Palagi kong sinasabi noon sa academy na matagal ko nang nakalimutan ang tungkol sa dating pamilya ko. Na matagal ko nang nakalimutan ang tungkol sa mga Amethyst.
But the truth is... walang araw na hindi sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa pamilya ko. Alam iyon ni Elveena at ng mga kaibigan ko. Na kahit anong pilit kong kalimutan ang tungkol sa nangyari sa akin sampung taon na ang nakalilipas, hindi pa rin ito mawawala sa isipan ko.
I was never okay.
Alam kong habang-buhay kong dadalhin ang trahedyang kinasangkutan ng buong pamilya ko. At habang-buhay ko ring dadalhin ang poot at ang kagustuhang maghiganti sa mga evil witch na sumira at pumatay sa kanila.
"Who the hell are you?" muling tanong ko sa lalaking namataan kanina at binago ang anyo ng silver weapon na hawak-hawak. Ginawa ko itong espada at mariing hinawakan ang handle nito. Masama ko itong tiningnan at noong dumako na naman ang paningin ko sa emblem na nasa kasuotan nito, napamura na lamang ako sa isipan. "Bakit nasa kasuotan mo ang markang iyan?"
Kumilos ang lalaki at tiningnan ang markang tinutukoy ko. Mayamaya lang ay muli itong bumaling sa akin at matamang tiningnan ako. "Kilala mo ang emblem na ito?" He asked me. Hindi ko pa rin maaninag nang maayos ang mukha niya. Hindi ko matukoy kung sino ito! Maging ang tinig niya ay hindi pamilyar sa akin! Damn! "That's... new. Sa ilang taon kong pamamalagi sa parte ng gubat na ito, ngayon lang may nagtanong sa akin tungkol sa markang nasa kasuotan ko."
Mas lalong humigpit ang ang pagkakahawak ko sa hawakan ng espada ko. I gritted my teeth. "Just answer my question. Who are you?" I asked him again.
"I'm just a nobody." He simply answered. "How about you? Paano mo nakilala ang markang ito?"
"Nabibilang ka ba sa pamilyang iyan?" I asked again, ignoring his question. "Kung hindi ka man nabibilang sa pamilyang tinutukoy ko... wala kang karapatang gamitin ang markang iyan."
Namataan kong natigilan ang lalaki sa sinabi ko. Mayamaya lang ay narinig ko ang pagtawa nito na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. Maingat na kumilos ang lalaki at unti-unting umalis sa sangang kinaroroonan. Pinalutang nito ang sarili at unti-unting bumaba sa puno.
Hindi ko inalis ang paningin dito. Tahimik ko siyang pinagmasdan hanggang sa nasa lupa na ang mga paa nito. "Come on. Bumaba ka na riyan at mukhang marami tayong dapat pag-usapan," rinig kong sambit nito na siyang ikinapilig ng ulo ko. Nanatili pa rin ang mga titig ko sa kanya. "I don't want to fight you. Mukhang hindi ka naman miyembro ng Coven kaya naman ay bumaba ka na riyan. I know that you're curious about this emblem too," dagdag pa niya.
Napahugot muna ako ng isang malalim na hininga bago unti-unting bumaba mula sa pagkakalutang sa ere. Maingat kong inilapat ang mga paa sa lupa habang hindi pa rin inaalis sa lalaki ang matamang mga titig. Ibinaba ko na rin ang kamay ngunit hindi ko binago ang anyo ng silver weapon ko. Hindi ako maaaring magtiwala na lamang sa mga salitang binitawan nito kanina. I can't let my guards down. I don't know him. Kahit na nasa kasuotan nito ang markang pagmamay-ari ng pamilya namin, still, wala pa rin akong ideya kung sino ito. Maaaring niloloko niya lang ako... maaaring kilala niya ang totoong pagkatao kaya naman ay ginagamit niya ang emblem ng mga Amethyst.
"What are you?" tanong nito habang matamang nakatingin sa akin. "You're a witch... but you handle and uses silver weapon. A huntress from Deepwoods? Pero hindi ba ubos na ang hunters at huntresses sa lugar na iyon?"
"How about you? Isa ka bang Amethyst? Hindi ba matagal nang pinatay ng Coven ang pamilyang iyon?" balik na tanong ko sa kanya na siyang ikinatawa nito sa akin.
Napailing ang lalaki at maingat na inangat ang kamay at inilagay sa mukha. Napaayos ako nang pagkakatayo at inihanda ang sarili susunod na sa gagawin nito.
BINABASA MO ANG
Untold Story of the Last Witch Huntress
FantasyZaila Amethyst is one of the best young witch huntresses inside Deepwoods Academy. Kaya nitong makipagsabayan sa lahat at noong magsimula itong magnais na matutong gumamit ng mahika, alam ni Zaila na hindi iyon magiging madali para sa kanya. With he...