UNEXPECTED
Pagmulat ko palang ng mata ko mula sa pagkakatulog, napangiti na ako agad. Sinong hindi mangingiti kung may isang magandang babae ka na makikita-kahit sa panaginip man lang.
Oo! Tama ang nasa isip nyo, si future girlfriend nanaman ang lamang ng panaginip ko. Walang kwento sa panaginip, basta makikita ko lang yung mukha nya. Minsan sa dalampasigan habang hinahangin ang buhok, minsan sa airport. Minsan naman basta magfa-flash nalang sya sa panaginip ko.
Hindi ko alam kung bakit? Basta ang alam ko lang, katulad ng sinasabi nila kapag napanaginipan mo ang isang tao ibig sabihin iniisip ka nila. Oh diba? Sinong hindi sasaya na iniisip ka pala ng future girlfriend mo.
Napatingin ako sa kisame, ito na ang kwarto ko sa loob nang limang araw na andito ako sa El Nido. At katulad ng inaasahan ko boring talaga sa lugar na ito- hinahanap ko parin ang buhay City.
Napangiti ako nang maamoy ko ang masarap na niluluto ni Tita Malou. Isa yun sa nagpapasaya sa akin dito sa kabila ng sobrang boredom. Kaya bumangon ako pero bago ako umalis sa kama napatingin ako sa table sa tabi ng kama, nakita ko ang cellphone ko. HIndi ko na ito na-charge dahil by schedule lang ang kuryente dito. Since wala naman akong ka-text, hindi na ako nag-charge.
Tungkol naman sa babaeng pinagbibintangan ako na magnanakaw, hindi na sya nag-text o tumawag. Kahit simpleng thank you man lang nga ang inaasahan ko pero wala parin. Pero hindi na ako naghintay pa, ano namang mapapala ko sa suplada na yun.
"Kain na," sabi ni Tita pagkalabas ko ng kwarto. Hindi kalakihan ang bahay nila, sakto lang para sa kanilang dalawa at pati narin sa akin- pero hindi naman ako magtatagal dito eh.
"Ang sarap mo talaga Tita magluto." sabi ko ng matikman ko ang luto nya. Ampalaya ito with egg. Sa totoo hindi ako kumakain nito pero sa sarap ni Tita magluto, nagustuhan ko sya. Hindi din kasi sya ganoon kapait.
"Syempre, baka magalit sa akin si Ate kapag pinagutuman kita dito." gusto ko pa sana na sabihin na hindi naman ako kumakain ng mga hinahanda nya talaga, sadyang masarap lang ang twist na nilalagay nya sa mga pagkain kaya nakakaya ko syang kainin.
"Sya nga pala Jake, may bisita tayong darating." napatingin ako kay Tita, hindi ako nakapagsalita agad kasi sabi ni Mama: don't talk when your mouth is full. "Pinsan sya ng may-ari ng bahay na ito."
Nabanggit ko na ba sa inyo na nangungupahan lang sila Tita dito. May lupa na raw silang nabili kayalang pinagiisipan parin nila kung magpapatayo sila ng bahay dahil baka daw biglala nanaman ma-assign si Tito sa ibang lugar.
"Dito rin po sila titira?" I'm sure nabanngit ko kanina na sakto lang para sa kanila ang bahay na ito, dalawang karto. Pero teka, makakasama ko ba sa kwarto ang bisita? Parang kinabahan ako, ayaw ko ng may kasama sa kwarto."Hindi, sa kabilang bahay sila. Pero dito sila kakain sa bahay kasabay natin." buti nalang. Nakahinga ako ng maluwag doon ah.
Makalipas nag ilang oras, lumabas ako ng bahay. Kung nature ang pag-uusapan wala akong masabi dito sa Nacpan, El Nido. Maganda ang white beach, masasarap ang pagkain. Tahimik dahil iilan lang rin naman ang nakatira dito. Kayalang hindi naman ako mahilig sa nature kaya talaga mabo-bored ako.
"Oh Jake, kumusta?" napalingon ko sa tumawag sa akin. Si Kuya Rudy. Taga-igib at taga linos ng bakuran ng bahay na tinutuluyan nina Tita. Malaki ang katawan. Perfect pang bodyguard at alam nyo kung saan sya nagwo-work out? Sa balon kung saan sila kumukuha ng tubig. Bubuhatin nya iyon papasok sa bahay para ipunin.
