THE CLASH
Unang umaga ni Elle dito sa Nacpan, kaya maaga akong nagising para makasabay ko sila kumain. Excited akong asarin at kulitin sya. Katulad ngayon.
"Please, tigilan mo na ako." sabi nya habang natingin sa bintana.
"Sinong kausap mo?" lumingon pa ako at tiningnan pati paligid. "Ako ba?" humarap ito sa akin na nakataas ang kilay. Nginitian ko lang sya. Naiinis nanaman sya. Mas lalo syang gumaganda kapag nagtataray.
"Kapag di mo ako tinigilan, ibubuhos ko sayo itong gatas ko." sabi nito.
"Ito naman ang sungit masyado," sagot ko. "Nakikipagkaibigan lang ako." ngumiti sya ng pilit, asar parin. "Bahala ka, magiging malungkot ang one month stay mo dito kapag susungitan mo lang ako. Wala kang magiging friends."
"Wow! Consistent sa pagiging mayabang no?" sabi nito. "Hindi lang ikaw ang tao dito, at kung wala na, hindi parin kita pipiliin." sasagot pa sana ako ng biglang may dumating.
"Baka nag-aasaran nanaman kayo." si Tita Malou. "Kinukulit ka nanaman ba nitong si Jake?"
"Ah hindi po Tita, nakikipagkaibigan lang po ako." syempre pinagtanggol ko agad ang sarili ko. Hindi na ako papayag na ako nanaman ang talo katulad kagabi.
Matapos kasi ang dinner agad na puwesto si Elle sa lababo syempre dahil bisita sya hindi papayag si Tita kaya lumapit ako sa kanya. Sabi ko na ako na ang maghuhugas, pero hindi nya ako pinapansin. Dahil di nya ako pinapansin, nagpapansin ako. Inasar-asar ko sya hanggang sa bigla nalang nag walked out, ayun napagalitan ako.
Nakakainis pa, habang pinapagalitan ako at napatingin ako sa kanya, ang lapad ng ngiti sa akin. Mukhang masaya na sinisermonan ako.
"Yes po Tita, nagki-kwentuhan lang po kami." nagulat ako sa sinabi ni Elle. Nakangiti ito. Masyadong civil. "Actually pinaguusapan po namin yung tumbler sa room namin, wala na po kasing tubig. Ang bait nya para magpresenta na mag ipon ng tubig para sa amin." napanganga ako.
Ngumiti si Tita at umakbay sa akin. "Very good Jake. Sakto din na umalis si Rudy, may inutos si Tito mo sa kanya eh." napapalunok ako sa sinabi ni Tita.
Kahapondiba sinabi ko na gusto ko magka-abs katulad kay Kuya RUdy? Kaya nga nagpa-bibo ako at nag-igib ng tubig. Wala naman problema sa akin mag-igib, nagkataon lang na nabigla ako kahapon at ngayon sobrang sakit ng katawan ko.
"Sabi ko nga po hindi na kailangan, si Kuya Rudy nalang pero sabi nya po kasi yun nalang daw po ang peace offering nya sa akin." magaling gumawa ng kwento itong babaeng ito.
"Thank you, Jake." sabi ni Elle na parang tuwang tuwa sa nangyayari. Talagang alam nya rin paano ako gantihan. "Goodluck sa payatot mong katawan."
Alam ko na part ito ng pang-aasar nya. Nakita nya ako kanina na pag-abot lang ng asukal ay nahirapan ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Hirap din ako maglakad, masyado kong napagod ang katawan ko kahapon.
TUmayo si Elle at nagligpit ng sariling pagkain. "Pakidalian lang Mr. Macho-payatot ha, gusto na kasi maligo ni Mommy." mapang-asar na sabi nito. Bilin pa nito.
ELLE
Natatawa talaga ako sa payatot na yun. Akala nya hindi ako lalaban sa mga pang-aasar nya? Well, hindi ako ganoon lalo na sa mga katulad nyang mayayabang. Kaya sana maisip na nya na mali na ako ang kulitin at asarin nya.
Napailing nalang ako. Nabanggit ni Tita Malou na sya ang nag ipon ng tubig, doon ko naisip na kaya siguro hirap syang kumilos kanina pa, naninibago ang payatot. Kaya bigla kong naisip na bumawi. Siguro naman after this tatantanan nya na ako.
"Oh bakit nakangiti ka dyan?" sabi ni Mommy habang nagwawalis nang sahig.
"Wala po," sagot ko. "Sya nga pala Mee, si Jake na pala ang mag-igib ng tubig natin." napakunot ang noo nito. Bigla kong naalala, hindi pa pala namin napag-uusapan yung pakikipag-text ko kay Jake.
"Sorry po pala kung di ko nasabi na nagka-text kami ni Jake, nakiusap lang naman po ako na ibalik nya ang cellphone ko at wag tayo paasahin. Kayalang po habang nag-uusap kami sa text nagtatalo po kami, sobrang yabang din po kasi eh." pasalamat nga sya gwapo sya.
