To Where It All Started

388 14 8
                                    

TO WHERE IT ALL STARTED

Napahinga nang malalim si Kath nang bumaba sa sasakyan. Kakarating lang nila nang airport. Pupunta sila nang Palawan para sa isang Community Service nang kompanya kung saan sya nagta-trabaho. Hindi ito ang una nyang beses na magko-coordinate nang ganitong programa; sa halos limang taon nyang pagta-trabaho sa kompanya at iilang community service narin ang nasamahan nya. Pero iba ito.


"Jena, you know what to do. Make sure na wala tayong nakalimutan." paalala ni Elle sa kanyang secretary.


Muli syang huminga nang malalim pagpasok sa airport. HIndi nya akalain na babalik sya ng Palawan at hindi nya rin inaasahan na ganito ang mararamdaman nya kung babalik sya sa Probinsyang iyon. It's been ages, pero parang ang reaction nya ay parang kahapon lang.

"Miss Rachelle, we have a problem." sabi ni Jena habang naka pila sila para mag check-in, "May isang Doctor na hindi nakarating. But he told na susunod sya, pero hindi na sya aabot sa flight."

"My goodness, bakit ba di kasi nakarating nang tamang oras? Diba sabi ko sayo remind them sa call time a day before?" iritableng sabi ni Elle. "Eh kasi sobrang dami daw pasyente sa ER, duty pa sya kagabi, hindi sya naka out nang eksakto sa oras." hindi nalang sumagot si Elle sa paliwanag nito.

"Ni-rebook nya nya ang flight nya, two hours early lang naman tayo sa kanya. So ako na maiiwan dito, para hintayin sya." napatingin sya kay Jena, "No, i-rebook mo flight ko, ako na maghihintay sa kanya." hindi nya rin alam ano pumasok sa isip nya bakit bigla nalang sya nagdesisyon nang ganun. "Just send me the e-ticket, sa starbucks muna ako."

Siguro nga hindi sya handa na pumunta sa Palawan, sa lugar kung saan nag simula ang lahat. Bakit nga ba sya nasasaktan? eh ang tagal na iyon.

She busied herself checking email. Nakapag online check-in na sya. Aabangan nya nalang ang Doctor na iyon. Napatingin sya sa orasan, halos isang oras na pala sya nag aantay. Bigla nya naalala na hindi pala nya natanong kung ano ang pangalan nang hinihintay nya.

Pero mukhang naisip din iyon ni Jena dahil bago pa nya ma-dial ang number nito ay tumatawag na ito. "Miss Rachel, papunta na sa starbucks si Doc Hernandez." natigilan sya sa narinig na apilyedo, "ako na po bahala sa transpo nyo kapag dating nang Palawan."

"Wait, Doc Hernandez? What's his name?" siguro naman may iba pang Doc Hernandez sa Pilipinas. "Miss, its Doctor Jake Hernandez.." parang nabingi na sya sa iba pang sinabi ni Jena. Bago pa sya makabawi, napatay na nito ang linya.

"What the hell," bulong nya. Agad syang na niligpit nya ang mga gamit, hindi naman kailangan sabay sila eh. Magre-request nalang sya nang ibang sasakayan, o magpapahintay kay Jena pero bago pa sya makatayo, "Miss Torres?"

Nasa harap na nya si Jake na mukhang hindi na nagulat. "..hindi ko alam na ikaw pala yung head coordinator nang Community service na ito." paliwanag sya. "Sorry for keeping you waiting, sobrang dami lang ng pas—"

"It's okay. We need to go." agad na tumayo si Elle at nauna sa paglalakad. Jake is his black suitcase. Hindi nya man ito matitigan dahil nauuna sya maglakad dito, but his presence is intimidating. Malayong malayo sa Jake na nakilala nya.

Napailing nalang sya, sinong mag-aakala na makakasama nya si Jake sa ganitong sitwasyon, papunta pa sa Palawan kung saan sila nagkakilala. "It's been ages, sinong mag-aakala na makakabalik ako nang Palawan." Jake is trying to open a conversation pero hindi iyon pinapansin ni Elle.

Kahit anong subok ni Jake na kausapin si Elle ay mukhang hindi ito interesado na makipag usap sa kanya. Sumasagot naman, pero madalas, isang tanong, isang sagot. Inabala din nito angs sarili sa cellphone kaya hindi na sya sumubok na makipag usap ulit.

"Is that your seat number?" tanong ni Kath. Nakaupo na ito malapit sa bintana, pero nagulat sya na tabi pa sila ni Jake. "Yes, bakit bawal ba?" nakakaramdam na sya nang inis na parang ayaw nito ang presensya nya.

Tatayo sana si Elle pero pinigilan ito ni Jake. "Look, Elle, I know you want to get rid of me right now. If you want to talk to me, then so be it. Hindi mo ako gustong kasama, pero andito na tayo. Just atleast be subtle with it." nakaramdam na nang frustration ito. Pagod na sya galing duty, walang tulog at walang kain.

Hindi na nagsalita si Elle, nakaramdam din ito nang guilt at pagkapahiya. Masyado ata sya nag overreact sa mga kilos nya. Napansin nyang agad na nag seatbelt si Jake and put on earphones. Mukhang handa na matulog.

Kasalukuyang nasa ere ang eroplanong sinasakyan nila. Hindi nya mapigilan na mapatingin kay Jake na mahimbing na natutulog. Wala pang take off tulog na tulog na ito, he looks so tired. Naalala nya galing pa pala ito nang trabaho. BIgla syang nakaramdam nang awa dito.

Wala pang isang oras narating na nila ang Palawan. Kinakailangan pang gisingin ni Elle si Jake dahil kahit take off ay di na nito naramdaman. Paglabas sa pinto nang eroplano, bahagyang natigilan si Elle, malaki na ang pinagkaiba nang lugar. Ang maliit na airport ay ngayon ay may kalakihan at maganda na. Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman.

"Wow," narinig nyang sabi ni Jake. Halatang bagong gising ito, pero ang gwapo parin tingnan. Bakit yan ang naisip mo Kath. "Sobrang laki nang pinagbago kompara noong unang pumunta tayo dito," saglit na natigilan ang dalawa at naging awkward ang paligid. Ano ba ang plano ni Universe at andito sila ni Jake, magkasamang bumalik sa Palawan matapos nilang maghiwalay, maraming taon na ang lumipas.


"Yes, andito na ako sa Palawan." napalingon nalang ako kay Jake na may kausap sa phone habang hila-hila nito ang luggage nya. "Jianna, part nang training yan," naririnig nyang sabi nito.  "...gusto mo ba bumalik pa ako dyan para hatiran ka nang pagkain?" that's sweet bulong ni Elle sa isip.  "Okay good, so go back to your area and be the best OB GYNE ever.." ah, doctor pala ang kausap. 

Bago pa sila makasakay nang Van na maghahatid sa kanila sa El Nido ay natapos din ito sa phonecall nya.  "Elle, can we grab something to eat? Nagugutom na kasi ako eh." sabi ni Jake bago sumakay nang sasakyan.  

Bumalik ka sa Manila, at sabay kayong kumain nang best OB GYNE na yun. "What?" tanong ni Jake.  Hindi kasi nito naintindihan ang sagot ni Elle.  "Okay, may madadaanan naman siguro tayo nang fastfood."



------------------

Hello guys! I'll try to upload more.  Just be patient with me, I actually got infected by Covid-19. So far no symptoms, ongoing quarantine lang.  Thank God, vaccines worked.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon