Untold Thirty-one: The Former Comrade

1.1K 46 2
                                    

Tahimik ko lang na pinagmamasdan si Reagan habang pilit na inaalala ang nangyari sa kanya. I saw him sighed again and took another step towards the lifeless body of one of the members of Coven.

"Hindi ako maaaring magkamali. Kapangyarihan ko nga ang pumatay sa mga evil witch na ito," aniya at umayos nang pagkakatayo. Humugot muli ito ng isang malalim na hininga at binalingan ako. "Wala akong matandaan sa nangyari at sa ginawa ko."

"Nasabi mo na iyan sa akin kanina, Reagan," saad ko at nagsimula nang humakbang palapit sa kinatatayuan nito. "I'm afraid that someone controlled you earlier. Hindi lang natin napansin ang presensiya nito dahil naging abala tayo sa laban kanina."

"That's impossible, Zaila," anito at marahas na napailing na lamang. "Hindi nila basta-bastang makokontrol ako, lalo na ang kapangyarihan ko."

Napaarko ang isang kilay ko sa narinig mula sa kanya. "So, how can you explain to me what happened? Hindi mo nga alam, 'di ba? Kung ganoon, may kumontrol nga sa'yo para magawa iyong mga bagay na iyon, Reagan!"

"Hindi iyon ang nangyari, Zaila. Sigurado ako," muling sambit nito sa akin at nag-iwas na lamang nang tingin. Napairap na lamang ako sa kanya at napahugot ng isang malalim na hininga. Umayos ako nang pagkakatayo at noong magsalita itong muli sa tabi ko, napa-irap akong muli sa kanya. "Huwag na lang muna natin bigyan nang pansin ang nangyari sa akin. We need to move. Hindi na dapat tayo nagsasayang ng oras dito." I coldly said to me.

"Yes, Your Highness," walang buhay na sambit ko sa kanya at tinago na ang silver weapon sa likuran ko. Nagsimula na akong maglakad at noong lalagpasan ko na sana ito, mabilis akong natigilan noong tawagin niya ako. Hindi ko ito nilingon at nanatili ang mga mata sa daang dapat na tatahakin ko.

I heard him sighed before speaking again. "Never mind," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. Akmang lilingunin ko na sana ito noong biglang itong kumilos na. Naglakad na ito at mabilis na nilagpasan ko. Nagkibit-balikat na lamang ako sa ginawa niya at sinundan na ito.

Dahil wala na iyong mga kabayong sinakyan namin kanina noong umalis kami sa Deepwoods, wala kaming ibang pagpipilian ng prinsipeng ito kung hindi ang maglakad. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad at noong makaramdaman ako nang pagod, napahugot ako ng isang malalim na hininga. Mabilis akong tumigil sa paglalakad at marahang hinilot ang kanang paa. Mukhang naramdaman naman ni Reagan ang pagtigil ko kaya naman ay huminto na rin ito sa paglalakad at binalingan ako.

"Huwag mo na akong pansinin. Go. Mauna ka na," wika ko sa kanya habang hinilot pa rin ang paa. Mayamaya lang ay napangiwi na lamang ako noong maramdaman kumilos muli si Reagan ngunit na imbes na magpatuloy ito sa paglalakad niya kanina, bumalik ito at tumayo sa gilid ko. "I'm fine. Mauna ka-"

Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong mabilis na lumuhod si Reagan at hinawakan ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at noong akmang ilalayo ko na sana ang paa mula sa kanya, mabilis niya itong ipinirmi at inilapat ang palad doon.

"Anong-"

"I can use healing magic," aniya na siyang ikinatigil ko sa paggalaw. "Hindi man ako kasing galing ng kapatid ko, still, I can help you with your feet," dagdag na sambit nito sa akin at nagsimulang gamitin ang kapangyarihan para mawala ang sakit ng magkabilang paa ko. At noong matapos na ito sa ginagawa, maingat itong tumayong muli at tiningnan ako. "Let's go," malamig na turan nito at nagsimulang maglakad muli palayo sa akin.

Tahimik akong napabuntonghininga at hindi na lamang umimik. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nakatingin sa likuran ni Reagan Asteria.

Totoong kakilala ko ito noong naninirahan pa ako kasama ang pamilya ko. Sa lahat ng anak ng kasalukuyang hari, si Reagan lang talaga itong nakasalamuha ko sa palasyo noon. Siya kasi ang panganay at palagi ring nakabuntot sa ama ko. My father was his teacher. At kapag may training ito sa palasyo, sumasama ako. Kaya naman ay nakilala ko ang tagapagmana ng trono ng hari. At bata pa lang ito, alam kong mahusay at makapangyarihan ito. At dahil isa nga itong royal witch, natural lang sa kanya ang lahat tungkol sa paggamit ng mahika. He was an outstanding student before at alam kong mas lalong lumakas ito ngayon. He's invincible. I know that... kaya naman ay palihim akong sumang-ayon sa tinuran nito kanina. Na malabong may kumontrol sa kanya kanina para gawin ang mga bagay na ginawa niya sa mga miyembro ng Coven.

Untold Story of the Last Witch HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon