THE CALLER
Nakaharap ako ngayon sa napakalawak na dagat. Nakakagaan ng loob na tangin pag-alon lang ang naririnig mo kasabay ng ihip ng hangin. Para akong nasa ibang mundo.
Habang tahimik akong nagmamasid sa ganda ng dagat bigla namang may tumawag sa akin. "Jake,.." hinahanap ko ang boses na iyon pero wala akong makita. "Jake," patuloy parin sa pagtawag ang boses na iyon pero wala parin akong makita.
"Jake.." paglingon ko nakita ko ang isang babae. Napahawak ako sa dibdib ko. Familiar ang pakiramdam na ito katulad rin sa magandang mukha ng babaeng ito, pamilyar sa puso ko. Nakangiti sya sa akin.
"Jake..." naglakad na ako palapit sa kanya ng biglang... "Jake"
"Jake..."
"Jake.."
Bigla akong napamulat. Patuloy parin ang boses nang babae sa pagtawag sa akin. Paglipat ko ng tingin doon ko nakita si Tita na ginigising ako. "Jake andito na tayo sa Taytay." kaya agad na napatingin ako sa paligid ko. Probinsya na nga talaga ito.
"Kanina pa may tumatawag sa cellphone mo," kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Empty na ang battery nito. Hindi ko pala ito na-charge nung umalis ako sa bahay kanina.
Ibinalik ko ito sa bulsa ng pantalon ko at muling bumalik ang paningin sa paligid. Nagba-byahe parin kami pero siguro nga katulad ng sinabi ni Tita andito na kami sa Taytay. "Dito po ba kayo nakatira?" tanong ko sa kanila.
"Nope, sa El Nido kami ng Tita mo nakatira." agad na sagot ni Tito. "May kailangan lang akong kausapin dito tapos mamaya babyahe tayo papuntang El Nido." mukhang mahaba-habang byahe ito ah.
Maganda naman ang paligid, bagong-bago sya sa akin dahil wala namang ganito sa pinaggalingan ko. Pero hindi parin maalis yung katotohanan na alam kong boring dito. Parang mas marami pa ang puno kesa sa mga tao.
Sa gitna nang katahimikan bigla nalang may nag-ring na cellphone, hindi ko ito pinansin dahil una hindi ko naman cellphone yun, pero pagkalipas ng ilang segunda na patuloy lang ito s apag-ring napansin ko na nakatingin sa akin si Tita Malou. May pagtataka sa mga mata nito at ganoon din si Tito Jerry mula sa rear mirror ng sasakyan.
"Hindi po akin yun..." sagot ko. Mukha kasing gusto nilang sagutin ko ang tawag. Nagkatinginan ang mag-asawa, "Hindi rin amin yun eh, at mulang galing sa bag mo."
Napatingin ako sa bag ko na halos katabi ko. Doon ko na-realize na doon nga nangggaling ang tawag. Agad ko itong kunuha at hinanap ang tumutunog. Pero bago ko pa man ito makita tumigil na ito sa pag-ring. Pero hindi rin nagtagal, nahanap ko rin ang cellphone.
Isa itong Nakia basic phone. SIlver ang kulay nito at sigurado akong hindi ito sa akin o kahit sino sa kapamilya ko. "Kanino po ito?" tanong ko sa kanila pero bago pa sila maka-sagot bigla naman nag-ring ang cellphone.
Mama ang pangalan ng caller.
Nag-aalangan akong sagutin ito pero sinagot ko parin.
Magsasalita palang ako ng may matinis na boses ang nagsasalita sa kabilang linya. "Hoy magnanakaw ka, ibalik mo cellphone ko!"
"Hoy! HIndi ko kinuha ang cellphone mo!"
"Eh bakita nasayo?"
"Ewan ko! Basta nakita ko lang sa bag ko!" naiinis na sagot ko. Bakit ba kasi nasa bag ko ang cellphone na ito. Nagmumukha tuloy akong magnanakaw.
