Sa loob ng sampung taon, tanging ang mga hunter at huntress lamang ng Deepwoods ang nakasama at itinuring kong pamilya.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang unang araw ko bilang miyembro ng squad ni Elveena. May iilang batang miyembro sa squad niya, kasama na roon sila Raine at Theo. At pagkalipas ng ilang buwang pagsama sa squad ni Elveena, pinakilala naman niya sa amin si Raven. We're same age kaya naman ay naging malapit ako sa tatlo. Well, of course, maliban kay Raine na palaging may nasasabi sa lahat nang ginagawa ko. But still, we're friends... we're family. Na kahit na palagi kaming nagbabatuhan ng walang kuwentang agrumento, alam naming maaasahan namin ang isa't-isa. That's how family works.
And looking at Yuri right now, alam kong ganoon din ang gagawin namin para sa isa't-isa. We're siblings. He's my beloved brother.
Brother... Damn, I forgot that feeling! Having a brother... matagal ko nang kinalimutan ang pakiramdam na mayroong kapatid. I really thought he died that night! But... he's here! Nasa harapan ko na ito at kung anu-ano ang ikinukuwento sa naging paglalabay niya sa buong Utopia sa loob ng sampung taon!
"Maliban sa Deepwoods, wala ka na bang ibang lugar na napuntahan? Imposibleng hindi man lang nagkrus ang mga landas natin!" anito at ikinumpas ang kamay sa harapan niya. Napatitig ako sa apoy na nasa harapan namin at mas lumakas ito dahil sa ginawa niya. I smiled. Muli kong binalingan ang kapatid at natigil na lamang sa kinauupuan noong makita ang matamang titig nito sa akin.
I smiled again. "Lumalabas din naman ako sa Deepwoods, Yuri," wika ko sa kanya. "Kapag may mga misyon kami."
"Hunting evil witches?" kunot-noong tanong nito sa akin.
Tumango ako sa kanya at niyakap ang mga tuhod na nasa harapan ko. "To hunt and capture them."
"Hindi niyo sila pinapatay?" He curiously asked.
Natawa ako at muling tiningnan ito. "Depende kung manlalaban sila sa amin." I laughed again. "Nabanggit ko na ba sa'yo na naging Squad Captain ako sa academy?" Namataan ko ang pamimilog ng mga mata ng kapatid kaya naman ay napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Umayos ako nang pagkakaupo at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ako at ang tatlo ko pang kaibigan... sabay-sabay kaming naging Squad Captain ngayong taon." Bahagya akong natigilan sa pagsasalita noong maalala ang mga nangyari pagkatapos kaming maging captain ng sariling squad namin. I sighed and weakly smiled at my brother. "Sadly, hindi nagtagal ang pagiging Squad Captain naming apat. Nagkaroon kami nang misyon at nagtungo sa Royal Capital. Nahanap namin ang main headquarters ng Coven at doon nagsimula ang lahat ng kamalasan namin."
"Zai-"
"I thought we were good," malungkot na wika ko sa kapatid. "Pero hindi pa pala sapat ang sampung taon na pag-aaral at trainings namin para matalo ang Coven. Nagtungo pa nga kami sa Royal Capital para lang matutong gumamit ng mahika! But still, all our efforts were useless, we were powerless against them." Napailing ako at napatitig na lamang sa apoy na nasa harapan. "They're unbeatable, Yuri. Lalo na si Merlin. Mas malakas na ito ngayon kumpara noong panahong nakalaban ito ng Head Huntress ng Deepwoods Academy."
"Merlin?" Napaangat ako muli nang tingin sa kapatid. "He's alive?"
"Kilala mo siya?" I asked him. Umayos akong muli nang pagkakaupo at matamang tiningnan ang kapatid.
Tumango si Yuri at kinagat ang pang-ibabang labi. "But he's dead. Patay na ang kilala kong Merlin, Zaila."
"No, Yuri. Buhay at nakalaban ko ito," mariing saad ko sa kanya.
"I was there, Zaila. Nandoon ako sa lugar kung saan namatay si Merlin," seryosong saad nito sa akin. "Alam ko ang tungkol sa nangyari noon sa Deepwoods, iyong pagsalakay ng Coven sa lugar na iyon, kaya naman ay nag-imbestiga ako at nakita ko ngang naging hindi maganda ang kondisyon ni Merlin. Sa isang liblib na village rito sa Utopia, doon nagtago ang ibang miyembro ng Coven at si Merlin. I was there, Zai. I saw him and I'm a hundred percent sure he died that night. He can't be alive."
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...