CELLULAR
"Are you ejoying the food Jake?" tumango ako at nag thumbs up. Paano ba naman ako magsasalita kung puno pa ang bibig ko. Sobra kasing sarap ng mga seafoods na inorder ni Tito Jerry.
Natawa lang si Tito sa akin. "Favorite kasi talaga nya yung mga inorder mo eh kaya maganang kumain." sabi ni Tita Malou. Alam nya ang favorite ko dahil si Mama laging nagri-request ng hipon, crabs at minsan pati yung mga isda na maliliit.
"Akala ko mapili sa pagkain itong si Jake eh. Ang payat kasi." napatingin ako kay Tito. Hinihintay ko na sabihan ako na mukha akong butiki. Pero hindi nya yun sinabi.
Nasanay na ako sabihang butiki. Una naiinis ako kasi sa gwapo kung ito butiki lang ang pang-aasar nila sa akin? Naisip nila yun dahil matangkad ako at payat. Hindi ko rin alam bakit payat ako, magana naman ako kumain eh pero ito talaga ang katawan ko.
"Ganyan lang talaga ang built siguro ng katawan ng batang ito." lihim akong napatingin sa mag-asawa. Ramdam ko na masaya sila na kasama ako. Lalo na si Tito Jerry lagi nya nalang binabanggit ang salitang 'kahit anong gusto ko', never ko yun narinig kay Papa eh lalo na sa kainan. Kuripot kasi yun.
Matapos ko kumain, nagpaalam ako na sasaglit sa restroom. Matapos ang ilang minuto bumalik ako at mukhang nagmamadali na sina Tita. "JAke ito na gamit mo, we have to go na kasi may kailangan pang habuling meeting si Tito mo sa Taytay."
Taytay? Saan yun? Gusto ko sanang itanong yun kayalang sa pagmamadali nila tumango nalang ako at kinuha ang bag ko at sumunod sa kanila.
..
..
Nanlalamig ang kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakaabang kami ngayon sa building ng Guidance Counselor kung saan ako kumuha ng exam. Andito kami sa labas at naghihintay ng result ng exam.
Parang gusto kong maiyak sa takot hindi lang dahil sa exam kundi dahil sa katotohanan na nawawala ang cellphone ko. Napansin ko lang na wala ito bago magsimula ang examination. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang maalala ko na naiwan ko ito nung kumain kami. Sa katatago ko kay Dad hindi ko napansin na naiwan ko ang cellphone ko.
Sa sobrang pagaalala alam kong naapektuhan ang examination ko. Bukod sa naghabol ako ng oras, hindi ako maka-concentrate dahil kinakabahan ako pagnalaman ni Daddy na nawala ang cellphone ko. Tiyak malalaman nya na nagtatago ako habang nagti-text.
Ngayon ito ako hindi mawala ang kaba. I have to pass the entrance exam para naman mabigyan ko ng good news si Dad kapag ibinalita ko ang bad news na nawawala ang cellphone ko.
"Thirty minutes na ang nakalipas, pwede ko nang balikan ang result." napalunok ako ng tumayo si Dad. Bawat hakbang nya para akong aatakihin sa puso. Pwede bang maglaho nalang ako ng parang bula? Pwede bang masamang panaginip nalang ito? Dati kasi nakapanaginip ako na nawawala ang cellphone ko, at sobrang kaba ko rin nung nagising ako noon.
Pero ngayon, ibang-iba. Kasi triple ang kaba dahil pati entrance exam ko na dapat maipasa ko ay kasama sa dahilan ng pagkabog ng dibdib ko. "Anak ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Mommy.
"Mom," tawag ko na may tono nang paghingi ng saklolo. "Mommy nawawala ang cellphone ko."
"Ha? Saan mo naiwala?"
"Naiwan ko po sa Restaurant." gusto ko ng umiyak. Nakita ko kinuha ni Mommy ang cellphone nya mula sa bag nya. Alam kong sinubukan nyang tawagan ang cellphone ko.
"Nagri-ring lang eh. Di bale, balikan natin, sana andoon pa." malumanay na sagot ni Mommy.
