BEAUTY AND MADNESS
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto nang ma-realized ko na tanghali na pala. Nagbabakasakali ako na maabutan ko si Tito dahil sasama ako sa kanya sa Hospital katulad ng napagusapan.
Bigla ko tuloy naalala si Tita Malou na kinausap ako ng saglit kagabi bago umuwi. Sa pagaalala ko kay Jake nakalimutan kong bantayan ang kilos ko kaya hindi ko manlang napansin na pati sa Tita ay nagugulat sa kilos ko kaya isang tanong ang binitawan ni Tita: Kayo ba ni Jake?
Nagulat ako syempre dahil hindi naman kami. PEro ganoon pala talaga no, kapag napalapit ka sa isang lalaki ang uang papasok sa isip ng ibang tao ay may relasyon kayo. Pinaliwanag ko kay Tita kung anong meron kami ni Jake. Sinabi ko na magkaibigan lang kami at nagaalala lang ako. Hindi ko pinaramdam na may isang pakiramdam sa puso ko na di ko maliwanag.
Ah Basta, minsan lang maging matigas ang ulo ko.
Pagkalipat ko sa bahay nila Tita nakita ko kaagad si Mommy, may kausap sa phone. Magtatanong sana ako kayalang mukhang seryoso pero natigilan ako ng biglang narinig ko na binanggit ni Mommy ang pangalan ni Daddy. Napalingon ako kay Mommy, napatingin naman sya sa akin at nakuha ko agad ang mensahe nya sa tingin palang.
"Oo, uuwi na kami dyan bukas." nakatingin lang ako kay Mommy. Sa saturday pa uwi namin pero ngayon nagbago na, bukas na kami agad uuwi.
Tahimik lang akong nakatingin sa pagkain sa table. Wala sa isip ko ang pagkain, ang alam ko lang uuwi na kami at hindi ko gusto ang katotohanan na iyon. Naisip ko si Jake kahit di ko alam bakit kailangan nyang pumasok sa isip ko kapag ganito. Dati naman kapag kailangan namin umalis sa lugar kung saan naging masaya na ako, sarili ko lang naman ang naiisip ko. Kung paano nanaman ako makikipagkaibigan, kung anong pagbubully nanaman ang pwede kong harapin. Anong achievement nanaman ang goal ng Tatay ko para sa akin- lahat puro sa sarili ko lang. Pero ngayon bakit may Jake na.
"Okay ka lang?" napatingala ako, si Tito andito pa. "Hindi na kita pinagising, lalabas narin si Jake eh, maya-maya susunduin ko nalang sila." tumango nalang ako. "Bakit mukhang malungkot ko?" tanong ulit nito.
Umiling ako, "Wala po," matipid ko na sagot. Umupo ito sa harap ko at nilagyan nya ng pagkain ang plato ko. Napangiti ako. Isang bagay yan na hindi nagawa ng Daddy ko sa akin. "Alam mo ba na masaya ako sa kung ano kayo ni Jake ngayon?" napatingala ako sa kanya, "Po?" yan lang nasagot ko.
Ngumiti ito. Halos pabulong ang pagsasalita, yung ngiti nya parang alam nyang kailangan namin ilihim ito kay Mommy na sa hindi kalayuan. "Dumaan din ako sa ganyan kaya naiintindihan ko. Alam ko naiintindihan din yan ni Tita Malou mo, nagulat lang yun."
"Ahm, magkaibigan lang po kami." lumapad ang ngiti nito. "Alam ko," sagot nito. "Pero alam mo kung saan ito pwedeng mauwi diba?" natahimik ako. Hindi naman ako ganoon ka-inosente para hindi makuha ang ibig sabihin nya eh.
Fifteen years old na ako pero si Jake ang kaunaunahang napalapit na lalaki sa akin. Kung iyon yung paliwanag sa feelings na hindi ko kayang maipaliwanag, hindi kaya maging komplikado ang lahat? Iyon din ba ang nararamdaman ni Jake. Kung pareho man kami ng nararamdaman? Ano na ang kasunod kung pareho naman kaming hindi magtatagal sa lugar na ito.
"Ang dami na sigurong tumatakbo sa isip mo na tanong ano?" sabi ni Tito. Napatingala ako ulit. "Sabi ko sayo eh, napagdaanan ko na yan kaya naiintindihan kita." lumapit sya sa akin na parang isang sekreto nanaman ang sasabihin, "Wag mong guluhin ang isip mo sa kung paano mangyayari ang lahat, abangan mo lang mga kasunod na mangyayari. MInsan magugulat ka, kahit yug bagay na di mo inaasahan mangyayari." sabi ito bago tumayo.
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...