Tanging ang Deepwoods lamang ang naging tahanan ko sa loob ng sampung taon.
Noong nagsisimula pa lamang ako bilang isang huntress, iginugol ko ang oras at panahon sa pagsasanay. I trained so hard. Wala akong pinalampas na araw noon. Kung wala akong pinagkakaabalahan sa silid-aralan namin, nasa training room naman ako at hinahasa ang sarili sa paggamit ng iba't-ibang klase ng sandata. Ilang taon din muna kasi ang lumipas bago ako sumama sa pinaka-unang misyon ko bilang isang huntress. And it was because of Elveena's order. Alam nito ang nangyari sa akin, sa pamilya ko, kaya naman natitiyak kong sinigurado muna nitong maayos na ako bago isabak sa unang misyon ko.
Wala ako masyadong alam sa ibang lugar ng Utopia. Maliban sa apat na main houses na mayroon ito, wala na. Ni hindi ko nga alam ang ibang pangalan ng villages na nakapalibot sa lupaing sinasakupan ng Deepwoods. Maging ang pagpunta sa Royal Capital ay talagang pahirapan pa sa aming mga hunter at huntress. Kung walang misyon para sa squad namin, hindi rin kami aalis sa academy.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at pilit na ikinalma ang sarili. I need to do something! Kailangan bumalik na ang paningin ko! Damn it! Anong klaseng liwanag ba iyong nakita ko kanina at bakit ganito ang naging epekto nito sa mga mata ko?
Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo.
"You're new here." Natigilan ako noong makarinig ng tinig mula sa kung saan. It was a man's voice. Damn it! Sino naman kaya ito? Kalaban ba? Miyembro ba ito ng Coven?
I silently sighed and composed myself. Nagpalinga-linga akong muli ngunit wala talaga akong maaninag na kahit ano! What's happening to me? Bakit ganito? Bakit wala akong makita?
"Don't worry. It will just last for a minute or two. Depende na rin sa lakas ng kapangyarihang mayroon ka. That's the side effect of that spell. Mayamaya lang ay babalik na rin ang paningin mo." Rinig kong muling wika nito sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ikinalma ang sarili. Alright. I need to be calm now. Yes, wala akong nakikita ngayon ngunit kaya ko pa ring igalaw ang katawan ko. Kaya ko pa ring makipaglaban. Kung may masamang gawin man ang lalaking ito sa akin, I can still protect myself. I can use my magic to defend and fight.
Mayamaya lang ay nakarinig ako ng isang kakaibang ingay sa paligid. Napakunot ang noo ko at mas humigpit ang pagkakahawak sa handle ng silver weapon. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong marinig kong muli ang ingay na narinig kanina, naalarma na ako.
What was that? A horn? Wait a minute... I think it's a car. Yes. Mukhang sasakyan nga iyong naririnig ko ngayon!
"My ride is here. Hindi pa rin ba bumabalik ang paningin mo?" tanong ng lalaki na siyang ikinailing ko. "That's bad. I thought... you're different. I thought you're stronger than those witches who entered that portal before. Mukhang wala rin pala akong mapapala sa'yo." Napakuyom ako ng mga kamao sa narinig mula sa kanya. "Good luck living in this world, witch. This is not Utopia anymore. Kapag mahina ka at hindi kayang ipagtanggol man lang ang sarili, paniguradong mas nanaisin mo na lamang bumalik sa mundong pinanggalingan mo."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hindi na sinubukang magsalita pa. Hinayaan ko na lamang ito at noong maramdamang unti-unting nawawala na ang presensiya ng lalaki, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at matiyagang hinintay ang pagbabalik ng paningin ko. At noong unti-unting bumabalik na ito, marahang kong ikinurap ang mga mata at tiningnan ang paligid.
"Who the hell was that?" mariing tanong ko sa sarili at tiningnan ang daang tinahak ng sasakyan ng lalaki. "At ano raw? Wala siyang mapapala sa akin? Come on. As if naman magpapagamit ako sa kanya." Napailing na lamang ako at itinago ang silver weapon sa likuran ko. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ni Yuri sa balikat at napatingin sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...