"Paano po kung wala na? Tapos paano kung di ako makapasa? Baka itakwil ako ni Daddy? Pagagalitan nya ako." sunod-sunod na sabi ko.
Humawak si Mommy sa balikat ko at ngumiti. "Alam kong maipapasa mo ang exam. Matalino kang bata." sa ngiti ni MOmmy nabawasan ang kaba ko sa dibdib. "At kung wala na ang cellphone mo, wala na tayong magagawa." napayakap nalang ako kay Mommy.
Hindi nagtagal, "Let's go." halos mapatalon ako sa gulat na nagsalita mula sa likod si Dad. Gusto kong malaman ang result. Knowing my Dad, pareho ang reaction ng mukha nya sa good news at bad news.
"Kumusta ang result?" buti nalang si Mommy ang naglakas ng loob. Sobra na kasi ang kaba ko.
"She passed." simpleng sagot nito and I'm relieved. "Let's go. Umuwi na tayo."
My Dad never congratulate me. Sanay na ako. Never narin ako nag-expect na maririnig ko pa yung salita na yun sa kanya. Enough na sa akin na masunod ang gusto nya.
"Ronaldo?" napatingin sa akin si Mommy matapos tawagin si Dad. ALam ko na ang sasabihin nya. "Pwede ba tayo bumalik sa Restaurant?"
Napahinto si Daddy sa paglalakad. "Bakit?" bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong nya na yun.
"May babalikan si Elle,"
Tumingin sa akin si Dad, "and what is it?"
Napahinga ako ng malalim. Yung tingin nya sa akin alam ko na dapat ako ang sumagot ng tanong nya at hindi si Mommy. Napalunok ako at napatingin kay Mommy. Alam kong ayaw na rin painitin pa ni Mommy ang ulo ni Dad kaya she remained quiet pero tumingin sa akin with encouragement.
"Ahm Dad, kasi,.. I think,.. I think I lost my phone."
My Dad rolled his eyes. I know na pangbabae yun pero madalas ginagawa yun ni Dad kapag naiinis sya. "Kahit kailan napaka careless mo. Simpleng cellphone na kayang-kaya namang hawakan ng kamay mo o kasya naman sa bag mo maiwawala mo pa."
"Sorr--" hindi na nya ako hinintay na magsalita, tumalikod na sya at sya nanaman ang walang tigil sa kakasalita. Paulit-ulit nya lang ring sinasabi kung gaano ako ka-careless.
Habang nasa tricycle kami patuloy parin si Dad sa kakasalita, si Mommy naman ay binibigyan nya lang ako ng look na nagsasabing 'okay lang yan anak,' kaya tahimik nalang akong nag-dial ng nawawala kong cellphone gamit ang cellphone ni Mama.
Halos thirty minutes ang lumipas bago namin marating ang Restaurant. Agad akong tumakbo papasok sa loob nang restaurant at pumunta sa inupuan namin kanina. Wala sa upuan ang cellphone ko, kahit sa ilalalim ng table wala. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Excuse me, Ma'am?" napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa suot nya alam kong dito sya nagtatrabaho. "May hinahanap po ba kayo?"
"Naiwan ko po kasi yung cellphone ko dito kanina."
"Wala naman kaming napansin dito Ma'am, pero may iilang customers na po kami na gumamit ng table na ito." parang gusto ko ng umiyak lalo na nang dumating ang parents ko.
"Nakita mo ba anak?" agad na tanong ni Mommy. Umiling ako bago napangitin kay Dad. Ganoon parin ang reaction nya. Hindi man mabasa ng iba, ako alam ko na galit ito.
"So, ano pang ginagawa natin dito?" sabi ni Daddy. "Umuwi na tayo."
Tumango nalang si Mommy at lumapit sa akin. "It's okay anak. Lilipas din yan." pabulong na sabi nya sa akin bago kami naglakad.
Hindi nananakit si Daddy physically. Madalas syang magalit, mataas ang standards nya, bossy sya pero buti nalang hindi sya nananakit kahit kay Mommy. Pero iba parin yung takot-kaba na nararamdaman ko. Lumaki ako na ayaw kong nadi-disappoint si Daddy sa akin.
"The lips of the wise disperse knowledge: but not so the wicked." Proverbs 15:7
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...