You're mine, unofficially

5.4K 122 14
                                    

YOU'RE MINE, UNOFFICIALLY



Pagmulat ko ng mga mata ko napatingin ako agad sa orasan sa bedside table ko. Napangiti ako at "..ten, nine eight, seven, six five, four, three two, one!" at yun tumunog na ang alarm clock ko.

Sakto alas quatro ng umaga ako bumangon na ako nagsimula nang maligo dahil papasok ako sa School. Hindi ako ganito, believe me, magugulat ang lahat kapag nalaman nila na gumising ako ng napakaaga dahil lang may pasok. Pero dahil excited ako pumasok, nakaya ko magising ng ganito kaaga.

At ito pa ha, kagabi palang naihanda ko na yung uniform ko, simula sa brief, sando, socks, polo at pants naihanda ko na. Nalinisan ko narin ang sapatos ko. Kahit ako nagulat na kaya ko pa pala yun. Inaamin ko na talaga na malakas ang tama ko kay Elle.

4:45AM na nang matapos ako maligo. Sinigurado ko na na walang libag o ano mang ikakapangit ko sa loob ng forty five minutes. Hindi pwedeng ma-inlove si Elle sa ibang lalaki. Ako lang dapat.

Matapos ko magbihis, agad na kinuha ko ang cellphone ko at nag-text.

Goodmorning Elle! Can't wait to see you. Ingat.

HIndi maialis sa mukha ko ang ngiti. Excited talaga ako na makita si Elle kahait na maghapon kami magkasama kahapon. Sayang nga at hindi ko sya naihatid. Pinilit ko naman kayalang tumanggi talaga sya. Pero simula ng makauwi kami magkatext na kami. Pero maagang nag goodnight si Elle.

"Goodmorning!" bati ko sa parents ko. Si Mama nagtitimpla ng kape ni Papa, si Papa naman nagbabasa ng newspaper. Daily routine nila ito sa pagkakaalam ko pero ngayon ko lang nasaksihan ito dahil hindi naman ako nagigising ng ganito kaaga kaya siguro ganito nalang ang reaction ng Mama at Papa ko. Tulala. Parang nakakita ng multo.

"Jake anak?" si Mama ang unang nakabawi pero parang sa tanong nya eh parang hindi parin. "Ang aga mo ah?"

"Gusto ko lang Ma magbagong buhay eh, papasok na ako ng maaga." paliwanag ko habang nasa table. Si Papa napainom nalang ng kape pero nakatingin parin sa akin. "at hindi narin po siguro kailangan ng pagtransfer sa Palawan, para dito po talaga ako."

"Ano pong ulam ma?" nagkatinginan ang parents ko saglit bago ako pinaghanda ni Mama. Siguro kahit sa imagination nila hindi nila nakita na mangyayari ito kaya ganito nalang reaction nila. Soon pasasalamatan nyo si Elle.

Saktong 6AM ay nakaalis na ako sa bahay. Tintext ko agad si Elle kahit na hindi pa ito nagri-reply sa unang message ko.

Papunta na ako ng School. See you.

Saktong 6:30 nasa School na ako. Pagpasok ko sa gate nakatitig yung guard sa akin. "Hi Manong guard." bati ko sa kanya. "Ang aga ah, anong meron?" tanong nito.

"Excited lang talaga ako mag-aral." sabi ko habang patuloy na naglalakad. Narinig ko pa sya na nag sabi na: mukhang babae yan ah. HIndi ko nalang pinansin. Napangiti nalang ako dahil totoo.

Pagpasok ko sa classroom, andoon may illang classmate na ako na andoon. Ito yung mga matatalino sa klase namin noon pa. Si Vincent, halimaw sa Physics ito. Si Jenny, ito yung laging nasa Top 1. Nagbabasa sya ng Science book namin. Si Charmaine, ito naman ang magaling sa amin sa English subject. Si Ray, ito naman ang magaling sa amin sa Math. At alam nyo lahat sila may ginagawa. Kung hindi nagsusulat, nagbabasa ng libro. Pero pati sila nagulat sa pagpasok ko ng maaga.

Tahimik lang akong umupo sa upuan ko. Kinuha ko ang notebook ko para kunwari may ginagawa din. Pero wala pag sulat ang notebook ko malibas sa drawing na ginawa ko noong bored ako sa klase kahapon.

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon