ELLE
Hindi ako makatulog. Naiinis ako sa lalaking nagnakaw ng cellphone ko. Parang ayaw ko na ngang umasa na ibabalik nya pa ang cellphone ko eh. Magnanakaw na, mayabang pa. Nakakainis pa, chismoso pa sya para basahin ang mga text messages ko.
Wala naman akong tinatago sa messages na yun. Mga kaibigan ko lang ang nakakausap ko doon. Pero naiinis parin ako na binasa nya dahil hindi naman sa kanya yun eh. Tama ng si Daddy lang ang mangbabasa ng text messages ko, wag na sya.
Tiyakin nya lang na gwapo sya.
Bigla kong naalala yung gwapong lalaki na nakabangga ko sa airport. Nakaramdam nanaman ako ng kilig. HIndi ko kasi akalain na magkakaroon kami ng ganoon ka-close na encounter sa isa't-isa.
Bago kami nagkabunguan, nakita ko na sya noong hinatid sya ng family nya. Hindi naman ako mahilig sa gwapo pero napalingon talaga ako ng makita ko ang mukha nya. Siguro masyado lang akong na-cute-tan sa kanya dahil sa nakabusangot ang mukha.
Payat lang sya. Akala ko nga di nya kaya ang maleta namin eh kasi sure ako na mabigat yum. Hindi din sya ganoon ka-puti tulad ko. Pero matangkad sya. Noong nagkabungguan kami nakita ko kung gaano katangos ang ilong nya. Yung mata nya na nakatitig din sa mata, napakaganda.
Corny man pakinggan pero masasabi ko talagang nakaramdam ako ng bilis ng tibok ng puso noong nakatingin sya sa akin lalo na nung tinulungan nya ako.
Napahinga ako ng malalim. Gumaan na ang pakiramdam ko. Unti-unti nang nawawala akong inis ko dahil sa magnanakaw na yun. Salamat sa gwapong lalaki sa airport. Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan nang nakatulog.
JAKE
Hindi na talaga nag-reply si Miss Pikon. Napapailing nalang ako. Hindi ko naman kasi alam na ganoon pala sya kahina sa asaran. Ibabalik ko naman ang cellphone nya eh, gusto ko lang talaga syang asarin at para narin makabawi sa paulit-ulit nyang pambibintang na magnanakaw ako.
Nag-inat ako ng katawan kasabay ng paghikab ko. Buti naman binisita na ako ng antok. Kaya ipinikit ko na ang mata ko...
Pero bago pa ako lamunin ng antok agad akong napamulat. Hindi ko alam bakit mukha nanaman ni Miss Airport ang nakita ko. Kanina napanaginipan ko rin sya tapos ngayon parang flashback na dumaan sya sa isipan ko.
Napatingin ako sa madilim na kisame, maya-maya napangiti ako mag-isa "Hindi kaya iniisip ako nun? May crush din ata sa akin yun eh." sabi ko sa sarili ko.
Gusto ko tuloy isipin na baka kami ang meant to be. Bigla-bigla nalang kasing dumadalaw sa panaginip at isipan ko eh. Di bale, alam ko magkikita din kami.
..
..
"Jake, gising na..." unti-unti kong minulat ang mata kong napipilitan lang na tingnan kung sino ang kanina pa nanggigising sa akin. SI Tita Malou pala ito. "Jake, kakain na tayo."
Muli kong pinikit ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog. "Jake.." muli akong nagmulat ng mata, kung nasa bahay lang ako, siguradong tuloy-tuloy ang tulog ko.
"Opo Tita," tinatamad ako na bumangon. Gusto ko pa talagang matulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos tapos halos umaga na ako dinalaw ng antok. Tapos si future girlfriend binibisita pa ako sa isip ko, talagang puyat ako.
Pero dahil sa bahay lang ako may karapatan maging batugan, ito ako at naghahanda ng sarili bago lumabas. Naghilamos lang ako saglit at nag-toothbrush. Bago lumabas, kinuha ko muna ang cellphone ko, pero nag-check muna ako kung may reply si Miss Sobrang Sungit.
May isang message doon pero hindi galing sa kanya. Galing ito kay Cara. Sinagad ako na ang pagiging chismoso, binuksan ko talaga. Napailing nalang ako sa ginawa ko, alam ko naman na hindi tama eh.