"Boring eh, naghahanap ako ng magagawa eh." sabi ko. Sakto biglang may pumasok na idea sa isip ko. "Gusto mo tulungan kita mag-igib ng tubig?" mukhang nagulat pa sya.
"Kaya mo ba?"
"Syempre naman! Halika, sa-sampolan kita." agad na sabi ko. Kumuha ako ng dalawang balde at naglakad papuntang balon.
HIndi naman ako mahilig mag-igib ng tubig. Hindi ako sanay sa ganitong trabaho pero alam nyo kapag nakita nyo ang katawan ni Kuya Rudy, para syang nag-gym.
Hindi ko naman sinabi ko na gusto ko ng mala bodyguard na katawan, ang goal ko lang eh yung abs at matitigas na muscle sa braso. Baka sa pag-igib makakuha ako kahit dalawang abs lang.
"Kaya mo naman pala eh," sabi ni Kuya Rudy ng makitang binuhat ko ang dalawang balde na may laman na tubig. Naglakad ako habang bitbit ang mga ito at inihatid sa bahay. Nagulat pa si Tita ng makita ako pero sabi ko tutulong nalang ako para may magawa ako.
Naka ilang balik kami ni Kuya Rudy, noong umabot ako ng pang lima, nagka-cramps na ang braso ko, nanginginig na sa bigat, pero dahil ayaw kong mapahiya pinagpatuloy ko lang. Pinilit ko na mapuno ko ang dalawang tumbler.
"Oh tapos na tayo," sabi ni Kuya Rudy. Inakbayan nya pa ako. Sa bigat ng braso nya na naka-akbay sa balikat ko parang bibigay na ang tuhod ko at mapapaluhod na talaga ako. Buti nalang napigilan ko pa. "Salamat ha"
"Sige Kuya, pasok na ako." sabi ko nalang.
Nang makapasok ako sa kwarto, agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos noon ay di ko namalayan nakatulog na ako. Pagod na pagod na talaga.
..
..
ELLE
Inunat ko ang nangangalay na legs dahil sa halos anim na oras na kaming nasa byahe. Papunta kami ni Mommy sa El Nido. Yes, wala si Dad dahil hindi pa sya pwedeng mag-file ng leave dahil bago palang sya.
Si Ninang Milenda ang nag-invite sa amin. May bahay daw sila sa El Nido na pwede naming tuluyan. Noong una ayaw pumayag ni Dad pero dahil sa pangungulit ni Tita Milenda at nang asawa nito ay pumayag narin ito. Pero alam ko napipilitan lang ito, umuusok ang ilong noong hinatid kami sa terminal eh.
"Malapit na kami sa terminal sabi ng konduktor." may kausap si Mommy sa phone. Ito ata ang sundo namin na kaibigan ni Tita Milenda.
Napatingin ako sa paligid. Maganda talaga ang Palawan. Kanina palang paalis ng Puerto talagang na-appreciate ko na ang mga nakikita kong dagat at mga puno. Yung dagat na nasa tabi lang ng main road, ang sarap tingnan.
Malayong-malayo nga ito sa Manila o sa kahit ano mang CIty na pauntahan ko, pero masasabi ko na talagang maganda nag Palawan.
Nang huminto ang terminal ay agad akong niyaya ni Mommy na bumaba. Medyo nagka-cramps pa ang tuhod ko pero hindi rin nagtagal ay nawala rin ito. BUmaba kami ng bus at hinanap ang sundo namin na hindi namin kilala.
"Elle, sila na ata ang sundo natin." napatingin ako sa dalawang sumalubong sa amin na nakangiti.
JAKE
Nakakarinig ako ng tawanan. Yung malakas na tawanan. Una akala ko panaginip lang pero totoo pala. Tuluyan ko ng iminulat ang mata ko. Napatagal pala ang tulog ko, masyado akong napagod sa pag-igib ng tubig.
Saglit na bumaling ako sa orasan bago tuluyang bumangon. Ang haba ng tulog ko. Alas singko na ng hapon ako nagising. Kaya pala nagugutom na ako dahil hindi ako nakapaglunch.
Pagkalabas ko ng kwarto agad na narinig kong narinig si Tito na nagsalita, "Gising na ang salarin..." sabay natawanan sila. Parang naguluhan ako. Pero hindi ako nakapagsalita ng mapatingin ako sa babaeng mukhang nagulat din na makita ako.
Panaginip ba ito? Sa panaginip ko lang sya nakikita eh.
-----------------------
For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope.
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...