Seryoso at wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang nakasakay kami sa kanyang-kanya mga kabayo. Ilang oras na rin ang lumipas simula noong umalis kami sa royal palace at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tinuran ni Amelia Asteria kanina.
New moon.
I silently sighed and looked up at the dark sky. Tanging mga bituin lamang ang ang nakikita ko ngayon. Wala ang buwan. Wala ang liwanag nito. Napabuntonghininga na lamang akong muli at itinuon ang paningin sa dalawang Asteria na kasama namin ngayon. Reagan and Amelia are the oldest Asteria. Mukhang mas sanay ang mga itong umalis sa palasyo, hindi tulad ng ibang mga kapatid nila. These two can definitely fight against the members of Coven. Ngunit dahil sa tinuran ni Amelia kanina, mukhang mahihirapan silang makipagsabayan sapagkat may negatibong epekto ang buwan sa kanilang mga witch. Now, I can't wait to witness this negative effect she was talking about. And when it comes, kaming mga hunter at huntress ng Deepwoods ang kikilos para sa kanila.
Lumalalim na ang gabi at nakakaramdam na rin ako ng pagod. Nagpatuloy kami sa paglalakbay namin at noong mapansin kong tumigil ang dalawang nauunang kasama namin sa harapan, dahan-dahan kong pinatigil sa pagkilos ang kabayong sinasakyan. Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko at ng dalawang Asteria sa harapan namin.
"Anong problema?" rinig kong tanong ni Amelia Asteria at tahimik na pinagmasdan ang madilim na paligid. "Bakit kayo tumigil?" dagdag na tanong pa nito.
Katahimikan.
Walang sumagot sa dalawang nasa pinaka-unahan namin at noong makaramdaman ako ng kakaibang presensiya 'di kalayuan sa puwesto namin, agad kong kinuha ang atensiyon ng tatlong kakaibigan ko. "Be ready," mahinang turan ko at kinuha na ang silver weapon na nakatago sa may tagiliran ko. "Someone's waiting for us. Mukhang kanina pa sila sa lugar na ito."
"Shit," mahinang sambit naman ni Raven at inihanda na rin ang sandata niya. "I can feel multiple presence ahead."
"Coven," ani Theo na siyang ikinatango na lamang.
"Mukhang hindi pa tayo makakarating sa mismong kuta nila ay marami na tayong makakaharap at makakalaban." Napangiwi na lamang ako sa tinuran ni Raine at noong makaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa may unahan namin, agad akong bumaba sa kabayong sinasakyan. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko at mabilis na iniwasan ang atakeng ginawa ng kalaban namin.
"Let's move!" rinig kong sigaw ni Reagan at pinatakbo nito ang kabayong sinasakyan. Napamura na lamang ako sa isipan at napailing sa ginawa nito. Hindi na rin bumaba sa kabayong sinasakyan ang dalawang witch na kasama namin at sinundan si Reagan. Napaayos na lamang ako nang pagkakatayo at pinakiramdaman ang paligid.
Paniguradong natukoy na ni Reagan ang eksaktong posisyon ng mga evil witch na umatake sa amin kanina. Napailing na lamang akong muli at noong makaramdaman na naman ng kakaibang presensiya sa paligid, agad kong binago ang itsura ng silver weapon ko. Mula sa isang dagger, ginawa ko itong espada. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napatingin dito at matamang pinakiramdaman ang hawak-hawak na espada.
Mas magaan ito ngayon! Mukhang may binago rin si Asher sa silver weapon ko! Mas comportable ako sa paggamit nito!
"Napapalibutan nila tayo," sambit ng isa pang witch na kasama namin na siyang napagtango sa akin. Naramdaman ko ang pagkilos nito kaya naman ay palihim akong bumaling sa puwesto nito. Ngayon ay nasa tabi na ito ni Amelia Asteria at inihanda ang sarili sa maaaring sunod na mangyari. "We'll protect the princess. Kayo na ang bahala sa mga aatake sa atin ngayon."
"No need to protect me," ani Amelia at inilingan ang dalawa. "I can fight. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"But-"
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...