I missed you Rae. Wala akong load kaya hindi ako nakapag-text kahapon. Wag ka na malungkot. Maikli lang ang isang taon, babalik ka narin dito. Kapag may nang bully nanaman sayo dyan, sumbong ka sa amin, papasabugin ko bahay nila sa mga kaibigan kong rebelde. Hahaha
Yan ang mahabnag text mula kay Cara. Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga text nila sa babaeng masungit na ito eh. Parang alam nila na nalulungkot ang kaibigan nila dahil nalayo na ito sa kanila.
Sabagay, kung ako nga na vacation lang sobra nang nabo-bored. Sya pa kaya na dito titira ng isang taon?
Magkalipas ang ilang oras, natapos ang breakfast. Nakapag-ligo na ako at nailigpit ko na ang gamit ko. Naka-ready na kami dahil babyahe na raw kami papuntang El NIdo. Doon nalang ako sa byahe babawi ng tulog ko na nabitin kanina.
"Jake, nakuha ko na address nila. Ipapadala na natin ang cellphone." sabi ni Tito. "Ito ang box, dyan mo ilagay yung cellphone. LBC na magbalot ng tape dyan."
Parag nakaramdam ako ng unting lungkot. Oo, unti lang. Lungkot na wala na akong maasar. Kahit maikling palitan lang nang text yun, ewan ba parang nalulungkot ako eh.
Napatingin ako sa cellphone na hawak ko. Alam ko kailangan ka nya. Kinakausap yung cellphone, wag naman sana sumagot. Kaya ibabalik na kita.
ELLE
Kahapon nagtext ang lalaking magnanakaw na naipadala na nya ang cellphone ko sa LBC. Ngayon ko nga raw ito makukuha. Totoo kaya talagang napadala nya o niloloko lang kami nila?
Hindi ko na kinwento kay Mommy na nakatext ko kagabi yung magnanakaw. Baka mag-alala sya. Ngayon pa nga lang hindi na sya papayag na ako lang ang kumuha ng package, dapat kasama sya.
Hinintay muna namin na maka-alis si Daddy, pupunta sya sa Capitol. Nagta-trabaho kasi sya sa Governor. Bago lang sya nagsimula, pero matagal na nya itong kilala. Yung pamilya ng Governor dito ang may-ari ng Company na pinagta-trabahuan ni Daddy. Malaki ata ang offer kay Dad kaya noong inalok sya na dito sa Palawan magtrabaho, pumayag sya.
SUmakay kami ni Mommy ng tricycle. HIndi namin alam kung saan ang LBC pero mukhang honest naman ang tricycle driver at ihahatid nya kami sa tamang lugar. Pagkalipas ang ilang minuto, andoon na kami sa LBC.
Maikli lang ang byahe dahil walang traffic.
Pagkapasok namin ni Mommy sa office ng LBC, sya na ang lumapit sa counter since pangalan naman nya ang ibinigay nya sa Tito ng magnanakaw na iyon. Nakaramdam ako ng excitement nang may inabot na maliit na box kay Mommy. Nakabalot pa ito ng plastic ng LBC pero alam ko na hindi kami niloko kaya lumapit ako.
"Mi, bubuksan ko na ha. Baka mali ang pinadala eh."
Pagbukas ko, nakita ko ang cellphone ko na halos 24hours ding nalayo sa akin. Agad kong binuksan ito. Maya-maya may mga text messages na dumating. Galing ito kela Cara at Irene at sa isang hindi ko kilala.
Jake Pogi. Yan ang naka-register. Cellphone ko ito at alam kong wala naman akong na-register na Jake Pogi. Pero binuksan ko ang text nya.
Miss Sobrang sungit, alam kong asar talo ka kagabi. Kaya ayan na cellphone mo, naka-save na number ko. Kung sakaling ma-bored ka ulit text mo ako, lagi din akong bored. :D -Jake Pogi
---------------
"An unfriendly person pursues selfish ends and against all sound judgment starts quarrels." Proverbs 18:1
Note: Hello! Thanks sa patuloy na pagbabasa. Magsisikap ako na maging maayos na manunulat.. :)
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...