlfriend o sa kung sino kaya nagpadala sa Hospital. Pero sa nakita ko kasi sa batang lalaking ito, alam ko takot talaga sya.
Pinaliwanag ko sa pasyente at sa Nanay nya kung paano tatapusin ang gamutan at ano ang mga dapat iwasan na pagkain. May Urinary Tract Infection ito at hindi naman ito madalas sa lalaki, kaya pinaalalahanan ko agad ito ng mga dapat gawin.
"Kaya kung ayaw mo bumalik sa Hospital, iinumin mo gamot mo sa bahay at iiawasan ang mga bawal sayo." nakangiting paliwanag ko.
"Babantayan talaga kita." sabi pa ng batang babae. "Salamat po Doc," Napangiti nalang ako at tumango bago umalis.
Siguro kaya hindi ako nainis sa batang yun kasi minsan sa buhay ko, naging katulad nya ako and once in my life, katulad nya may isang kaibigan din ako na nasa tabi ko na nagpapalakas ng loob ko.
Napahugot nalang ako ng malalim na paghinga nang bumalik sa alaala ko ang isang magandang alaala na natapos nalang bigla.
I am a Doctor now. This is how far I become, and yet the memories of her is crystal clear in my mind- her eyes, her smile, her voice, the way she laugh; all of her. I didn't know that's its possible to remember someone vividly, like it was yesterday.
"Doc, okay ka lang?" si Anna.
Tumango ako, "Oo naman, medyo pagod lang."
In more than one year na pagtatrabaho ko dito sa Mindoro, naging malapit na ako sa mga personnel dito lalo na sa nurses dahil sila ang madalas na nakakatrabaho ko at bago ako naging Doctor, naging Nurse muna ako. Naisip ko kasi na baka yun ang madaling pre-med course ko, pero mali ako, mahirap din pala, pero mas nagagamit ko naman sya ngayon.
"Baguhin mo na kasi lifestyle mo Doc, bawas-bawas din ng workload." ito ang madalas nilang ala-ala sa akin. "Bakit? Ayaw nyo na ba ako dito?" sagot ko.
"Hindi naman Doc. Sa sipag mong yan tatanggihan ka pa namin." sabi nito. "The point is- have a life Doc. Hindi lang Hospital, pasyente pwedeng umikot ang mundo mo. Pwede rin sa iba katulad ng--" ngumiti ito. Sa klase ng ngiti nito alam ko na ang kasunod. ".. pwede din sa lovelife."
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...