Lamay

75 4 0
                                    

May naisip akong magandang trip sa lamay niyo, guys.

Una, ihabilin mo sa embalmer, insurance company, or sinumang nakatoka sa bangkay mo na dapat nakabuka yung mata mo. Ha ha ha. Saya no'n, promise, syempre hindi para sa'yo; wala ka nang makikita, deadz na u. Pero sa mga makakakita sa'yo, masaya yun.

Kaso it's very uncomfortable, kaya may idadagdag tayo para ma-ease yung magiging guests mo.

May experiment dati sa Electromagnetism na pwede mong pagalawin facial muscles ng bangkay gamit ang electricity. Try mo i-research ta's ihabilin mong gawin nila sa bangkay mo. Theoretically, yung face mo titigas at a certain position, aim mo diyan is dapat naka-smile or 'di kaya naka-wacky. Basta yung magiging komportable sila.

Tapos lagyan mong Bluetooth speaker ataol mo, tsaka program ka ng motion sensor na nag-a-activate yung recording 'pag may lalapit sa ataol. Ha ha ha.

Ta's record ka ng greetings and statements:
"Hellooooo, welcome sa aking lamay."
"Hey, thanks for being here. I appreciate it."
"Claire ikaw ba 'yan? Ang aking TOTGA? Kung hindi, edi sorry."

Kausapin mo guests mo:
"Woi, pare, long time no see. Kung 'di pa'ko namatay, 'di mo'ko dadalawin noh?"
"Iiyak ka ba? Ayiieeee iiyak siya para sa'kin."

You can share your last wishes or errands:
"Pa-favor, yung hard drive ko, paki-sunog."
"Vr0, respect mo 3-month rule bago mo ligawan syota ko."

And above all, be accommodating:
"Tol, may biskwet at kape, h'wag kang mahihiya ha, 'di naman ako magbabayad niyan."

Ayan, ang polite mong party host.

Penis Doodles On The Bathroom Walls Of ImpermanenceWhere stories live. Discover now