"Ibalik mo ang cellphone ko."
"Sige ibabalik ko para matahimik ka na." sagot ko. "Nasaan ka ba?"
"Andito sa apartment namin sa Valencia."
"Saan yan?"
"Syempre dito sa Puerto!"
"Andito ako sa Taytay!"
"What?!" ang tinis talaga ng boses nito eh. "Magnanakaw ka talaga eh. Ipapakulong kita!" magsasalita pa sana ako ng biglang naputol ang linya. Pagcheck ko sa screen walang signal. Mas lalo akong nainis.
"Ahm,.. Jake." tawag ni Tito Jerry. "I think ako ang may kasalanan bakit nasayo ang cellphone na yan." sabi nito. Mukhang nagulat din si Tita Malou. "Kasi akala ko sayo, nagmamadali tayo kanina eh. Kaya kinuha ko lang doon sa upuan na pinaglagyan mo ng bag mo."
"SO naiwan ng may-ari yung cellphone nya sa inupuan natin sa Ka Lui?" tumango si Tito. Alangan naman sisihin ko si Tito. "Hindi ko rin po napansin na may cellphone sa tabi ng bag ko." sagot ko." Paano ko po kaya ito mababalik?"
"Since malapit narin tayo, mamaya ako mismo ang tatawag sa may-ari para magpaliwanag. Ibabalik natin yung cellphone nya."
..
..
ELLE
"Magnanakaw talaga yun eh, ayaw nya lang ibalik yung cellphone ko." nakaka-frustrate kapag nakausap mo yung kumuha ng cellphone mo. "Impossible kasi Mom na hindi nya alam kung paano yun napunta sa bag nya."
Mas nakaka-frustrate dahil hindi ako makapag taas ng boses dito sa loob ng bahay. Baka kasi marinig ni Dad, tiyak magagalit yun.
"Anak, huminahon ka. Malay mo naman totoo ang sinabi nya at kung hindi man, wala na tayong magagawa kung wala na yung cellphone mo."
Hindi ako materialistic na tao. Kaya kong mabuhay nang walang cellphone. Pero nakakainis dahil sa pagkawala ng cellphone na yun napagalitan ako, ni hindi man lang napansin ni Dad na pumasa ako sa entrance exam. Kaya ganito nalang ang pagka-inis ko.
Bigla naman nag-ring ulit ang cellphone ko. Pero this time, hindi na ako sumagot, si Mommy na. Gusto ko pa sana kunin pero sumenyas nalang si Mommy na sya na ang kakausap.
"Mommy ito ng may-ari ng cellphone." narinig ko sabi ni Mommy. Gusto kong malaman kung ano pinag-uusapan nila. "Okay, naiintindihan ko. Gusto lang naman ng anak ko na mabalik ang cellphone nya."
"Sige,"
Natapos na ang usapan nila. "Mom, anong sabi?"
"Ibabalik daw nila ang cellphone mo kayalang kakarating lang nila sa Taytay. Ipapadala daw nila thru LBC." napakunot ang noo ko. "Tito nya ang nakausap ko, pinaliwanag nya rin paano napunta sa bag ng pamangkin nya ang cellphone mo."
"Tingin mo Mommy totoo?"
"Siguro, pero wag parin tayo mag-tiwala ng basta-basta. Abangan nalang natin ang tawag nila ulti bukas." sabi ni Mommy. "At wag na wag kang makiki-pagcontact sa kanila ng hindi ko alam, at wag mo ipapaalam ito sa Daddy mo." tumango ako.
Tiyakin lang ng lalaki na iyon na ibabalik nya ang cellphone ko.
------------
"The wise heart accepts commands, but a chattering fool comes to ruin." Proverbs 10:8
NOTE: Sinusubukan kong bumalik! Hahaha Masyado akong na-inspire sa mga ganap ng Pangako Sayo at sa mga encouragements ninyo.
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...