"Naiintindihan ko naman anak, nagulat lang ako." alam ko na naiintindihan nya ako. Sa ngiti pa lang nya alam ko na. Malayong-malayo kay Dad. "Basta anak pagdating sa ganyan, wag ka basta-basta makikipagusap sa text at wag ka matakot o mahiya na mag-kwento sa akin. Para alam ko ang nangyayari sayo."
Hindi naman ako agad nagagalit, ang mahalaga nasabi mo sa akin. Yan ang linya na madalas kong marinig kay Mommy. Sabi nya kasi sa akin dati, mas maganda na daw na alam nya ang lahat kesa naman daw magugulat nalang sya- lalo na kung may hindi na magandang nangyari.
"Mukha namang mabuting bata si Jake," doon ako napasimangot na napatingin. Gusto ko sana i-correct na gwapo lang sya, pero hindi sya mabuting tao. Pero pinili ko nalang hindi umimik at iniba ang usapan.
Matapos ang halos isang oras, andito ako sa veranda ng bahay. Nakaupo na parang boss habang nakangiti kay Jake na nakakatatlong balik na sa paghatid ng tubig. Pawis na pawis na ito. Nakangiti parin ito pero may halo nang inis.
"Okay na yung naipon mong tubig," agad syang napalingon. Kalahati palang kasi ang tumblr. "Kung para sa akin nga lang. Maliligo rin kasi si Mommy kaya kailangan mo talagang punuin. Thanks." binigyan ko sya ng ngiti bago tumalikod.
Sana naman alam na nya kung sino ang kinakalaban nya.
Matapos ang halos isang oras natapos narin sya sa pagpuno ng tumbler. Napahinga sa ng maluwag pagkatapos nyang ibuhos ang huling tubig na pumuno ng Tumblr. "Madam Elle, tapos na po ang pinapagawa nyo."
Napatingin ako sa mukha nya na pawis na pawis. Basa narin ang jersey na suot nito. Pero bakit ganoon, ang gwapo parin nang payatot na ito. "Eherm, wag mo akong titigan. I know I'm hot." I made face. Mayabang talaga.
"Hot? Sinong may sabi?" sagot ko. "Umalis ka na nga at maligo ka na, ang baho mo na." nagulat sya sa sinabi ko at agad na inamoy ang sarili.
"Hindi naman ah, ang bango ko nga oh." sabi pa nito. "Amuyin mo." napatili ako sa ginawa nya, pinapaamoy nya kasi yung kilikili nya. Yumuko lang ako sa pag-iwa at tinakman ang mukha ko dahil na-corner na nya ako.
Dahil sa sobrang lapit nya sa akin, hindi na ako makahinga. Sa kaba? Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko eh. Ngayon lang may nakalapit ng ganito sa akin na lalaki. Kaya wala akong choice, napahawak ang dalawan kong kamay sa balikat nya na basa pa ng pawis. HIndi naman talaga sya mabaho eh. Pero humawak ako doon para itulak sya. Pero bago ko magawa iyon,
"Anong nangyayari dito?" sabay kaming napalingon at nakuryente kami na naghiwalay. Si Mommy nakatingin sa aming pareho na naghihintay ng paliwanag. Napalunok nalang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pahamak talaga itong payatot na ito.
"Ahm, Tita, naglalaro lang po kami." napapikit ako.
"Naglalaro?" balik na tanong ni Mommy. Sa dinamidami ba naman ng sasabihin iyon pa talaga ang naisip nya? Napatingin ako sa kanya ng masama bago lumayo ako sa lalaking ito at lumapit kay Mommy, "Hindi po kami naglalaro, inaasar nya lang po ako. ANg kulit-kulit po kasi nya." nakatingin si Mommy sa akin. "Sorry po." mahinang sabi ko.
"Sige na Jake, umuwi ka na. Hinahanap ka na ng Tita mo."
JAKE
Mabilis na lumipas ang araw at hindi parin kami close ni Elle. Hindi narin kami masyadong nag-aasaran- in public. Kasi nagpapatalasan nalang kami ng titig minsan naman kapag alam naming walang makakakita, iniinis ko sya o sya naman sa akin.
Bakit?
Syemre napatawag ako ng Principal- si Tita Malou. Nakarating sa kanya yung nadatnan ni Tita Lydia, kaya ayan napagsabihan nanaman ako. Laruin na raw namin ang lahat wag lang ang bahay-bahayan. Noong una di ko na-gets, di naman kasi ako ganoon mag-isip pero nung huli doon ko nakuha.
Dalaga at binata na raw kasi kami ni Elle. Doon nagkamali si Tita Malou, kasi hindi naman dalaga si Elle eh, binata din sya. Magandang binata.
�
BINABASA MO ANG
Chasing Forever
Fanfiction"Slowly but surely." yan ang madalas na paalala nila kapag nagmamaneho ka. Pero paano kung byaheng forever ka? Yan parin ba dapat ang paalala? Paano kung tumatagal ang usad ng byahe at habang tumatagal ang paghihintay mo everything became pointless...