*****
This is the last chapter, LOVIES!
Maraming salamat sa pagsama sa kuwento ni Zaila Amethyst!
Mahal ko kayo!
*****
Maingat kong inangat ang kanang kamay at inilapat iyon sa pisngi ko. Mayamaya lang ay humugot ako ng isang malalim na hininga at marahang inalis ang luhang naroon. Malungkot akong ngumiti at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga.
"Same dream," mahinang usal ko at wala sa sariling napatingin sa may bintana ng silid na kinaroroonan ngayon. Napabuntonghininga ako habang inaalala ang mga tagpo sa panaginip ko.
I saw and talked to them. My parents and my friends from Deepwoods. I saw Raine, Raven and Theo again! Nakasama ko sila kahit sa panaginip lamang!
Malungkot akong ngumiti. "Alam kong panaginip lang ang mga iyon ngunit... bakit tila totoong nangyari iyon sa akin?" I sighed and slowly placed my right hand on my chest. "Bakit tuwing binabalikan ko ang panaginip na iyon, bakit sobrang sakit ng tibok ng puso ko? Why am I hurting all over again whenever I dream about them?" Napapikit na lamang ako at hindi na napigilan pang muli ang mga luha.
Nanatili akong ganoon hanggang sa kumalma na ako.
It's been a week since I woke up and started to rest and wait to fully heal all my wounds. Ilang araw din akong walang malay dahil sa nangyari sa akin. My body was badly hurt by my own silver weapon at talagang milagrong nagising at buhay pa ako ngayon. Mabuti na lamang ay maraming skilled witches na gumagamit ng healing magic dito sa Royal Capital at nagawang isalba pa ako mula sa sariling kamatayan.
I'm thankful... but at the same time, pakiramdam ko'y may isang bagay akong pinanghihinayangan. Hindi ko nga lang mapagtanto kung ano iyon. Pakiramdam ko lang na kahit hindi na ako nagising, magiging masaya pa rin ako sa kung saan man ako dadalhin ng tadhana.
Mayamaya lang ay napatingin ako sa may pinto ng silid noong may kumatok doon. Segundo lang din ang lumipas ay bumukas ang nakasarang pinto at pumasok si Vanessa at Amelia. Nakangiti nila akong binati at lumapit sa kamang kinaroroonan.
"Who's your sleep?" Vanessa asked me. Ngumiti ako sa kanya at noong napansin nito marahil ang itsura ko, mabilis itong naupo sa gilid ng kama ko. "Umiyak ka na naman."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kaibigan. "I dreamt about them again," marahang saad ko. "At tuwing nangyayari iyon, hindi ko maiwasang hindi maiyak. I... missed them."
"Zaila-"
"I know... it's just a dream, pero parang totoong kasama ko sila, Vanessa." Hindi nagsalita ang dalawa kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Masaya ako dahil kahit sa panaginip ay nakikita at nakakausap sila pero bakit paulit-ulit iyong tagpong nakikita ko? It's like... a memory and not just a stupid dream." Napabaling akong muli sa dalawa at matamang tiningnan ang mga ito. "Posible kaya iyon? Na makausap sila noong wala akong malay? I was almost a dead person before. Posibleng nakita at nakausap ko sila at ngayon... naging parte na ng memorya ko ang tagpong iyon."
Nagkatinginan ang dalawa at mayamaya lang ay bumaling muli sa akin.
"Zaila, I don't know what to say to you but, it's possible," ani Amelia na siyang ikinatigil ko. "Walang imposible sa mundo natin kaya naman... posibleng nakita at nakausap mo sila."
"Your Highness," mabilis na saad ni Vanessa at pinigilan ito sa pagsasalita. "Kailangan pang magpahinga ni Zaila. Huwag na nating dagdagan pa ang alalahanin niya." Humugot ito ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kamay ko. "Zai, kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin ang sarili mo. You need to fully recover first. That's our priority here. Huwag mo munang isipin pa ang ibang bagay."
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...