Dahil nanghihina pa ito, hindi ko muna binitawan si Alyssa. Inaalalayan ko pa rin ito habang nag-iisip nang paraan kung paano kami makakaalis sa lugar na ito. There must be a way. Hindi maaaring maiwan ang isa sa amin dito at magsakripisyo para sa kapakanan ng dalawa!
"Zaila, you're wasting our time. Umalis na kayong dalawa sa lugar na ito!" mariing sambit ni Raine sa akin na siyang ikinailing kong muli. "Zaila, wala na tayong pagpipilian pa. Isa sa atin ang kailangang makaalis sa lugar na ito at makabalik ng buhay at ligtas sa Deepwoods. And that's you. So please, listen to me and just go! Take that noble witch with you. Ako na ang bahala sa mga miyembro ng Coven."
"Zaila... she's turning," mahinang sambit ni Alyssa sa tabi ko. "Minuto na lamang ay magiging isang evil witch na ito."
Oh my God!
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan nang mabuti ang kalagayan ng kaibigan. Alyssa's right. Unti-unting nagbabago ang kulay ng balat ni Raine. Ito na marahil ang epekto ng eksperimentong ginawa nila sa katawan niya. Pero... bakit siya lang? Bakit hindi gumana sa akin ang kung anong eksperimentong ginawa nila sa katawan ko? Bakit kailangan si Raine lang ang magdusa sa aming dalawa?
"Zaila Amethyst, move now!" sigaw ni Raine na siyang nagpakurap sa akin. Segundo lang ay napaluhod na si Raine habang nasa dibdib nito ang kanang kamay. Akmang lalapitan ko na sana ito noong mabilis akong pinigilan ni Alyssa. Napabaling ako sa kanya at namataan ko ang pag-iling nito sa akin.
"Your friend is right. We need to move now, Zaila," matamang sambit ni Alyssa.
"I... I can't leave her again. I can't do that to her!" bulalas ko at muling tiningnan si Raine. She's in pain right now. Nakapikit ito habang dinadama ang kung anong sakit na bumabalot ngayon sa buong katawan niya. At noong akmang kikilos na sana akong muli para lapitan ito, mabilis akong napako sa kinatatayuan ko at napatingin sa barrier na gawa nito kanina.
Humihina na ito ngayon! Damn it!
"Hey, look at me!" rinig kong sambit ni Alyssa ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nakatuon ang paningin ko sa barrier na ngayon ay sunod-sunod na inaatake ng mga miyembro ng Coven. Damn! Paniguradong hindi magtatagal ay mapapawalang bisa na nila ang barrier na ito! "Zaila!"
"What?" inis kong binalingan si Alyssa at sinalubong ang seryosong titig nito sa akin. "Alam kong masisira na nila ang barrier. Nakikita ko iyon, Alyssa, so please, let me think first. Kailangan nating makaalis dito. Tayong tatlo."
"We can't do that," anito na siyang ikinasama nang tingin ko sa kanya. "Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi magtatagal ay magiging isang evil witch na ang kaibigan mo. At kung mangyari na iyon, we can't take her with us. She's a newly converted evil witch. Without Merlin's power... his blood that they used during the experiment, she will not survive. She needs to stay here to live, Zaila."
Damn it!
"But Raine is not an evil... damn this. Wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas natin ito?" mahinang tanong ko kay Alyssa at muling binalingan ang kaibigan. "I can't do this to her."
"Sundin mo na lamang ang nais nito. Umalis ka na lugar na ito at bumalik sa Deepwoods," wikang muli ni Alyssa sa tabi ko. "I... I can use my ability, Zaila. I can use it para makaalis tayo ng hindi nakikita o nararamdaman man lang ng kahit sinong miyembro ng Coven." Mabilis akong natigilan at napabaling muli kay Alyssa. She can do that, really? "Alam ko kung ano ang nasa isip mo, and it's a no. Hindi natin puwedeng isama ang kaibigan mo."
"At bakit naman hindi?" gulong tanong ko sa kanya.
"Gumagana lamang ang ability ko na ito sa mga half-witch na kagaya natin. She's... your friend is an evil witch now." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at walang buhay na napalingon muli kay Raine. Napalunok ako at hindi na nag-isip pa ng kung ano. Habang inaalalayan pa rin si Alyssa, nagsimula na akong maglakad papalapit sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...