May tissue paper, papahid ni papa mo sa ano ng mama mo, after nila mag-anuhan. Ta's nine months later, isisilang ka, lalagay pangalan mo sa papel. Birth certificate 'yan.
Nariyan ang apelyido, kasarian, relihiyon, at nasyonalidad mo. Charan. Nasa papel ka na.
Lalaki ka ngayong malusog na bata. Mga 3 years old, pupunta ka'ng school. Sasabihin sa'yo ni Principal, "Tingin nga ng papel mo," Papakita mo birth certificate mo, ta's sasabihin niya, "Nice, ganda ng papel, okay welcome sa school," ta's enrolled ka na.
Papaliwanag sa'yo anong gagawin. Magbabasa ka ng papel, ta's pag-aaralan yung papel, ta's magsusulat ka sa papel, ta's pag-aaralan mo din yun.
Tapos, at the end of that, bibigyan kayo ng papel, yun naman sasagutan niyo. Tawag nila test paper. Paulit-ulit lang 'yan. By the end of a certain time, na kung tawagin ay grading period, bibigyan ka na naman ng another papel. Ito kakaiba 'to, kasi medyo matigas. Tawag naman nila report card. Pero papel pa din.
Sa papel na yan nariyan ang galing, husay, halaga, at talino mo. Charan. Nasa papel ka na.
Tapos makikilala mo yung Isa pang mahalagang papel. Yung may kulay at may drawing ng mukha. Tapos may numbers: 20, 50, 100, 500 Basta 'yan. Tapos, 'pag naubusan kang papel, kukunin mo lang 'tong papel na 'to, ta's bibigay mo sa ale na nagtitinda'ng papel, "Ate, pabiling papel, mga sampung pad." 'Pag ganun karami, bibigay mo yung papel na kulay red. Basta, ganyann yung papel na 'yan.
Tapos, mag-ja-jakol ka, ewan ko bakit. 'Pag ganito, kailangan mo din ng papel. Tissue paper naman tawag.
Tapos, may makikilala kang tao. Magkatulad kayo, pero kakaiba siya kasi mas malaki dede niya, ta's mas mahaba buhok. Ewan, pero gusto mo siya. Ang gagawin mo ngayon, susulat ka sa papel, love letter naman tawag dito, ta's bibigay mo.
Pero, 'di sapat 'to, so iipon ka ng maraming papel, yung may kulay, ta's ibibili mo ng teddy bear, tsaka bulaklak, tsaka pagkain. Paulit-ulit lang hanggang sa magka-papel ka na sa buhay niya.
Anyway, bale mga 12 years later, after mong makasalamuha lahat ng papel na 'to, makakatanggap ka ng espesyal na papel. Ang tawag dito ay diploma. Ang cool niya kasi may special ribbon siya, naka-rolyo, at tatanggapin mo sa stage. Pero papel pa din.
Ta's sasabihin mo, "Ay, salamat, tapos na'ko sa mga pesteng papel na 'yan," pero ipapadala ka naman nila sa college. Kaya nagkakamali ka. Mas maraming papel dun. Pero, sosyal na kasi paper na tawag. Research paper, term paper, thesis paper, essays na nasa paper, at depende sa'yo, suicide note on paper.
Kapag natapos mo yun, mga 4 to 6 years later, makakatanggap ka na naman ng Isa pang diploma. Naka-ribbon 'to, naka-rolyo, at tatanggapin mo sa stage, pero this time, mas marami kayo, ta's may costume ka, ta's tatapon mo sa ere yung suot mong sumbrero na parang ewan. Ta's masaya ka na.
Pero, malulungkot ka ulit. Kailangan mo ng maraming papel na may color, para makabili ka ng kung ano-ano.
So, kukuha ka ngayon ng mga papel na fi-fill-up-an mo. Tawag naman nila bio-data at resumé. Ta's pipirmahan mo, bibigay mo sa mga taong namimigay ng de-kolor na papel.
'Pag may nahanap ka, sasabihin nila, "Ang ganda ng papel mo, tanggap ka na." Ta's tatanong mo, "Ano po gagawin ko dito, sir?" Ta's sasabihin nila, "Kita mo 'tong papel? Pag-aaralan mo 'to, ta's lalagay mo dito, ta's pa-po-photocopy mo, ta's lalagay mo doon, ta's sasabihan mo'ko na nilagay mo na do'n, ta's uulitin mo na naman. By 15 and 30 of the month, bibigyan ka namin ng de-kolor na Papel, yung kulay blue."
So bale, mga 50 years later, marami ka nang de-kolor na Papel.
Sa mga papel na yan, nariyan ang antas mo. Charan. Nasa papel ka na. May asawa ka na din; naka-tali sa'yo sa papel na tinawag nilang "marriage certificate." Yung anak mo naman nagsasagot ng mga papel. Tapos malaki yung bahay niyo, may titulo kayo nun, at naka-papel din. At nga pala, may kotse din kayo, gara. Naka-papel din yun sa'yo.
Paminsan-minsan, nagbabakasyon kayo. Bumibili kayong ticket na Papel gamit ang de-kolor na Papel, after niyong magpa-rehistro ng passport na Papel—ang cool nun kasi may picture mo—ta's pupunta kayo sa malayong lugar na maganda, ta's pipicture-picture at ipi-print niyo sa papel.
Ta's tatae ka, so pupunta kang CR, kukuha kang tisyung papel. Pero mauubo ka, ta's luluwa kang dugo. Ta's mababahala ka. Pupunta ka ngayong hospital, papa-check-up ka, ta's hihintayin mo yung papel na may test results. Ta's pupunta ka sa doctor, papakita mo yung papel na yun, at sasabihin niya, "Hala, oh no" ta's magsusulat siya sa Isa pang papel na maliit naman, pero 'di mo mababasa sinulat niya. Ta's magpapasalamat ka, bibigyan mo siyang de-kolor na Papel.
Tapos, pupunta kang botika, bibigay mo yung sinulatang papel, ta's may bibigay sa'yong gamot. Iinumin mo ngayon yun para 'di ka mamatay.
Mga 25 years later, 75 ka na or ewan, namatay ka kahit ininom mo naman yung gamot. Pero, ganun talaga ang buhay, namamatay.
Ngayon, nasa papel na pangalan mo, at sasabihin nila mag-donate kayo ng de-kolor na Papel, tawag naman nila abuloy.Tapos may eulogy speech na nakasulat sa papel. Tungkol yun sa'yo, kaso 'di mo na maririnig kasi patay ka na. Tapos, iiyak sila. Yung katawan mo nasa kabaong. Yung mukha mo naman nasa papel, naka-picture frame at naka-ngiti ka, tapos may katabing kandila.
Sa papel na yan nariyan ang peke mong ngiti. Hindi ka naging masaya kahit andami mo nang papel. Pero, ayos lang 'yan. Maraming papel sa mundo, pero hindi lahat nahahanap ang papel nila sa mundo.
YOU ARE READING
Penis Doodles On The Bathroom Walls Of Impermanence
RandomSo, gumawa ako ng Wattpad collection kasi baka mamatay na'ko bukas. I don't know if masyado bang self-indulgent to digitally publish a collection like this; three years of writing, and I still could not validate my self as a writer. The impostor sy...
