Binitawan ko ang hawak na libro at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Inalala ko ang mga nabasa sa aklat na hawak-hawak kanina at pilit na itinuon ang buong atensiyon sa balak gawin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga.
"Slowly." I said, almost a whisper as I concentrate myself.
Maingat kong iginalaw ang kamay ko at napangisi noong makitang umangat ang espada ko mula sa lupa. Nice one, Zaila! Umayos ako nang pagkakatayo at mas pinag-igihan pa ang ginagawa.
"Okay... slowly, Zaila. Focus... you can do it," mahinang sambit ko sa sarili at noong mamataang ilang dangkal na ang inangat ng espada ko mula sa lupa, malawak na akong napangiti. Finally! After a week of training and mastering this skill, I finally managed to move and lift my sword! All the late-night trainings and secret lessons are worth it! Kahit pagalitan pa ako ng superiors ko, paniguradong hindi mawawala ang kagalakang nararamdaman ngayon! This is another achievement to me! Makakatulog na ako nang matiwasay mamayang gabi!
"Anong ginagawa mo?"
Napapitlag ako noong marinig ang boses Raven sa likuran ko. At dahil sa gulat ko, nawala ang focus ko sa ginagawa at ang resulta, muling lumapat sa lupa ang espada kong kani-kanina lang ay nakalutang na sa ere!
"Raven!" irita kong sambit sa pangalan nito at binalingan ito sa likuran ko. "Nakakainis ka!"
"Naiinis ka? Sa akin? Bakit naman?" inosenteng tanong niya at napatingin sa espada ko 'di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon. "What are you doing anyway? Bakit naroon ang espada mo?"
"Wala!" sigaw ko sa harapan niya at nagmartsa papalapit sa espada ko. Dinampot ko ito at masamang binalingang muli si Raven. "May kailangan ka ba sa akin?" inis ko pa ring tanong dito at bumalik sa puwesto ko kanina. Mabilis kong dinampot ang librong binabasa kanina at agad na itinago iyon sa bagong dating.
"Elveena is looking for you," simpleng wika nito na siyang ikinangiwi ko. Oh, boy. Mukhang nawili ako sa ginagawa kanina at hindi ko namalayan ang oras! Great, Zaila! Just great! "You skipped your training again, Zaila?" he asked without even blinking an eye. Napangiwi ako dahil sa naging tanong nito.
"I ace all my previous assessments, Raven. Nagpapahinga lang ako dito," kalmadong sagot ko sa kaibigan.
"Stop lying, Zaila. Hindi ka narito para magpahinga lang. Tell me, anong pinagkakaabalahan mo rito?" He asked again. "This is far from the main village. At mas lalong mas malayo ito sa academy. Answer me, anong ginagawa mo, Zaila? Alam mong delikadong pumunta dito mag-isa!"
"I can protect myself alone, Raven. Don't worry about me," matamang saad ko sa kanya at inayos na ang mga gamit ko. Mabilisan ang pagsilid ko sa libro sa bag at hindi binigyan pansin pa si Raven. Inilagay ko sa balikat ang bag ko at tahimik na binalingang muli si Raven. "Babalik na ako village. I'm done here."
"That's it? Babalik ka na sa main village ng hindi man lang sinasagot ang mga tanong ko sa'yo?" kunot-noong tanong ni Raven na siyang ikinairap ko sa kanya. "Hindi mo naman gugustuhing i-report kita sa Head Huntress, hindi ba, Zaila? This is against the rule. Alam mo noong una pa lang kung gaano kahalaga ang training na ito at talagang nagawa mo pang lumiban sa training mo. Stop wasting your time here, Zaila. You need to train hard if you want to be an excellent huntress."
"Whatever you say, Raven." Naiiling na turan ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa village namin.
Yes, I want to be one of the best huntresses of our batch, but I won't just aim for a single goal here! Kung may kaya pa akong gawin maliban sa pakikipaglaban, gagawin ko ito at sisiguraduhin kong magagawa ko ito nang tama!
"You're using magic, right?" Hindi pa ako nakakalayo nang tuluyan kay Raven noong marinig ko na naman ito. Napatigil ako sa paghakbang at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Damn it! This guy... he really knows everything! "Zaila," tawag muli nito sa akin. Napapikit ako at napailing na lamang.
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...